LOGINSa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.
At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
Ngayon, kalong ko siya sa aking hita. Nakahiga ang ulo niya roon habang patulog. Ano ba kasing naisip ko at doon ko siya pinakain?! Ang totoo, gusto ko lang kasi talaga makatipid at isa pa, nahihiya ako sa kanya. Hindi pa naman kami ganoon ka-close para yayain niya ako ng ganoon, eh. Nasa hitsura naman niya ang pagiging mabait. Ipinagpilitan ko lang talaga 'yong Carenderia. Hay.
Sinalat ko ang noo niya at medyo nabawasan na ang init niya. Pinainom ko siya agad ng gamot kanina para sa lagnat at sakit ng tiyan. Nagdi-diarrhea siya, eh.
Tumitig ako sa gwapo at patulog niyang mukha. Marahan ko itong sinuri. Mayaman nga talaga itong si André. Maselan ang tiyan sa pagkain. Mukhang mas sanay sa steak. Ako kasi kwek-kwek lang after class nabubusog na, eh. Sanay naman ako sa mga pang-masang pagkain.
Napatungkod ang aking dalawang kamay sa kama dahil gumalaw si André at niyakap ako. Wait, wait, bakit yata napakakomportable ng lalaking 'to? Para tuloy siyang bata na nakayakap sa nanay niya habang tulog at nakakandong ang ulo sa hita. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking damit papasok sa loob. Nakikiliti tuloy 'yong tiyan ko.
And why do I feel attacked? This handsome guy must know his limits! I don't know if he's being too comfy o sadyang tsansing? Naguguluhan ako sa kilos niya. Iniisip ko na lang na kailangan niya 'to at kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito.
"André, huy. Okay ka na ba?" itinulak ko siya ng marahan sa balikat para makita ko sana ang mukha niya ang kaso nagpumilit na sumiksik sa akin. Hay, parang bata talaga!
"Masakit pa. Dito ka lang." Nakabaon ang kanyang mukha sa tiyan ko kaya parang unan na tinakpan ang kanyang boses.
"'Yong totoo, André, masakit pa ba?" Mukha kasing nag-iinarte na lang, eh. O tsansing talaga? Ayoko man isipin 'yon pero kasi naman. Bakit sobrang komportable niya sa higa niya sa hita ko?
Hinawakan niya ang pulso ko at idinantay ang palad ko sa leeg niya. "See? Mainit-init pa." Doon ko nakumpirmang mainit pa nga.
"Hindi ka pa kumakain, ipagluluto sana kita."
"But I am sleepy. Gusto ko munang matulog bago mo ako ipagluto." Aba, demanding pa ang koya mo.
Hindi naman na ako naiilang sa kanya. Medyo matagal na rin naman siyang nakahiga sa hita ko at mukhang komportable talaga ang lalaki na 'to sa kanyang pagkakahiga. Hindi bakas sa kanya ang pagkailang o hiya. 'Yong para bang matagal na niya akong kakilala at gawain niya 'to lagi?
"Okay, sige." Hindi ako makaangal sa gusto niya dahil kasalanan ko naman kung bakit siya nagkakaganito. Pinabayaan ko na lang siyang makatulog.
Habang hinihintay siyang makatulog ay sinasalat-salat ko rin ang kanyang noo. Medyo nawawala na ang init niya. Baka tumalab na 'yong gamot na pinainom ko. Mabuti na lang prepared ako. May first aid kit ako sa cabinet.
Nang maramdaman kong naging normal na ang mainit niyang hininga sa tiyan ko ay dahan-dahan kong itinaas ang ulo niya at inilipat iyon sa unan niya. Tumayo ako at naisipan titigan ang kabuuan ni André.
"Bakit mukha kang model? Ang swerte naman ng mga magulang mo sa'yo. Napakabait mo pa kasi." O masyado lang akong atat na mag-conclude na mabait siya? Di bale na. Ang importante ngayon ay gumaling siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi siya gumaling agad.
Kinumutan ko siya at saka na naisipang bumili ng mga lututuin ko. Ipagluluto ko na lang siguro siya ng sopas. Dapat 'yong hindi mabigat sa tiyan baka mabigla at magtae na naman. Nagpunta ako sa malapit na Supermarket at doon na namili. Nang matapos ay umuwi na rin agad ako sa dorm.
Patapos na ako sa sopas ko nang maramdaman kong may nakatitig sa likod ko.
"Ang bango. Anong niluluto mo?"
"Gising ka na pala, André. Nagluluto ako ng sopas." Ngiti ko sa kanya nang tingnan ko siya. Nakaupo na ito at mukhang hindi na masakit ang tiyan. Hindi na kasi siya namimilipit at mukhang sinat na lang.
"I'm not hungry, pero kakain ako. Amoy pa lang nakakatakam na." Ngiti rin nito sa akin.
Matapos maluto ang sopas ay nagsalin na agad ako sa dalawang malaking mangkok. Isa sa kanya at isa para sa akin. Magkaharap kaming kumakain sa mesa naming maliit.
"Ang sarap mo palang magluto. Pwede ka nang mag-asawa niyan." Nanlolokong sabi niya.
"Bata pa ako, no. Tsaka wala pa sa isip ko 'yan." Depensa ko. Totoo naman. Gusto kong maging successful balang araw kaya hindi muna ako pwedeng mag-asawa.
Boyfriend nga wala ako, eh. Patawa itong si André.
"Wala ka pa bang boyfriend? It's obvious na maganda ka. At marunong pang magluto. And funny too." Wika niya habang hinihipan ang bagong luto at mainit na sopas. He smiled at me first before sipping the spoonful of sopas.
Uminit ang pisngi ko. Maganda raw ako. Ako maganda raw. Maganda ako. Parang kanta sa isip ko ang mga sinabi niya. He surely knows how to make a girl feel shy. I was caught off guard with what he just told me.
"T-thanks." Pinilit kong hindi mahalata ang hiya ko. "At oo, wala pa akong boyfriend. Busy with school at sa Café namin. Pero ngayong wala na ang Café, I guess sa school na lang talaga ako magfo-focus." Wika ko pagkatapos ay sumimsim ng sopas sa aking kutsara.
Nakatitig lang siya sa akin as if may formula siyang sinosolve sa kanyang isip. "Ramdam kong matalino ka at hindi basta-basta. Someone like you is like a pearl in a gigantic sea. Hard to find." He winked at me. Okay, kamatis na ang mukha ko dahil ramdam ko ang sobrang pag-init nito.
Bakit ang galing niyang magpakilig? Not that I'm into him now. Ang carefree masyado na parang madami siyang alam.
"You sound funny." Iyon lang ang tangi kong nasabi. Muntik ko nang masabing 'happy birthday' dahil hindi ko alam ang sasabihin. "Ikaw ba may girlfriend? From what I see in you, meron ka at sure akong mala-celebrity type siya." Ngumiti ako sa kanya.
He just gave me a smirk at tila ba natutuwa. What's with him now? "Sa tingin mo may girlfriend ako?" Tumango lang ako bilang sagot habang sumusubo ng sopas. "Pwedeng ikaw na lang?"
At muntik ko nang maibuga sa kanyang gwapong mukha ang sopas na nasa bibig ko na hindi ko pa nangunguya. Ano raw?! Instead, nabilaukan ako sa kanyang tanong at napatayo ako para kumuha ng inumin sa maliit na fridge. Mabuti na lang bumili ako ng soda in can.
Tawa siya ng tawa na akala mo may nakakatawa sa itinanong niya. Nang makahinga na ako ng maayos matapos akong uminom ay umupo ulit ako dala-dala ang soda. "Mukhang tumaas yata ang lagnat mo, André? Nagdedeliryo ka ba?"
"I'm perfectly fine now." He said amused.
"Huwag ka ngang magbiro ng gano'n. Hindi nakakatawa, eh."
"It's not a joke, silly."
Ano?
"Well, I guess I need to be really careful when it comes to you. You're such a cutie." He winked at me. "Gusto tuloy kitang itago." Tumingin siya sa akin at parang may naglalaro sa isip niya. Napakunot na lang ako ng noo.
"You know what? Whatever. Kailangan mong gumaling sa lagnat mo ngayon at pati na ang diarrhea mo." I dismissed.
"Yes, Madam." Sang-ayon niya.
Natapos kami sa pagkain ng sopas at nagkwentuhan kami tungkol sa pagdating niya rito sa dorm noong first year college siya. And then he graduated last year. Sumandal ako sa pader kung saan nakatabi ang kama ko at siya naman ay busy sa kanyang cell phone. Nakahiga siya sa kama niya at as usual, gamit niya ang isang braso niya bilang unan.
"Ngayong graduate ka na, anong pinagkakaabalahan mo? 'Yong trabaho mo?"
"I don't want to mention any of that. Kapag pinag-uusapan ang trabaho na-stress ako."
"Oh, sorry. I won't ask anything about that anymore." Nahihiya kong sabi. Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging usisera. Bawal ko sa sarili ko.
"About you being my girlfriend," I stiffened nang marinig ko ang salitang girlfriend. "Since you want to know about my work, I can tell you that when I am ready to share it to you." He smiled. "At kahit ngayon lang tayo nagkakilala, pwede ba akong humingi ng pabor?"
"Anong pabor naman 'yon?" Kunot noo kong tanong. Inihaba ko ang paa ko sa kama ko. Tumagilid naman siya paharap sa akin. Nakatungkod ang kanyang kamay sa side ng kanyang ulo bilang suporta. Para tuloy niyang mino-model ang kama niya.
"You owe me something dahil nagkasakit ako." Nakakaloko niyang wika.
Okay, guilty talaga ako sa nangyari sa kanya. Lagnat at diarrhea. Wala naman akong kawala. Nakakahiya.
"Okay sige, ano naman 'yong pabor mo?"
"When the time comes. I'll ask you." Bumalik na siya sa kanyang usual na pagkakahiga na unan ang braso habang busy sa kanyang phone. Tumunog ito na parang may tumatawag. Tumayo siya, "Saglit lang, Reese." Tumango lang ako at ngumiti. Lumabas siya ng dorm at doon na sinagot ang tawag.
Huminga ako ng malalim. Ano na naman kaya ang pabor na hinihingi niya? I must admit na may pagkamisteryoso siya. Wala pa nga kaming isang araw na magkakilala pero naging close na kami kaagad. Maganda naman 'yon dahil magkasama kami sa dorm. Hindi naman palagi dahil natutulog lang siya dito minsan, which is good for me para mas focus ako sa mga gawain ko. Pero hindi ako sure kung anong mayroon kay André. He's nice and cool. May pagkamisteryoso pero mabait. Napabuntong hininga ako. He's kinda confusing.
Pumasok si André, mukhang tapos na siya sa phone. "Reese, aalis na muna ako. I have some errands to do."
"Sure. Okay ka na ba?"
He smiled. "Yep. No need to worry now. I'm fine. Next time, we will eat at the Resto. I don't take 'no' for an answer."
Naalala ko na naman ang kapalpakan ko. Uminit na naman tuloy ang mga taksil kong pisngi. "Yes, Sir. I'll keep that in mind."
"Good. I'll see you some other time. Bye for now, roommate." Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako, then I bid him goodbye as well.
Nang isara na niya ang pinto doon ko pa lang naramdaman ang pagod ngayong araw. Hindi ko alam kung kailan ko siya makikita ulit. But what's more important now is okay na si André.
Ang problema ko na lang ngayong gabi kung anong kakainin ko. Hindi pa ako nag-grocery. Tinatamad akong magluto kasi nga pagod na ako. Kumain na lang kaya ako sa labas? Hmm, ayoko naman gumastos. Sayang rin kasi.
Tumayo ako at tiningnan ang kaserola na nasa may stove pa din. May natira pa palang sopas. Kaya ko na siguro 'yon. Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako ng higaan. Naligo ako ulit at nang matuyo na ang buhok ko, doon na ako natulog.
~*~
Thorne
My cousin, Julian, texted me earlier. Magkikita kami sa Pub. A short background, pamilya niya ang nagma-manage ng Condominium building na tinitirhan ko. They also managing their other branches across the country. But then, Julian decided to stay here. Nasa fiftieth floor or I must say, pinakatuktok ang Office niya sa Condominium building na tinitirhan ko. With that, he should've just knocked on my door, hindi 'yong magte-text siya.
In short, lazy.
I arrived here at the Pub first. Maya-maya pa nakita ko na siya papasok. I waved my hand at nakita naman niya kaagad ako.
"Same old spot there, Cousin." Aniya nang makalapit. We gave each other a hug by bumping our shoulder to each other and pat each other's back. We've got some cousins na kasama minsang tumatambay dito pero si Julian parang kapatid ko na.
"Nasaan ang iba?" Tanong niya nang maka-upo sa stool at nagsabi sa bartender ng maiinom.
"Wala sila, they're all busy." Sabay simsim sa iniinom ko. "Bakit ka nagtext? May problema ka?"
Ngumiti ito na parang tanga. I know what kind of smile is this.
"Alam mong mapili ako sa babae, di'ba?" Aniya. I rolled my eyes. I have been giving her girls but he's always rejecting them. Boblaks talaga for rejecting such gorgeous girls. Well, we are not the same, though. I am Thorne 'The Badboy In Town' Bermudez III. And he is Mr. 'Oh-So-Goody-Goody' Type of a guy.
"Yep." Flat kong sagot.
"I found the right girl for me, dude. I swear she's freaking different. She's one of a kind." Nagniningning ang kanyang mga mata.
"Stop being so gay." Flat ko na namang sabi sabay tingin sa dance floor with bored look.
"Dude, I will never let her go. I will make her mine. That's for sure." He smirked.
"I've never seen you like that. Pursigidong makuha ang babae. Chill out, bro! There are many fishes in the sea!" Tawa-tawa kong sabi.
"Bro, she's a pearl from the deepest sea and not some sort of fish like your girls! Stop comparing her with them because, believe me, she's one of a kind." He assured me. Well, I must say, this girl he's talking about swept off my best bud's feet. Who am I to stop him?
"So, what's the girls name? Anong ginagawa niya? High profiled like us?" I asked. Kumunot naman ang noo niyang tumingin sa'kin.
"I can't tell you right now, Bro. But the best thing about her is..." he smirked at me.
"Stop being so girly and say it right away, you fungus!"
"Chill out!" Natatawa niyang sabi. "She's very good at cooking." Ngiting wagi siya matapos niya iyong sabihin.
Pero muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa mukha niya nang marinig iyon. Bakit bigla akong may naalala? May naalala akong isang tao.
One of the trivias of being a Bermudez man is that we want our girlfriends to be good at cooking. We are hungry animals and we really lose temper when we don't have anything in our stomachs. Thanks to our ancestor's genes.
Hindi ko sigurado kung matutuwa ba ako sa ni-reveal ni Julian. Hindi na naalis sa isip ko ang babaeng iyon nang dahil sa cooking na yan!
Stop messing with my mind, Reese!
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.