Tears Of A Badboy (Tag-lish)

Tears Of A Badboy (Tag-lish)

last updateLast Updated : 2020-07-29
By:  Rizz GarciaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
80views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

It's rare to witness a glorious and has-it-all Badboy shed tears for a not-so-glamorous, boring and weird girl. Thorne Bermudez III, ang tinaguriang Badboy in Town ay binili ang All Bloom Café at lupa ng Tiyahin ni Reese dahil sa ipapatayo nitong business na kinatitirikan ng kanilang Café. Si Reese, bilang isang independent at maprinsipyong babae ay hindi ikinatuwa ang naging desisyon. With this, Thorne came up with a sick deal. That is, if he fell in love with Reese, which he highly doubt, he will give their possessions back. He came up with this deal because he is one hundred percent sure that he will never fall in love with a boring girl like her. But the million dollar question is, what would happen if the bad boy in Town fell for his own trap?

View More

Chapter 1

Prologue

Thorne Bermudez III

"Who on earth would buy that trash?" naaasar kong tanong kay Dad. 

"Your words, please," mahinahon na sambit ni Dad habang nakaupo dito sa kanyang opisina sa bahay. Yeah, we had that thing here. Sa laki ng mansyon na 'to, kakasya ang isang daan na tao sa dami ng mga kwarto. "Hindi kita binuhay para kumausap ka ng ganyan sa tao. Lalo na sa harap ko!" Dumadagundong ang boses ni Daddy. Nagitla ako doon. Ang laki ng kanyang boses na akala mo nangangain ng tao. Well, yes. I would say that my Dad had this kind of power para sumunod ka sa kanya. He raised his children as well-mannered people. 

Umayos ako ng tayo pati na ang aking utak. Walang gustong kumalaban kay Daddy maliban na lamang kay Mommy. "What do you want me to do, then?" I asked him.

"I have given you the right to decide. Binigay ko na sa'yo ang limang porsyentong iyon sa isang daang porsyento ng asset natin kaya ikaw na ang bahalang magdesisyon. Nasa tamang edad ka na, Thorne. I want to see kung anong gagawin mo sa bagay na ibinigay ko sa'yo. Lose it or make something from it," ani Dad at doon na niya iwinagayway ang kanyang kamay na nangangahulugang ako'y makakaalis na. 

tsked inside my head. 

Lumabas ako ng kanyang opisina na nakakuyom ang kamay sa aking mga gilid at huminto doon sa harap ng pinto ng office ni Dad. Napakagat ako sa aking labi dahil sa sobrang inis. I wish I was Kuya Hunter. He had his own company now. Ganito rin ang ginawa sa kanya ni Dad noong ganito rin ang kanyang edad. I just turned eighteen last week. Now, kuya Hunter did not lose the thing Dad gave to him. He made something from it. At iyon ay ang kanyang sariling kumpanya. 

Nawalan na ako ng mood kakaisip kaya naman kinuha ko ang aking cell phone at hinanap sa google maps ang bagay na nakakapagpasagabal sa binigay na limang porsyento ng asset ni Dad sa akin. Ang lupang kinatitirikan ng kanyang binigay sa akin ay may nakatayong isang Café. Isang maliit at sobrang cheap na Café! Sinong bibili no'n?! Balak ko sanang pagdiskusyonan iyon with Dad ngunit wala siyang oras at gusto niyang ako ang gumawa ng paraan.

And now, I want to buy that Café at pagigiba ko kapag nabili na. But the thing was, ayaw daw ibenta ng pamangkin ni Mrs. Helmina ang Café. I asked the name, though. It's Reese.

Tinago ko ang aking cell phone sa aking bulsa at saka lumabas ng mansyon. I used my big bike, Ducati, dahil mas komportable ako dito. I wore my hooded jacket and started the engine of my big bike. 

All Blossom Café. Ang sabi ng karatula sa itaas nito nang ako'y huminto sa harapan nito. 

Tamad akong pumasok sa loob at doon sa loob ng café ay may sigawan. Tila isang babaeng gustong mag-rally. Walang pumapansin sa akin kaya naman dumiretso na akong pumasok sa loob. 

There I saw Mrs. Helmina. 'Yung Ginang na nakausap ko a few days ago. Wala noon ang pamangkin niya dahil nasa Unibersidad daw. Ngayon, mukhang nandito na nga siya.

I just stared at her with boredom. She had this long brown hair up to her waist. Her petite body made her look more feminine. Simplicity was written on her forehead. Yet, her unique and simple beauty was enough reason for me to stop checking her out. That was not the thing I came here for. 

So, this is Reese. 

I had this mannerism of tilting my head when things are getting interesting. I tilted my head while watching a funny show in front of me. I think I already know what to do with this asset.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status