LOGINThorne
Julian kept telling me how amazing that girl is, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya nakakalimutan kung nasaan kami. That means, he's still aware at kaya pang umuwi.
"Dude, I think I drank too much." Ibinaba niya sa counter ang hawak niyang baso ng alak.
"Yeah, I could tell. Tama na yan, baka hindi ka makauwi." I told him. I scanned the place at ngayon pa lang talaga nabubuhay ang Pub. Some girls kept looking at me and Julian. Pero sa akin talaga sila tumititig ng matagal. Yeah, we are very much known here. This place is ours kahit pa hindi namin ito pag-aari. Minarkahan na namin ito bilang teritoryo naming magpipinsan at mga kaibigan.
Napansin ko ang mga babaeng malapit sa kinalulugaran namin ni Julian. Some of them were twirling their hair. I smirked at them and they giggled in return. I know that move, of course. They want to flirt with me. They know me because I am no other than The Badboy in Town.
"You go home. I don't want you staying here any longer. Mamaya ako pa maghatid sa'yo. I'm not yet done drinking." Paalala ko kay Julian.
"You want me to go home for you to get a girl for tonight, eh? Be careful, dude, or you might—" Mabuti at inubos na lang niya at saka na ibinabang muli sa counter ang iniinom niya. Hinawakan niya ang balikat ko sabay tayo at medyo gumegewang-gewang na. "Bro, I'll see you soon!" Aniya at ngumisi pa. Akala mo hindi na kami magkikita pang muli and he's babbling nonsense!
"Okay, that's it, Romeo! You're drunk! Umuwi ka na. Hindi mo na alam ang mga sinasabi mo." Wala na, malapit na siyang mawala sa katinuan at lamunin ng espirito ng alak. He pat my shoulder ans bid goodbye, saka na lumakad palabas ng Pub.
Naiwan na akong mag-isa. Napansin na rin ng mga babaeng kanina pa naka-abang sa akin ang pag-alis ni Julian. For them that's the sign. At doon na sila nagsimulang lumakad palapit sa akin. Usually, wala akong pakialam kung may humalik man sa akin without asking my consent katulad ngayon. Yeah, some are too aggressive just to be with me. And hell was all the men here got jealous. Another girl went on my right side and hug my waist. While another girl is kissing me aggressively on my left.
Dapat ine-enjoy ko ang oras ko ngayon. Dapat nagre-respond ako sa mga babae na 'to. Pero wala akong gana. Wala akong ganang tumugon sa kanilang pagkakandarapa sa'kin. Damn! I am Thorne Bermudez III! I've never let a girl in need down! Pero bakit ngayon?
Nakakaasar kasi si Julian! That fungus needs to stop telling me about his new found fairytale! And even that dumb rat! She kept pestering my mind simula nung banggitin ni Julian ang babaeng sinasabi niya!
In the end, naitulak ko na lang ang babaeng humahalik sa akin. "I need to go." God, what's happening to me?!
"What? Why?! We haven't started yet!" Nanggagalaiti niyang sabi. She looks like a model. This Pub is VIP so wala na akong dapat ikagulat pa roon.
"Yeah, don't you know us? We're Senator Ramirez's daughters!" The other slut on my right shrieked.
"I don't give a fuck whether you're the President's daughter. Stay the hell away, I need to go." I said in a cold tone. They instantly obeyed at binigyan nila ako ng daan para makaalis na ako. Umiiling-iling silang iniwan ko.
Umuwi ako sa Condo na frustrated. Wala sa sariling hinubad ko ang black shirt ko at inihagis kung saan dito sa sala. Sumalampak ako sa sofa at inihiga ang ulo sa sandalan. Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. What the heck is happening to me?!
Narinig ko ang pagtunog ng tiyan ko. Oh, good god. I'm frustrated and hungry at the same time. This is not happening. Oh, please! This is disaster!
Wala sa sarili kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at ni-dial ang number niya.
~*~
Reese
At sino namang walang awang balasubas ang tatawag ng ganito ka-dis-oras?! Hindi ko pa nga nasisilayan ang panaginip ko, eh!
Kinapa-kapa ko sa aking kama ang cell phone ko. Kung saan-saan na ito napunta dahil sa posisyon ko sa pagtulog. Nakadapa ako at yakap ang isang unan. Nang makapa ko sa may bandang paanan ko ang cell phone, kinuha ko ito gamit ang mga daliri ko sa paa. Inipit ko iyon sa pagitan ng hinlalaki at hintuturong daliri at tsaka ko sinagot ang tawag nang maabot iyon ng kamay ko.
"Wala ka bang awa? Who on earth would call as late as now?!" Sigaw ko. Mabuti na lang hindi dito natulog si André kaya okay lang kahit sumigaw pa ako. At hindi ko mapapatawad ang taong tumawag na 'to kung walang kwenta lang ang kanyang sasabihin!
"Make me some midnight snacks this instance!" The beast growled.
Okay, alam ko na kung sinong poncio pilato ito. Napaupo ako at ngumiwi pa sa pananakit ng leeg ko. Marahil ay dahil sa posisyon ng pagkakahiga ko.
"Hindi mo kailangan sumigaw, no!" Bulyaw ko.
"Sino ba ang unang sumigaw? Ikaw di'ba? Binalik ko lang." I could feel the amusement in his voice.
"Madaling araw na kasi nang-iistorbo ka pa."
"Hey, nasa kontrata 'to, remember? You need to come here now or you want me to get a ladder and enter that dorm of yours by your window?" He challenged.
Tila nagising ang buong diwa ko sa sinabi niya. Mabilis pa sa tilaok ng manok ang pagharap ko sa bintana ko at walang pakundangan sa paghawi ng kurtina.
At naroon si Tinik sa kanyang bintana. Nakapangalumbaba ito roon hawak-hawak ang kanyang phone na nakadikit sa kanyang tainga, shirtless. Napalunok ako. Why is he so handsome? Sumisigaw ng pagiging Badboy ang kanyang awra. A bully badboy.
Bumaba ang tingin ko mula sa kanyang bintana. May ladder nga. Napatakip ako ng bibig. Is he out of his mind?!
"Ano na?" Hindi makapaghintay niyang tanong. Yes, he's ready to step out of his window para bumaba sa ladder.
"Okay, pupunta na ako! 'Wag ka nang bababa sa ladder, mamaya may makakita pa sayo at trespassing ka!" I shouted. Tumawa naman siya ng tumawa.
"Geez! I was just joking! Bilisan mo nagugutom na ako!"
Binaba ko ang tawag at mabilis na nagbihis. This time nagsuot na ako ng bra. Nakakahiya na kasi ng sobra. Uminit tuloy ang pisngi ko sa pag-alala noon na hindi ako nakapagsuot ng bra. Isinuot ko ang malaking white shirt ko at shorts. Sa sobrang laki ng shirt ko, hindi na halata ang shorts na suot ko. Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali na akong pumunta sa Condo.
"What took you so long?" Kitang-kita sa kanyang gwapong mukha ang irita habang nanonood sa kanyang napakalaking flat-screen TV. Ang hahaba ng kanyang mga binyas na nakadantay sa mesa sa gitna.
"Wala. Syempre naglakad pa ako." Iwas ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanyang nag-bra muna ako. Duh?
"Whatever." He rolled his eyes. "Gusto ko ng pizza and nachos with dip. May nachos sa cabinet ng kitchen. Make a dip na lang." Turo niya.
I'm serving a King to be honest. Sobrang demanding!
"Masusunod, mahal na hari." Sagot ko. He smirked.
"I like that. Go and make some snacks for your King." Aba, tuwang-tuwa pa! Gigil talaga ako ng Tinik na 'to!
Mabuti na lang at marunong akong gumawa ng pizza. Magdusa siya dahil matagal ang pagluluto. Inuna ko ang nachos with dip para may makain na siya kaagad. Nang matapos kong gawin ang dip, dinala ko sa sala niya ang isang napakalaking mangkok na may nachos at nakagilid doon sa mangkok ang dip
"Nachos and dip, now serving!"
"Thanks." Para siyang leon na nakaamoy ng pagkain at dinamba ito. Paano ba naman ay kinuha niya iyon at kinarga habang nanonood ng Avengers. Napailing na lang ako. "What?" Taas kilay niyang tanong nang mapatingin sa akin. "Gutom ako." Flat niyang sabi.
"Palagi kang gutom, ano?"
"So? Bawal ba?"
"Hindi. Napansin ko lang kasi." Sungit. Dahil siguro sa gutom.
"Nasa genes. Lahi na namin." Aniya. Well, this is the first time na naging okay ang sagot niya. Palagi kasing wala sa mood na akala mo nagme-menopause. Tapos paiba-iba pa ng mood.
"Kaya pala naghahanap ka ng pwedeng tagaluto mo."
"Yep."
Naamoy ko na ang pizza mula rito sa sala. Busy na siya ulit sa panonood at pagkain ng nachos niya kaya naman kinuha ko na sa oven ang pizza niya. Malaki naman iyong ginawa ko.
Inilapag ko iyon sa mesa niya. "Okay na ba, mahal na hari?" Sarcastic kong sabi habang nakatayo sa gilid niya.
He smiled at me.
Putik. Ngumiti sa akin si Thorne. Hindi iyong parang nang-aasar kundi isang tunay na ngiti. "Thanks."
"Y-you're welcome." At anong nangyayari sa'kin? Bakit uminit ang pisngi ko? Hindi niya iyon napansin dahil mabilis kong iniwas ang mukha ko. Mabuti na lang! Ano bang nangyayari sa'kin?!
Isang katok mula sa pinto ang nagpabalik sa akin sa realidad. Nagkatinginan kaming dalawa. May bisita ba siya ng ganitong oras? O baka naman tagalinis? Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Tumayo siya at binuksan iyong pinto.
At iniluwa niyon ang isang babae.
Ibang babae naman. Another Stella version two ba ito?
"What are you doing here, Ramirez's daughter?" Halata sa boses ni Thorne ang inis. He's not happy with this girl's appearance in his own place. Ako naman ay nakatayo lang. Sino naman ako para makialam. I would rather stay out of trouble. Ayokong masali sa gulo ng lalaking 'to.
"Well, maybe you're cool now. Wala ka kasi sa mood kanina. Can we resume our business earlier?" Pinapaikot-ikot ng babae ang kanyang buhok sa kanyang daliri. It's really obvious that she's flirting! Grabe, ganoon ba sila kasabik kay Thorne at talagang sila pa ang pupunta sa place niya? Unbelievable!
"Paano mo nalaman ang lugar ko?" I must say, hindi natutuwa si Thorne. I shouldn't be eavesdropping pero I can't help it. My bad.
"Sinundan kita, honey." She giggled. I rolled my eyes. Bakit hindi na lang siya paalisin ni Thorne? Ang dali lang naman sabihin no'n!
At bakit ako nakikialam ngayon? Nakakainis kasi, eh!
"Leave. I don't want you here." Bored na sabi ni Thorne. I smirked mentally. Hindi ko alam kung bakit. Confusing me, damn.
"But—!" Protesta ng babae sabay tingin sa akin.
Tinapunan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakatitig siya sa malaking shirt ko na panlalaki sa laki. Sabay tumingin kay Thorne na shirtless.
And then something clicked in my head nang ma-realized ko ang nais iparating ng tingin niyang 'yon.
"Teka, teka, hindi yata tama ang nasa isip mo—" hindi ko na natapos ang sinabi ko nang lapitan ako ni Thorne at iniahas ang kamay sa bewang ko.
"Oh, this girl? Yeah, this is my girlfriend. She kicks ass, you know. If I were you, I will leave the hell out of here." He smirked.
The girl stomped her feet in frustration habang nanggagalaiti sabay labas at isinara ng ubod ng lakas ang pinto. Baka nang-iwan ng crack 'yon.
Tila tumigil naman ang mundo ko sa sinabi ni Tinik. Nabalik lang ako sa realidad nang i-flick niya ang kanyang daliri sa tapat ng mukha ko.
"What was that all about, Mister?!" Sigaw ko kay Thorne. "Care to explain?!"
"Relax there, girl! That's just a way out." Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Adik ka ba?! Bakit mo sinabi 'yon?! Mamaya ano pang gawin sa akin no'n! Knowing na Bermudez ka!"
"Then, we'll act like a boyfriend or girlfriend! Easy, see!" Ngisi niya.
"At sa tingin mo papayag ako?! Ha?! Ha?!" Napasabunot ako sa buhok ko. Para akong mababaliw. Ayaw na ayaw kong masangkot sa mga eskandalo. Lalo na Bermudez pa itong tao na 'to. Baka mamaya ipa-salvage ako or what ng mga babae niya!
"Will you relax?! Geez!" Sumalampak siya sa kanyang sofa as if walang nangyari. Ni hindi man ito frustrated kagaya ko. Tila natutuwa pa. Nakangiti kasi ito.
"Kapag binalikan ako ng mga babae mo, I swear! I really swear Thorne Bermudez!"
"Swear what, Reese?" Tumingin ito sa akin na talagang handa sa hamon ko. He's smirking the hell out of him!
"Wala! Labas ako sa mga kalokohan mo, ha! Ayusin mo 'to!"
"I think mas maganda pa nga siguro kung sabihin ko sa kanilang girlfriend kita para mas makatotohanan di'ba?" Engganyo pa niya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at namula ang mukha dahil sa inis at hiya.
This guy is freaking unbelievable!
"Once is enough, Thorne! Huwag mo akong gagamitin sa mga kalokohan mo!"
"Then, I guess I'll have to make you fall in love with me." He winked.
What?!
"As if mangyayari 'yon! Never in my entire life!" I made sure na hindi niya mahahalata ang weird feeling na naramdaman ko kaya sumagot ako kaagad. It may looked like I'm fuming mad dahil sa sobrang init ng mukha ko. That's way better kaysa mapansin niyang namumula ako dahil sa pakiramdam na 'to na hindi ko maintindihan.
"Or make me fall in love with you?" Ngisi niya. "That will never happen either." Natatawa niyang dagdag pa. Iyong tawa niya nang-aasar.
Nakakabwisit! For the second time around, nakaramdam na naman ako na hindi ako kamahal-mahal o hindi ako kagusto-gusto. Sinabihan na naman niya ako ng ganoon ngayon sa pangalawang pagkakataon. Nakakababae na talaga ang Tinik na 'to. Nakaka-offend ng sobra. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero parang may gusto akong patunayan sa kanya. Nakakasakit ng ego at nakakababa ng pride bilang babae na sabihin sayo indirectly na walang magkakagusto sa'kin.
"Ah gano'n? I'll make you fall in love with me, Thorne Bermudez. That's for sure!" Hamon ko. I have never been this empowered and determined in my entire life. Sumosobra na kasi siya!
Mas lalo namang lumawak ang kanyang ngisi. "Let's make a deal then." Humarap siya sa akin at idinantay ang braso sa sandalan ng kanyang sofa. "Kapag nahulog ako sa'yo, dapat may kapalit. Anong kapalit?"
"Fair enough." Sagot ko. "Ibalik mo ang All Bloom Café at lupa namin."
"Alright—" hindi ko siya pinatapos.
"With renovation!" Dagdag ko. Tumawa naman ito.
"No problem with that." He chuckled. "My turn. Kung ikaw naman ang mahulog sa akin, you don't have to do anything." Cool na sabi niya.
"At bakit naman wala?" Kunot noo kong tanong.
"Because, I will never fall in love with you. Or with anyone. I don't believe in that stuff, you know." Balewala niyang sabi.
Mas lalo lang nare-fuel ang nais kong ma-fall siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ninanais kong mahulog siya. More on, magmahal siya ng totoo. I don't know him that much. Ang alam ko lang, marami siyang babae at isa siyang Bermudez. I am more determined to win this deal. For the Café.
"I don't believe in love. Kalokohan lang 'yon." He said in disgust.
Bakit ba siya masyadong inis sa love? "Just remember to make me fall in love with you, Thorne. Kapag nangyari iyon, tsaka mo na lang sabihin ang kapalit. But I assure you that it will never happen too. But I will make sure na ikaw ang mahuhulog sa'kin." Determinado kong sabi.
"Sure." Kibit-balikat niyang sabi. Nang matapos kaming maghamunan ay tsaka na ako umuwi sa dorm. Mukhang kailangan kong bumili ng mga bagong damit.
At ngayon ko lang na-realize ang mga nangyari. This deal is a terrible idea.
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.