Share

Chapter 8

Author: Rizz Garcia
last update publish date: 2020-07-29 13:07:02

Reese

"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?" 

"Hindi pwede! Paano mo mapapa-ibig si Fafa Thorne niyan, sige nga?!" 

Oo, nakwento ko na lahat kay Tere ang lahat about the deal. Nakwento ko na rin si André na roommate ko. As expected, excited na excited na siya sa mga mangyayari. Ang akala ko kahit papaano mabibigyan niya ako ng makatotohanan at praktikal na advice pero it turned out the other way around. Siya pa itong nag-volunteer at atat na atat na magpunta sa Mall para mamili ng mga damit ko. Mga pang-Class A lang ang binebenta dito sa Mall na pinuntahan namin. 

Tere will always be Tere. Happy-go-lucky and living her life to the fullest.

"Okay na siguro itong mga pinamili natin." Daing ko sa kanya. Nagpameywang naman siya sa harapan ko.

"Girl! Ano ka ba! Paano na lang ang deal? Umayos ka diyan, ha! Nagsusukat ka lang naman, eh!" 

"Kanina pa ako nagsusukat, ayoko na!" Alam ni Tere na hindi ako mahilig sa mga damit na ala-fashionista. Pinasuot niya ako ng backless kanina, jusko! Pakiramdam ko kitang-kita ang kaluluwa ko! Hindi naman ako manang manamit. Normal na damitan lang ang mga sinusuot ko gaya ng t-shirt at pantalon, tank top dahil presko, at shorts. "Parang ibubugaw mo naman kasi ako sa mga pinipili mo, eh!" Singhal ko.

"OA mo, ah! Basta magsukat ka diyan!" Wala na akong nagawa kundi sundin ang Fairy Godmother of the day. Matapos ang isa pang oras ng pamimili ng damit, paglalakad, pagbalik-balik sa mga stalls ay doon na niya naisipang umuwi na kami sa Dorm.

Mabuti na lang wala pa si André. Hindi ko alam kung uuwi ba siya rito anytime soon. Wala kasi siyang nabanggit kung uuwi siya. 

"Kapagod!" Napa-swimming na lang ako padapa sa kama. It was really tiring!

"Ako dapat magsabi niyan, ano! Nakakapagod kang papag-suotin ng mga damit!" Bwelta ni Tere. Sumalampak naman siya sa kabilang kama. Sa kama ni André.

Umupo ako ng maayos at tinitigan ang kabuuan ni Treasure. Kung tutuusin, kaya niyang makipagsabayan sa mga babae ni Thorne. I mean, I'm not saying na katulad niya ang mga 'yon. Actually, she's too far from them. Maganda si Tere at above average naman ang pamumuhay. Maganda, petite, maputi, mabait at masiyahin na tao siya kahit maraming problema sa buhay. Binabalewala niya lang ang mga problema at sinusulit ang bawat araw ng buhay niya. Not that she's gonna die, but, madami na siyang pinagdaanan. Family problems and especially relationships. Kaya mahal ko ang kaibigan ko at ayaw kong masaktan pa siya. Doon kami nag-clicked na dalawa noong high school kasi baligtad kami. She's the gorgeous type at crush ng bayan samantalang ako, taga-suporta niya.

But I could totally say that Bermudez's are influential. They are beyond above average. That's what I only know about them. Until this Thorne came in the picture at kinuha sa amin ang ari-arian namin. Hindi pa rin naman ako nakakamove on sa pagkawala sa amin ng Café pero tinatanggap ko na rin naman 'yon sa bawat araw na dumadaan.

And then there's the deal, sana hindi na lang ako nagpadala sa emosyon ko. Nakakainis! Paano ko mapapa-ibig ang Tinik na 'yon kung mismong mga magagandang babae nga mismo nagkakandarapa sa atensyon niya? Damn!

But for the Café, kailangan kong magtiis. I have to make him fall for me. 

Parang nai-imagine ko na ang flat at bully niyang mukha at sasabihing 'that will never happen'. Napabuntong hiniga na lang ako.

"Aalis na ako, ah. May lakad pa kasi ako." Nakangiting sabi ni Tere na abot hanggang tainga habang nakatingin sa kanyang phone. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Aalis na siya? This is new. I'm getting kind of suspicious. Hindi naman siya atat na umaalis kapag kasama ako. 

"Bakit? Saan ka pupunta?" Interrogate ko pero mukhang hindi niya ako naririnig. Busy pa rin siya sa kanyang phone. May mali talaga dito, eh. "Huy! Anong meron!"

"Ha?" Sa wakas nakuha ko rin ang atensyon niya. 

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" napataas ang isang kilay ko.

Tumitig siya sa akin at nakita ko ang pag-twinkle ng mata niya. Sabi ko na nga ba at may hindi siya sinasabi sa akin!

"May ano..." napakagat siya sa kanyang labi at halatang pinipilit niyang ngumiti ng malawak.

"Ano?!" Hindi ko makapaghintay na tanong.

"Eh, ano kasi! Kasi may nakilala ako sa club. Hep-hep, huwag kang magalit!" Pigil nito sa'kin. Napa-ekis siya ng kamay para umilag sa'kin. Unti-unti akong napameywang at siya naman ay napaatras.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag ka nang mag-club?! Kaya ka nasasaktan, eh!" 

"Huwag ka muna kasi mag-react ng sobra! Makinig ka muna kasi!" Lumapit siya sa'kin at umupo ng mabilis sa tabi ko sabay pulupot niya sa braso ko. "May nakilala ako. Iba siya, I promise! He's a gentleman!" Nagsimula na siyang mag-daydream. Kumikinang ang mga mata niya sa kilig.

"Tere, club 'yon! Walang matino doon!" Nawala ang kinang sa mata niya at mabilis na ibinaling ang tingin sa akin. Mukhang nasira ko ang kanyang pag-de-daydream.

"Alam kong walang matino sa Club pero iba 'to. Promise." She assured me.

"Ayoko lang kasing paglaruan ka ulit. Tama na 'yong mga nakita ko noon na halos malunod na ako sa mga luha mo kakaiyak mo araw-araw." 

"Aww..." she softened. Nilandas niya ang maliit na pagitan namin at niyakap ako. I hugged her back. "Love you talaga," aniya. Napangiti naman ako. "Basta, promise ko sa'yo. This guy is different!"

"Sino ba siya?" Naging curious na tuloy ako kung sino iyong lalaking binabanggit niya.

"Hmm... basta. Basta ang masasabi ko lang muna sa ngayon, mangangaso ang pangalan niya." 

"Mangangaso?" 

"Binigay niya lang ang number niya at ang pangalan daw niya ay mangangaso." ngiwi niya.

Ang weird naman ng pangalan? 

"Niloloko ka lang yata niyan, eh! May pangalan bang gano'n?" Kunot noo kong bwelta. Nagkibit-balikat naman siya sabay tumayo at lumapit na sa pintuan.

"Hindi niya ako niloloko. Nararamdaman ko naman na totoo siya. At clue lang iyong sinabi niyang mangangaso ang pangalan niya. I think he's very private when it comes to his personal life. Nagkakilala lang kami saglit sa Club, alam mo 'yon, 'yong parang napukaw niya ang atensyon ko at ganoon din siya sa'kin. Nag-usap kami ng higit sa five minutes lang kaya wala na akong ibang alam kundi ang mga nakwento ko sa'yo kasi nagmamadali siyang umalis. But I'll give you updates kung mayroon." Ngiti niya sa'kin. Mukhang iba nga itong bagong guy na nakilala niya. Dati kasi puro mga may motibo ang mga naku-kwento niya. 

"Basta, magkwento ka, ha!" Ngiti ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng malawak sa akin. Alam niyang okay na at approve ko na kung sino man ang lalaking iyon. Syempre, bilang best friend niya, and as always, kailangan ko siyang suportahan. 

Nagyakapan muna kami bago siya umalis ng Dorm. Sinabi niya rin sa akin na 'be yourself'. Kilala talaga ako ni Tere. She's my best friend. Alam niyang hindi ako confident sa deal at sa mga mangyayari. Pero sa sinabi niyang iyon, nakahinga ako kahit papaano.

Ngayon, nagpameywang at pakagat labi akong tumitig sa mga plastic bags at paper bags na nakakalat sa sahig. 

I must wear these once the classes starts next week. Hindi ako sigurado sa gagawin ko. Sumasakit ang ulo ko kung paano ko ba mapapa-ibig ang Tinik na 'yon. But one thing is for sure, 

I will not lose.

~*~

Mabilis lang dumaan ang isang linggo at sa loob ng isang linggo na 'yon, hindi nagpaluto si Thorne. Iniisip ko pa lang na may dinadala siyang mga babae doon ay napapangiwi na ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa Condo niya. Sa tuwing mapapatingin ako sa may bintana ko, hindi ko nakikitang nakabukas ang mga ilaw doon.

As for André, narinig ko na lang na bumukas ang pinto noong Wednesday ng madaling araw at dito natulog sa Dorm. Hindi na niya ako inabalang gisingin pa kaya tumuloy na siya sa pagtulog. Thursday morning, hindi ko na siya naabutan sa umaga. Maaga rin pala siyang umalis. Pero may iniwan siyang breakfast sa maliit naming mesa with cookies and a sticky note na kulay blue.

I did not bother waking you up. Eat this breakfast, beautiful. - A.

Napangiti ako sa gesture niyon ni André. He's really a good guy. Sinong hindi mapapangiti sa ganoon? 

At ngayong Lunes, ganoon pa rin ang ginawa niya. Pagkatapos kong mag-almusal ay tsaka na ako naligo at sinuot ang isa sa mga pinamili namin ni Tere. Sinuot ko ang isang baby blue dress na parang bathrobe ang datingan dahil sa may manipis na tali ito na kailangang itali sa gilid para maging ribbon. V-neck's are not my thing pero ganito ang suot ko ngayon. Hindi naman lawit ang cleavage ko, hindi katulad ng mga babae ni Thorne na halos pumutok na ang mga dibdib nila sa laki. Nag-init tuloy ang mukha ko sa mga naiisip ko. I must be myself. And I have to admit that I will never be like those smoking hot girls. I am plain Reese.

Humarap ako sa salamin na nakadikit sa tabi ng cabinet. Napangiwi ako. Hindi talaga ako sanay sa ganitong suotan. Ano ba kasing naisip ko at namili ako nito! 

Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na. I need to bear with this. Tinanggal ko ang tuwalya na pinulupot ko sa aking buhok. To look more presentable, naglagay rin ako ng light make-up. Powder at liptint lang sapat na. Ginamit ko rin ang liptint para mamula naman ang pisngi ko. Pinatuyo ko rin ang buhok ko sa electric fan. Mabuti na lang bagsak ang buhok ko kaya hindi na kailangang plantsahin. 

Thank you mama, for giving me this beautiful hair. 

Nang matapos, I took a glance in the mirror.

"Grabe..." napatakip ako ng bibig. "Ikaw ba talaga ako?" Tanong ko sa babaeng nasa loob ng salamin. 

Pero ang totoo hindi ako sanay. Nahihiya ako na baka pagtawanan lang ako ni Thorne. Ano ba kasi itong naisip ko! Para akong Ale kumpara sa mga nakakasama niyang babae. Anong laban ko sa mga 'yon? Napabuntong-hininga na lang ako.

Hanggang itaas ng tuhod ang dress kaya makakapasok naman siguro ako sa Holy Trinity. Isinuot ko ang two inches na nude color sandals ko na binili rin namin sa Mall. May maliit na belt ito na kailangang isuot paikot sa paa ko. Open sandals ito kaya mukhang for sunny day ang outfit ko.

I took one last glance in the mirror. Namumula ang mga pisngi ko. Hindi ko akalain na makikita ko ang sarili ko na ganito. I have to admit na kahit papaano natutuwa ako. Pero nahihiya akong lumabas!

Biglang bumukas ang pinto ng Dorm and I jolted in surprise to see André gaping at me.

"André!" Hindi ko alam kung paano ko itatago ang sarili ko. Oh my god. Anong gagawin ko?! Sobrang init ng mukha ko sa kahihiyan.

"What are you doing?" Kunot noo niyang tanong. "Bakit mo tinatago ang sarili mo sa kurtina?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah-eh, wala 'to! A-anong ginagawa mo dito?" Utal kong wika. Hindi ako nakarinig ng sagot dahil may biglang humila ng braso ko palayo sa kurtina.

Lumayo ng kaunti si André sa akin at napatitig ng matagal sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang nasa mukha niya. 

Alam kong mangyayari ito. Ang kahihiyan! 

"Magpapalit lang ako saglit, pwedeng—"

"You look gorgeous..." nagtama ang mga mata namin and he's smiling. He's beaming at me. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Totoo ba ang sinabi niya? Sobrang init ng mga pisngi ko. 

"N-nagbibiro ka lang di'ba?" 

Nagpamulsa siya. "Nope. I'm telling you the truth. You are absolutely gorgeous. No lies nor mockery." Nakangiti pa rin niyang sabi.

Hindi ko ito inasahan. For once, hinayaan ko na lang ang sinabi ni André. Napangiti rin ako. 

"Thank you for complimenting me, André." 

"My pleasure, beautiful." He winked. Pinigilan kong ngumiti ng malawak. I don't want him to see me smiling like an idiot. "With that, you will get a free ride from me. Saan ka ba pupunta?"

"Ha? Hindi na, naku! Nakakahiya sa'yo. Alam kong busy ka sa mga gawain mo—" he cut me off.

"I said 'free' ride. Gusto lang kitang ihatid." He insist.

"André, okay nga lang, promise." Pagpupumilit ko.

Bumuntong hininga siya. "Okay, pasasalamat ko na lang 'tong paghatid ko sa'yo noong nagkasakit ako. Fair enough?" Pagpupursige pa rin niya. 

Isa lang ang masasabi ko, André will not let go of this unless I give up and let him give me a ride.

"May magagawa pa ba ako?" I smiled at him and he smiled back. 

"Let's get going then?" Anyaya niya. Tumango ako saka na kinuha ang aking bag na nasa kama ko at bumaba na sa basement. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat bago umupo sa driver's seat.

"Where to, Ma'am?" André asked.

"Holy Trinity, please. And thank you for giving me a ride." I gave him my sweetest smile because he deserved it. Napakacharming niya at bait pa. And to top if off, gentleman. Who am I to not say at least 'thank you', right?

"First day of class? Damn, I miss going to school." Pag-alaala niya.

"Oo nga pala, graduate ka na at nagwo-work."

"Yep. Let's not talk about work, please." Ngiwi niya. It's like a pain in the ass for him kapag binabanggit ang trabaho niya. Sobrang busy talaga siguro niya and giving me this ride is really precious to me.

"Sorry," Ngiwi ko rin. Ngumiti lang siya at pinaandar na ang sasakyan. Fifteen minutes lang ang itinagal nang makarating sa main gate ng HTU. 

"Have a great day, Reese." Ani André. Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap sa kanya. 

"Thank you, André. See you soon?" Ngiti ko.

"I will be home on Wednesday. Wait for me." He said as if mag-asawa kami at nasa malayo siya para magtrabaho. Natutuwa ako kay André. He's so sweet and caring. I start to feel really comfortable with him.

"Okay, hihintayin kita. Magluluto ako ng food." 

"No need. We will eat at the Resto, remember?"

"Ah, oo nga pala. Sige." Ngiti ko. Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng kanyang kotse. 

Humarap ako sa malaking gate ng HTU. It is open wide. May mga naglalakihang palamamuti ng mga Angels sa kaliwa't kanan ng malaking entrance nito. I must say that this University is really prestigeous. Pumapasok ang lahat ng mga estudyante sa malaking gate. Mukhang International school ito dahil may mga foreigner na mga estudyante. Asians, Americans, at iba pang nasyon. Humanga ako sa kagandahan ng pasilidad nito. Para akong nasa ibang bansa. Napahinga ako ng malalim dahil ito na 'to. 

This is it. 

I will see him today. 

The deal. I have to get ready for the deal without putting my classes at bay. 

"Oh, it must be no other than Reese." Wika ng isang boses na nagmumula sa aking likod. I was stunned. Ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Hinarapan ko ang taong nasa likuran ko.

And yes, without a doubt, it's Thorne Bermudez III.

He's wearing a white polo shirt na nakatupi ang sleeves hanggang siko at black pants na sumasakto sa kagandahan ng binyas nito. Sumisigaw ng kagwapuhan ang buong awra niya. Some students were even staring at him in awe and amazement. Sa tingin ko I must do the same because he is really a gorgeous man.

"Good morning!" I smiled at him. 

Napakunot ang noo niya. Hindi niya siguro ito inaasahan. Siguro ine-expect niyang babangayan ko siya. Inalala ko ang sinabi ni Tere sa akin. Kailangan kong maging totoo sa sarili ko. I don't want to pretend to be somebody when in fact, I'm just a nobody. Mas komportable ako kung sino ako at kung ano ako. And with that, I feel at ease.

"Whoa, sino ka? Nasaan ang tunay na Reese?" He smirked and cross his arms. Mukhang mas na-e-entertain siya sa nasilayan niya ngayong umaga. Sa nakikita ko, he's having a great time.

"I'm Reese, who else?" Kunot noo ko rin tanong.

"I mean..." kinilatis niya ako na parang may mali. Napahawak pa siya sa kanyang baba na parang nag-iisip kung anong nangyayari ngayon. "Nothing." In an instant, he came back to being himself. The old Thorne, the bully badboy. 

"By the way, you look good today." He praised. "See you around." He smiled. Pagkatapos sabihin no'n ay dinaanan niya ako hanggang sa makapasok na siya sa loob ng malaking gate at tuluyan nang nawala sa paningin ko dahil sa dami ng mga pumapasok na estudyante.

Wait. What was that all about?

Did he just— anong nangyari sa kanya? Parang kailan lang irita siya sa'kin tapos ngayon? Hay! Ang gulo niya! At 'yong ngiti niya, katulad nung sa Condo. Hindi ko siya maintindihan! 

Hindi ako pwedeng maguluhan ngayon. Isa lang ang dapat kong gawin. Kailangan kong mag-ingat. Hindi ako pwedeng ma-fall sa kanya. He must fall for me instead!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 8

    Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 7

    ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 6

    Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 5

    "Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 4

    Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 3

    Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status