Share

Chapter 2

Author: Rizz Garcia
last update publish date: 2020-07-29 13:03:30

Pagod akong umupo sa paanan ng aking kama. Hinanap ko ang alarm clock ko sa itim na maleta ko na nakabukas na. Gulo-gulo ang gamit dahil wala na akong oras para metikuloso ko itong ayusin. Nang mahanap ko ang aking alarm clock sa ilalim ng mga damitan ko ay napagtanto kong eleven na ng gabi. Napabuntong hininga na lang ako. Dalawang maletang malalaki ang aking dala. 'Yong itim na maleta puro mga damit at mga gamit sa banyo at alarm clock at iyong pulang maleta ko naman ay puro mga libro, gamit sa eskwelahan, laptop na old model, at kung anu-ano pang mga gamit na importante sa'kin gaya ng isang box na kasing laki ng long bond paper. Mga pictures nila Mama at Papa, at mga relics na naiwan nila ang nakapaloob doon.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong loob ng Dorm ko. Nasa second floor kami nitong building at ayon kay Tere ay ito na ang pinakamura. Sa hitsura pa lang kasi ng building, mukhang may nagmumulto rito dahil sa luma na at hindi kagandahan ang view sa loob at labas nito. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pangamba na baka pasukan kami ng mga magnanakaw or worse ay gahasain pa kami. 

I don't want to die a virgin.

Umiling-iling ako sa naisip ko. Masyado pa akong bata para mamatay ng ganoon. Tsaka, hindi ko pa nafu-fulfill ang pangarap ko. Kaya dapat ituon ko na lang talaga ang pansin ko sa pag-aaral. 

Mabalik ako, dito sa loob ng Dorm ko ay may banyo na. Pero hindi ko ilalagay doon ang mga gamit kong pang-banyo dahil mahirap na. Baka bukas kagising ko ubos na. Ito pa ang isang pinoproblema ko, baka timawa ang ka-roommate ko. 'Yong bang wala siya lahat ng gamit at sa akin aasa? Napamura tuloy ako sa aking isipan. Mabuti na lang at uuwi lang siya para matulog at gigising para umalis. Hindi ko natanong kay Tere kung sino 'yong kasama ko dito sa Dorm. Ang alam ko lang ay dalawa lang kami. Isa pang naging convenient sa'kin ay hindi double deck ang kama kundi tig-isa kami ng kasama ko ng kama. Sa left yung sa kanya at sa right naman yung sakin. May table sa bandang paanan namin, dalawang upuan na magkaharap, at maliit na sink. Pwedeng-pwede na. 

Padapa akong nag-swimming, este, humiga sa kama dahil sa pagod sa pag-aayos. May cabinet kasi na may kasamang padlock at susi na pinahiram sa amin. Binigay iyon ni Tere kanina bago umalis. Mabuti na lang naka-close niya iyong landlady. Masyado kasing sociable itong kaibigan ko, walang hiya ba. Pero hindi makapal ang mukha. Sadyang walang hiya lang talaga. Sighed. 

Napansin ko ang pagbukas ng ilaw sa VIP kuno na Condo. Mukhang may tao na doon. I wonder kung sino ang nakatira doon. Masyado akong na-intriga sa sinabi ni Tere sa nakatira sa Condo na iyon. Nasa third floor ito at pinaka dulo. Parang sa cruiseship na nasa buntot ito ng building. Base sa structure ng building ay iyon ang pinakamalaki at may pinakamagandang view dahil kaharap noon ay Central Park. 

Napaupo ako at nagpangalumbaba sa bintana habang nakatitig sa silhouette nung tao doon sa VIP Condo. Napakunot ang aking noo nang mapagtanto ang ginagawa niya. 

Halos mamula ang pisngi ko dahil naghubad ito ng damit pang-itaas.

Sh*t, mukha akong namboboso sa nangyayari kahit hindi ko naman intensyon. Sampung metro lang ang layo ng bintana ng VIP Condo sa bintana ko kaya masasabi kong sobrang lapit nito. 

Tumigil sa ginagawa niya 'yong tao at doon ay bigla akong kinabahan. Tila alam niyang may nakatingin sa kanya dahil napansin ko ang pagharap nito sa may bintana. May kurtina kasi iyon kaya hindi ko makita kung sino. Akmang bubuksan na niya ang kurtina at doon na ako napahiga ng mabilis. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. 

Hindi naman ako sumisilip, eh!

Sadyang na-curious lang ako sa taong nakatira doon dahil kay Tere. Kinuha ko na lang ang aking cell phone at doon ay binuksan ko ang Settings para tingnan kung may WI-FI ba. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho sa mga websites para kapag na-hire ako ay may pang-gastos ako. May ipon naman ako na nakatago pero hindi kakayanin hanggang sa makapagtapos ako. 

Walang free WI-FI. Tsk.

Pero isang napakalakas na signal ang pumukaw ng atensyon ko. Mula iyon sa malaking Condo Building. 

TBIII

'Yan ang pangalan ng signal ng WI-FI.

Umupo ako ulit at inilapit ang aking cell phone sa nakabukas kong bintana. Tatlo lang ang signal no'n ngunit nang ilabas ko iyon at iniangat sa langit ay naging full ang signal. 

At doon na ako napatingin sa lalaking nakatitig sa akin mula sa bintana ng VIP Condo. Let me tell you that he is shirtless. Nakatungkod ang kanyang mga siko sa bintana na animo'y kanina pa ako pinagmamasdan sa aking ginagawang krimen na pagsagap ng WI-FI. Hindi ako makagalaw sa aking kinaroroonan na akala mo nahuli ako sa akto ng krimen. My heart is beating desperately as if lalabas na ito sa aking dibdib. His piercing stare is enough for me to drop my cell phone on my bed na parang walang nangyari.

I re-focus my eyes upang makita ng maayos ang lalaking iyon nang malinaw at doon na mas lumaki ang aking mga mata noong mapagsino ko ang lalaking magulo ang buhok ngunit napaka-sexy tingnan at ang katawan nitong mala-modelo sa ganda. 

Si Thorne.

Nakatitig sa akin ang kanyang maitim at walang emosyong mga mata. "Done checking me out?" Tanong nito na animo'y wala lang sa kanya ang nangyari.

"H-ha?" Bakit ngayon pa ako na-uutal?! 

He smirked. "You need my WI-FI password?" Tanong niya na naging rason para mamula ang aking pisngi sa kahihiyan. Alam niya ang ginagawa ko. Sinong bang hindi? Nakatutok ba naman ang cell phone ko sa binatana niya! 

"H-hindi, ah! W-wala lang signal dito!" I lied.

Mas lalo pang lumawak ang kanyang ngisi na tila natutuwa sa nangyayari. This person must know that what he is doing right now is making me nervous. Pinapahiya niya ako sa kanya at sa sarili ko. Sighed.

"Walang WI-FI diyan." Aniya. "But since I have my own WI-FI, hahayaan kitang gamitin."

For real? Hahayaan niya akong gamitin? Bigla siyang naging anghel na may buntot at sungay sa aking paningin. Masama ngunit mabuti. Kahit papaano may mabuti naman pala siyang side. Or so I thought?

"Paano ako makaka-connect kung hindi mo sasabihin ang password?" Tanong ko naman. It's now or never. I badly need the internet connection. 

"Simple lang. Pumunta ka dito at ako ang maglalagay ng password sa cell phone mo." Sagot naman niya. He is still smirking like an idiot. Pero sobrang gwapo niya, sobrang badboy tingnan. Nakaka-inis 'yong datingan niya. Parang bully. Ngunit wala akong choice dahil kailangan ko iyon lalo na at magpapasukan na. 

"Sige, pupunta ako." Sabi ko na mas lalong nagpalawak ng ngisi niya. 

"Tell the Receptionist you're going in Condo number 300." Wika niya. 

"Okay, wait." Sabi ko at siya namang pagtayo ko mula sa kama. Nilagay ko sa bulsa ng likod ng pantalon ang cell phone ko at hinalungkat ang laptop ko. Mas magandang handa ako sa mangyayari. Ramdam kong may nakahain siyang hindi kanais-nais kaya mas mabuti nang handa rin ako. Lumabas ako ng Dorm at ni-lock ito sabay labas ng building at diretsong lumakad papasok sa kilalang Condo building kung saan nakatira si Thorne. 

"Condo Room 300." Bungad ko doon sa Receptionist. Hindi ito nakangiti sa akin. Base sa kanyang supladang mukha ay ano bang gagawin ko sa Condo Room na iyon. Malamang kilala si Thorne dito dahil sa VIP siya. May tinawagan ang Receptionist sa telepono.

"Good evening, Sir." Maarte nitong bati. I am sure si Thorne ang kausap nito. "Your guest is here." Aniya sabay tingin sa akin at pasimple akong inirapan. 

Pwedeng manabunot?

"You may go in," sabi nito sa akin. 

Nawalan ako ng ganang magpa-thank you sa serbisyo niya dahil hindi maganda ang ibinigay niyang serbisyo sa akin. Dumiretso ako sa elevator at pumasok doon. Pinindot ko ang third at nang makarating ay siya naman paglakad ko papunta sa Condo room 300. 

Kumatok ako ng dalawang beses at doon ay bumukas ang pinto nito. 

"You're here. Pasok." Sabi ni Thorne. I mentally slap myself from drooling dahil sa tikas ng katawan nito at ganda ng mukha na akala mo endorser ng mamahaling Condo na 'to.

Napakaganda ng kanyang Condo. Black and white. Modern na modern ang dating. Flat-screen TV, Air-con na sobrang lamig, ang bango ng kanyang Condo at hindi basta-basta. Ma-espasyo ang lugar at komportable pa.

"Pwedeng umupo?"

He gave me a flat look. "Of course." Aniya at doon na nga ako umupo sa sofa niyang itim na leather. May I just remind myself na topless pa rin siya at naka-shorts lang na kulay pula? Mukhang galing siya sa isang pampapawis na activity. Maybe he worked out in a gym? Or played basketball? I dunno.

"Nasaan ang cell phone mo?" Tanong niya. Kinuha ko naman ang cell phone ko sa aking bulsa at ibinigay sa kanya na tinawanan niya na labas sa ilong. Nakakainsulto ang kanyang pagtawa. "What kind of phone is this?" Aniya.

"Pwede ba, ang dami mo pang napapansin. Kung mang-iinsulto ka lang ibalik mo na lang ang cell phone ko." Akmang kukunin ko na sa kanya ngunit nilayo niya ito sa akin.

"Chill." Awat niya habang nakangisi pa. Kinalikot niya ang cell phone ko at may ni-type. Nang matapos ay ibinalik sa akin ang aking cell phone. "Here."

"Thank you." Sabi ko. "Pwede ba pa akong makahingi ng isa pa?" Tanong ko. Kumunot naman ang kanyang noo. Kinuha ko ang laptop ko sa gilid ko at doon siya lalong natawa.

"Seriously?" Aniya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Mas convenient kapag laptop ang gamit sa pag-re-research lalo na at malapit na ang pasukan. "Abuso ang ginagawa mo." Aniya.

"Ito na lang, please." 

Nakatitig lang siya sa akin na parang may iniisip. "In one condition," 

"Kondisyon? Ano?"

"You'll be cooking for me." 

"Ano?" Teka, anong sinabi niya?

"Ayaw mo?"

Marunong naman akong magluto. Sa Café halos ako ang katulong ni Tiyang. Speaking of Tiyang, umuwi na siya ng Probinsya. Sinamahan siya ni Tere.

"Sige. Payag na ako." Wala naman sigurong masama doon. Magluluto lang, eh.

"And you'll be doing my homeworks."

"Neknek mo! Ayoko nga!" Aba! Sumosobra naman itong taong 'to!

"Okay, madali naman akong kausap." Hinablot niya sa akin ang cell phone ko at mukhang buburahin ang password nang hablotin ko rin ito sa kanya. 

"Oo na! Pero hindi ko gagawin ang mga homeworks mo. Tuturuan na lang kita." 

"Saan ka ba nag-aaral?" Tanong niya.

"Holy Trinity University."

"What a coincidence." Umarko ang gilid ng kanyang labi. Ang mapupula at hugis puso nitong labi.

"Doon ka rin nag-aaral?" Tanong ko.

"Yep. Anong section mo and course?" 

"Business Management." Sagot ko na mas lalo pang ikinalawak ng ngisi niya.

"We need to be classmates, then." Aniya. Kinuha niya ang laptop ko sa tabi ko at saka binuksan. Nang ma-type niya ang password ng WI-FI niya ay saka niya ito ibinalik sa akin.

"I guess, wala ka nang problema niyan." Sabi niya. Meron. Mas lumaki. Ikaw.

"Pasukan na next week. Di ka pa nag-enroll?" Tanong ko.

"Not yet. Hinihintay ko ang perpektong tao para dito and then you came. You are the fallen angel." Aniya saka ko naman siya sinamaan ng tingin. 

Fallen angel talaga. Bakit ako pa kasi?

"Sasagarin ko na talaga 'to. May alam ka bang pwede kong pasukan na trabaho?" Tanong ko.

"What? Mukha ba akong recruiter?" Wika niya with matching flat look.

"Nagtatanong lang ako hindi ko sinabing ipasok mo ako sa alam mong pwedeng pagtrabahuhin." 

Nanlaki naman ang mata ko nang tumabi ito sa akin na halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lapit niya. Nararamdaman ko ang mainit niyang katawan sa gilid ko. Ang amoy mint niyang hininga na nararamdaman ko sa pisngi ko. Anong ginagawa niya? I start to feel something weird in me. 

"Pwede ka naman sa'kin na lang magtrabaho." He said in a husky voice. Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Anong ibig niyang sabihin? 

"Lumayo ka nga." Sa paglapit niya ay siya namang paglayo ng katawan at mukha ko. 

Tumawa naman siya ng malakas na akala mo may nakakatawa sa kanyang ginawa. "Hindi ko kaya. Hindi kita type." 

Hindi ko kaya. Hindi kita type.

Well, nasaktan ako doon. Kahit wala naman namamagitan sa amin o kung ano man ay nasaktan ako bilang babae. Parang pinaramdam niya sa akin na hinding-hindi siya magkakagusto sa katulad ko o kung sino pang lalaki. Nakaka-offend.

"Kung wala ka palang masasabi ng maayos, aalis na ako." Mabilis akong tumayo at nang may mahagilap ako na ballpen at papel sa mesa niya ay sinulat ko doon ang number ko. "Text o tawagan mo na lang ako kapag ipagluluto kita. At oo nga pala, isang buwan lang ang pagluluto ko para sa'yo. Pagkatapos noon, pwede mo nang palitan ang password mo." 

Akmang lalabas na ako sa kanyang condo nang mapatigil ako sa kanyang sinabi. 

"You'll be literally working for me when you graduate. That's what your Aunt have told me. Whether you like it or not, you'll be under my wing sooner." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 8

    Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 7

    ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 6

    Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 5

    "Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 4

    Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?

  • Tears Of A Badboy (Tag-lish)   Chapter 3

    Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status