LOGINUmuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.
But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.
I must say na talagang mayaman siya. Siya lang ang may kayang bilhin ang Condo na iyon na ubod ng laki at ganda. Kilala naman ang mga Bermudez dito sa lugar na ito. Pero wala pa akong na-encounter ni isa sa kanila.
Si Thorne pa lang.
I must admit na nakaka-intimidate siya. Pero hindi iyon ang dapat kong isipin sa ngayon kun'di ang pagluluto ko para sa kanya.
Kinuha ko ang toothbrush at toothpaste ko sa may sink at saka nagtoothbrush. Naghilamos ako at nagpalit ng damit pangtulog. Ugali ko nang tanggalin ang aking bra kapag matutulog dahil naniniwala akong hindi dumadaloy ng maayos ang dugo kapag naka-giting iyon sa dibdib. Mas maaliwalas ang pakiramdam ko kapag walang sagabal kapag tulog ako. T-shirt na may Spongebob na design sa gitna at shorts ang suot ko.
Paghiga ko sa kama ay naramdaman ko na ang pagod. Ginawa kong kabayo ang isa kong unan at saka kinuha ang cell phone ko sa tabi ng aking ulunan.
Ang lakas ng WI-FI niya. Ano kayang gamit niyang Router?
Binuksan ko ang browser ko at ni-type ang Jobstreet.com upang humanap ng magiging trabaho ko. Ngunit wala pa akong isang minuto sa paghahanap ay may nag-pop out na text sa screen.
Isang unknown number.
Kumunot ang noo ko sa number. Sino naman kaya ang magte-text na kumpanya sa akin sa ganitong kadis-oras?
Nang buksan ko 'yong text ay nanlaki naman ang mata ko sa nabasa.
From:Unknown Number
You want a job? I can pay you for your cooking until you become one of my future employee for my Mall. How about that?
Wait, for real?
Pumapalakpak ang tenga ko sa nabasa ko. Ang dali-dali ng trabaho. Magluluto lang naman ako para sa kanya. Hindi lang one month kundi tuloy-tuloy na ito hanggang sa makapagtrabaho ako sa kanya.
Sounds good.
Wala na akong po-problemahin pa kaya nag-reply ako sa kanyang proposal.
Me: Sige, pumapayag ako.
Thorne: You can start now. I'm starving. Cook something for me tonight.
"Ano?" Bulalas ko. Ngayon na? As in ngayon na alas-dose ng madaling araw?
Nang umupo ako sa hinihigaan kong kama ay binaling ko ang aking atensyon sa nakabukas na bintana ni Thorne. He is waiting for me to look over my window too.
Itinutok nito ang kanyang cell phone sa kanyang tenga at doon naman nag-ring ang aking cell phone. Sinagot ko naman iyon.
"Kanina pa ako naghihintay sa pagsilip mo diyan sa bintana mo." He was irritated and impatient. "Come here. I'm starving." Aniya. Base sa kanyang iritableng mukha ay halata ang kanyang pagkagutom. Poor handsome guy. Serves him right, though.
"Inaantok na ako. Sana bumili ka na lang sa labas." Sagot ko naman.
"Tinatamad ako. Come here quick or I'm going to change my WI-FI password."
"Wow, binabantaan mo ako?" Napataas ang isa kong kilay. Yes, he has this sexiness and all stuff like that that makes me feel weird pero hindi naman yata tama na bantaan niya ako. Pero kaya kong sabayan siya. I don't surrender that easy.
"Well, yes, I am." Aniya. Napansin kong may pinuntahan siya at nakikita ko ang kanyang pagfocus sa isang screen na tila may tinatype.
"Okay, fine! I'll come over!" I said in defeat.
Lumapit siya sa bintana at kitang-kita ko mula rito ang kanyang ngisi. How I want to scratch that smirk. Nagmu-mukha siyang bully.
"Good. Dumiretso ka na lang. I told the Receptionist to let you in everytime you enter the building."
Na-imagine ko ang Receptionist na gigil na gigil dahil halata namang may gusto ito kay Thorne. Sadly for her, mukhang hindi siya pansin ni Thorne. Isang Bermudez. Hindi ko masabing swerte ako dahil nakakausap ko ang isang Bermudez. Dahil una sa lahat, siya ang dahilan kung bakit nilisan namin ang lupa at Café namin. Pero para kay Tiyang, tinanggap ko iyon at ayaw kong magtanim ng sama ng loob dahil ayokong magdamdam si Tiyang sa'kin.
Sa inis ko ay dire-diretso ako sa pag tayo, pagsuot ng aking tsinelas at paglabas ng Dorm. Ni-lock ko muna iyon at dire-diretso sa paglakad hanggang sa makapasok ako sa building at umakyat papunta sa third floor ng Condo gamit ang elevator. Hindi na ako pinansin ng Receptionist dahil nabigyan na siya ng protocol ni Thorne sa paglabas-pasok ko sa building.
Nang bumukas ang elevator ay siya namang bungad sa'kin ng topless na si Thorne. He stare intently at me as if he is in deep thinking of something. Walang kung anu-ano ay bigla na lamang niyang hinila ang kamay ko palabas doon without even saying a word. Hindi naman ako nasasaktan dahil hindi naman iyon pagkaladkad pero hindi naman niya dapat gawin ang bagay na ito!
"Ano bang ginagawa mo bakit nagmamadali ka?" Pilit kong binabawi ang aking kamay ngunit sadyang mahigpit ito mula sa kanyang pagkakahawak sa pulso ko.
Hindi naman niya ako sinagot bagkus ay dumiretso kami sa kanyang condo at sinara nang mabilis ang kanyang pinto. Bigla akong nakaramdam ng kaba at napaisip. Parang wala siya sa sarili at nagmamadali. Bigla tuloy nagkaroon ng takot sa dibdib ko.
Nasa loob na kami ng kanyang condo ngunit patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa makadating kami sa kusina?
Doon niya binitiwan ang aking kamay. He cross his arms at me at hinayaang pasadahan ko ng tingin ang umuusok niyang modernong kalan na may parang chimineya para doon lumabas ang usok. Ngunit ang buong loob ng kanyang kusina ay puno na ng usok.
Amoy sunog.
"Hindi ko alam anong gagawin diyan." Aniya.
"Bakit ka nagluto kung hindi ka naman pala marunong?" Tanong ko.
"That's why I called you." Aniya na para bang as a matter of fact at umiling pa na akala mo dumb ang sinabi ko. Kainis 'tong taong to. Akala mo tali-talino.
Kinuha ko ang frying pan na sunog sa may stove niya at sobrang itim na ng kanyang niluluto. Napatawa ako nang makita kung ano ang kanyang niluluto. Sino ngayon ang mukhang dumb?
"Pritong itlog lang hindi ka pa marunong?" Tanong ko sa pagitan ng pagtawa ko. Taas-baba ang mga balikat ko katatawa.
Namula naman siya sa sinabi ko.
Isa lang ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon, si Thorne Bermudez ay hindi pwedeng maging Chef.
"Hindi kita pinapunta rito para insultuhin ang pagluto ko sa sunog na basurang 'yan. Cook something now!"
Aba! Siya pa itong may ganang manigaw at mainis! Sasapikin ko na 'to!
"Pwede ka naman magpa-deliver, ah?"
"Sawa na ako kakapa-deliver. And let me tell you something. Why don't you just shut your mouth and cook something? Sounds brainy?" He suggest sarcastically.
Bwisit na Bermudez. Sarap sakalin. "Oo na." Sabi ko.
Ipinagluto ko na lang siya ng adobong manok dahil may nakita akong naka-stock sa kanyang fridge. Sino kayang bumili ng mga gamit pang-kusina nito? Imposibleng siya dahil, jusme, itlong na nga lang sunog pa.
"Ano, masarap?" Tanong ko habang nandito kaming dalawa sa dining area niya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay na akala mo ginugulo ko siya sa kanyang ritwal. He is busy eating my adobo.
"Wala nang kanin?" Tanong niya nang maubos ang apat na pinang-sandok ko sa kanya.
"Wala na, eh." Sagot ko naman. "Gutom ka pa?" Kunot noo kong tanong. Ang lakas niya naman kumain?
"Get me some more." Aniya habang pinapapak ang adobo dahil ubos na ang kanyang kanin.
Isang lang ang masasabi ko, isang halimaw sa pagkain ang Bermudez na 'to.
"Hindi ka na pwedeng kumain ng madami. Masyado nang gabi tapos matutulog ka na. Masama sa kalusugan iyon."
"At kailan ka pa naging doktor? Just cook!" Asar niyang sabi. Aba!
Wala akong nagawa kun'di sundin siya. Nagsaing ako sa kanyang rice cooker at mukhang willing naman siyang maghintay. Kapal ng mukha. Hindi man lang sabihin kung masarap ang luto ko. Hindi ako sanay. Kapag nagluluto ako palaging pinupuri ni Tiyang at Tere ang luto ko.
Nang matapos ang pagsasaing ko at ang kanyang masarap na kain dahil may mga kanin pa siya sa gilid ng kanyang bibig ay siya namang pagtayo ko sa kanyang sofa.
"Busog-lusog?" Tanong ko.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Next time, cook earlier." Utos nito. I am taken aback, mentally. Sino siya sa akala niya? Wala man lang munang 'thank you'? Bwisit talaga 'tong lalaki na 'to. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho hindi ako papayag sa gusto niya. Pero mas madali naman kasi ito ngunit isang alien naman ang pinag-luluto ko. Sigh. "Wait, kukunin ko ang bayad mo for tonight. But next time, hintayin mo na lang sa ATM mo ang sahod mo. Meron ka?" Aniya at tumango lang ako bilang sagot.
"I-text mo na lang ang account number mo." Dagdag pa niya. Ngunit bago siya pumasok sa kanyang kwarto ay nagtanong ako.
"Teka, pwedeng maki-CR?"
"Just turn right." Tipid niyang sagot at saka na pumasok sa kanyang kwarto.
Feel at home ang peg ko rito. Sinunod ko naman ang sinabi niya at nakita ko naman ang kanyang banyo. Nang makapasok doon ay tila mas malaki ito kaysa sa dorm ko. May bathtub, heater, salamin na nagsisilbing divider, at salamin na kitang-kita ang kabuuan ng katawan.
I let myself feel at home and pee. I use his wireless bidet to wash my private part. Bago ko pa ma-isuot ang aking underwear at shorts ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa labas. Mukhang hinihintay na ako ni Thorne.
Nag-sabon ako ng kamay gamit ang hand soap niya. Makikigamit na rin ako. Hindi naman siguro mababawasan ang sahod ko doon. Nang matapos ako ay dali-dali akong lumabas ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko sa pagpunta kong muli sa sala.
Isang napakagandang babae ang nandoon sa sala at nakaupo. Mukha siyang isang modelo. Kay kinis ng kanyang balat at kay ganda ng kurba ng kanyang katawan.
Tumitig ito sa'kin na akala mo may hindi kanais-nais siyang nakita. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na animo'y kinikilatis ako. At doon ko napagtanto na wala pala akong suot na bra. Tila gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib nang lumabas si Thorne sa kanyang kwarto na topless pa rin at hawak hawak ang kanyang wallet.
Gusto kong magpalamon sa lupa.
Tumigil si Thorne nang mapansin ang babae. Hindi ito nagulat o kung ano pa man. Bagkus ay parang sanay na ito sa ganoon.
"Thorne!" Tawag niya nang mapansin kung san ako nakatingin.
"Stella," ani Thorne.
"New toy?" Tanong no'ng Stella. Tumayo ito at lumapit kay Thorne. Mukhang wala siyang pakialam kahit may tao rito sa kanyang harapan. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Thorne.
"Leave, Stella." Tamad na sabi ni Thorne.
Hindi ako tanga para hindi makuha ang nangyayari. Mukhang mahilig sa booty call ang lalaking 'to. Wala naman akong pakialam dahil labas na ako doon.
"But, Thorne. Aren't you happy to see me?" Maarteng sabi ni Stella. I give her a bored look kahit pa hindi niya ako pinapansin.
"Stella, how many times do I need to tell you that I'm not into relationships?"
Okay, hindi na dapat ako nakikinig rito pero mukhang wala naman silang paki kahit pa may nakakarinig.
At doon na nga bumaling ang tingin ni Stella sa'kin. "Is it because of that b*tch? Is she your new toy now? Well, f*ck you and that sl*t of yours!" Sigaw niya. "It looks like you are into paying your sl*ts now." Dagdag pa niya nang mapunta ang kanyang atensyon sa hawak na wallet ni Thorne.
What. The. Heck?
Naiiyak na umalis si Stella at tinabig pa ang balikat ko na dahilan para mapa-atras ako ng kaunti. Bwisit na babaeng 'yon!
At bakit kasi hindi ako nagsuot ng panloob?!mabuti na lang at medyo makapal at maluwang itong T-shirt ko.
"Thorne, hindi ko gusto ang lumabas sa bibig ng babaeng 'yon."
"Let her be." Tipid niyang sagot sabay abot sa akin ng bayad niya sa pagluluto ko.
"For your information, ayokong madamay sa kalokohan mo, okay? Nandito lang ako para magluto."
"Pwede ka nang umalis." Sabi niya. Ni hindi man lang niya binigyan ng atensyon ang sinabi ko.
Kung sino man si Stella sa buhay ni Thorne, mukhang burado na siya.
Iniabot ni Thorne ang bayad niya sa'kin. "Thank you." Sabi ko. Iniabot niya sa akin ang isang card. "Ano 'to?"
"Duplicate nitong card ko. Starting tomorrow, ipagluto mo ako ng almusal, lunch at dinner. Midnight snacks will be an additional pay."
"Okay." Tipid kong sagot at saka kinuha ang card. Swiping ang uso rito sa building na 'to at hindi susi.
"I've got CCTVs in and out of my condo. You better be—"
"Hindi mo na ako kailangang sabihan niyan, alam ko ang ginagawa ko." I cut him.
"Good." Sagot niya. "You can leave."
'Yong pakiramdam na feeling business man siya pero hindi naman? As much as gusto kong seryosohin ang pagiging business-type na aura niya ay hindi ko magawa? Wala kasi sa hitsura niya ang ganoon. But then, siguro naghahanda na siya para sa kanyang ipatatayong Mall. Soon he will be a business man. At magta-trabaho na talaga ako sa kanya.
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.