LOGINReese Fuentes
Hindi ako makapaniwalang isang Bermudez ang nasa harapan ko. Hindi ko man lamang alam kung anong pangalan niya. Sinubukan kong alalahanin ngunit wala talagang mapiga ang aking utak.
"Mr. Bermudez—" tawag ni Tiyang sa kanya ngunit hindi siya pinatapos nito.
"Thorne. Call me Thorne, Mrs. Helmina," sagot naman nung Bermudez.
So, he has a name. Isang pamilyar na pangalan ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nadinig. I have been roaming around in my new University for a few days since I was a transferee. Gusto kasi akong papag-aralin ni Tiyang sa isang exclusive na paaralan dahil nasasayangan siya sa kakayahan at talento na mayroon ako. Galing ako sa isang State University at lumipat sa isang pribadong paaralan. Wala akong scholarship dahil irregular student ako. At ang masasabi ko lang doon ay kailangan kong kumayod para sa aking tuition fee sa susunod na Semester. Mabuti na lang at isang taon na lang ang gugugulin ko sa pagsusunog ng kilay at makaka-graduate na rin ako. Nahihiya lang ako kay Tiyang dahil siya na ang tumayong pangalawang nanay ko at gusto kong mamuhay kami ng mas maayos pa sa lagay namin ngayon.
Lumipat ang tingin ni Tiyang sa akin na tila may pag-aalala. Parang sinasabi ng mga mata nito na nandito na ang gustong bumili sa Café at lupa ng kaninu-ninuhan pa namin. Nakikita ko sa mata ni Tiyang ang lungkot at panghihinayang sa pinaghirapang lupa ng mga kamag-anak namin. Pinasa-pasa kasi ito ng mga ninuno pa namin. Laging kwento noon ng nanay ko noong bata pa ako na nilinis daw ng ninuno namin ang lugar na ito hanggang sa naging sa kanila ito. Ganoon daw noong unang panahon. Kapag nilinis mo ang masukal na lugar na iyon ay sa'yo na. Noong panahon pa raw ng great great great great great grandfather ko iyon, noong hindi pa katulad ng populasyon ngayon ang populasyon noon.
Kaya gusto kong ipaglaban ang karapatan namin ng Tiyang ko. Walang aalis sa lugar na ito!
Hinila ko ang kamay ni Tiyang palayo kay Thorne. "Hindi namin ibebenta ang lupa namin at ang Café na 'to kaya makakaalis ka na," litanya ko sa kanya.
Tinaas niya lamang ang isa niyang kilay at inihilig ang ulo sa gilid na ikinakunot ng noo ko. I feel like he's being amused by what's happening. Sa tindig pa lamang ay ramdam na ang pagsigaw ng salapi at tila isa siyang celebrity na sobrang importante sa lipunan.
"You're not the one to decide but your Aunt," aniya habang nakataas pa rin ang kanyang isang kilay.
"Ako na ang nagsasabi na hindi namin ito ibebenta! Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!"
He tsked at
nilinis ang kanyang tainga gamit ang kanyang hintuturo. Base doon ay parang nakukuliling na ang kanyang tainga. Wow, ha! The nerve of this guy!"Just give me the papers, Mrs. Helmina," iritadong baling nito kay Tiyang na parang nasasayangan siya sa oras na kanyang ginugugol dito sa aming Café.
At doon na nga ako napatingin kay Tiyang na may pagtataka sa aking reaksyon. "Tiyang? Anong ibig niyang sabihin?"
Hindi naman makatingin si Tiyang sa'kin. Nangingilid ang kanyang luha habang tahimik na pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
"Tiyang," tawag ko. "Tiyang naman! Bakit?!" bulalas ko.
Kahit pa naman anong gawin namin, wala na kaming magagawa. Doon lang may nag-click sa aking isipan. Kaya pala nakapagbayad ako sa bago kong nilipatan na eksklusibong unibersidad. Kaya pala may pera siya dahil ibinenta na niya ang lupa at Café. Nangilid ang luha ko sa inis at panghihinayang sapagkat inilihim niya iyon sa'kin.
"Tiyang, paano na tayo?! Ano nang mangyayari sa'tin?"
"Reese, anak, uuwi na muna ako sa probinsya. Kinausap ko na rin si Treasure na ipanghanap ka niya ng dormitoryo," ani Tiyang. "Patawarin mo ako, 'nak."
Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Tiyang bago siya tumalikod sa'kin upang hindi ko lalong makita ang kanyang pag-iyak. Pinunas niya ang kanyang mata gamit ang kuwelyo ng kanyang damit. Nakaramdam ako ng awa kay Tiyang at sa sinapit namin.
Dahil doon, hindi ko na napigilan ang pagkuyom ng aking dalawang kamay. Sobrang galit ang nanunuot sa kalooban ko. Sobrang sakit ng loob ko sa nangyari. Dahil ako ang nakinabang ng hindi ko man lamang alam.
Humarap si Tiyang kay Thorne at nilapitan siya. Hinawakan niya ang kamay ni Thorne na parang may gustong ibilin. "Thorne, maaari ba akong makiusap?"
Ang sakit makita na ginagawa ito ngayon ni Tiyang. Na para kaming mga timawa na humihingi ng pakiusap, ng pabor sa mga matapobreng mayayaman. Ito ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat. Lalo na at si Tiyang pa.
"Anything, Mrs. Helmina," sagot naman ng nakakabwisit na Thorne na ito na akala mo isa talagang business man na sobrang dami nang milestone sa buhay. Base sa kanyang napaka-fresh na hitsura, napakabango niyang tingnan. At hindi ko alam kung bakit ko nasabing mabango siyang tingnan, it doesn't even make sense. Sumisigaw ng Gucci ang buong parte ng kanyang katawan. Gucci here, Gucci there. Gucci everywhere.
"Nakikiusap ako na kung pwede mo sanang tanggapin ang pamangkin ko sa business mo, hijo?" Nagitla yung Thorne pero mabilis ring nawala. Tiningnan niya ako na parang may giyera sa loob ng kanyang utak. Na parang nagda-dalawang isip sa pabor na hinihingi ni Tiyang.
"Isang taon na lamang at makakapagtapos na siya, hijo. Kahit iyon na lamang ang itulong mo sa'kin kung maari."
Gusto kong saktan ang sarili ko. Naaawa ako sa kalagayan namin. Kung tutuusin, kaya naman kaming buhayin ng All Bloom Café. Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at may baon pa ako. Pero ngayong wala na ito sa'min, hindi ko na alam ang gagawin.
Huminga ng malalim yung Thorne at tamad na ibinaling ang tingin kay Tiyang. "Para ho sa inyo, Mrs. Helmina, tatanggapin ko ang pamangkin ninyo kapag nakapagtapos na siya," aniya saka binalik sa'kin ang seryoso ngunit tamad niyang titig. "Sounds good?"
"Maraming salamat sa'yo, hijo!" masayang sambit ni Tiyang. "Sandali at kukuhanin ko lamang ang mga papeles." Umalis si Tiyang at pumasok sa may 'Personnel Only' room.
Maingat kong tiningnan si Thorne at ganoon rin siya sa akin. Tila tinatamad siya sa araw na ito at ang pagpunta niya rito ay ang pakay lamang talaga niya.
"What are you looking at?" iritadong wika nito sa'kin na akala mo naaalibadbaran sa akin. Pwes, mas naalibadbaran ako sa kanya!
"Anong gagawin mo lupa namin?" hamon kong tanong.
Tumingin-tingin siya sa paligid at nang masipat niya ang pinakamalapit na upuan ay doon siya umupo. "May I take a seat?"
"Umupo ka na, eh. Ano pa bang magagawa ko?" sarkastiko kong sabi. "Tsaka, bakit mo ba binibili ang lupa at Café namin? Pwede ka namang bumili ng iba bakit yung sa amin pa?" I demanded for an explanation.
He just crossed his arms at ganoon pa rin ang kanyang reaksyon. Tinatamad at seryoso.
"Napapansin mo naman siguro ang mga naglalakihang gusali na nakapalibot sa lugar na 'to, di'ba? Hindi kasi nababagay ang cheap na Café na 'to sa ipagagawa kong Mall. I don't like having a nearby cheap Café beside my Mall. Ang pangit tingnan."
At doon ay hindi na ako nakapagtimpi pa. Bawat salita na lumabas sa kanyang bibig ay tila mga nagbabagang uling na ipinasok sa aking ulo. Ramdam ko ang pag-init ng aking buong ulo sa galit.
Hindi ko matanggap sa aking sarili ang katotohanan na mala-Makati na ang datingan ng kinalulugaran namin. Siguro, para kay Thorne, isang bangketa ang Café namin at ang lulan ng mga naglalakihang gusaling nakapalibot sa pwesto namin ay Starbucks at iba pang mamahalin, sosyal, at instagramable na lugar.
Pinagmasdan ko ang All Bloom Café. Kaya naman nitong makisabay sa mga iyon. Ngunit kailangan ng malaking halaga upang ipa-renovate ito. I sagged in defeat. He's right.
Lumabas si Tiyang dala-dala ang isang long brown envelope na siguradong ang nilalaman ay ang titulo ng lupa namin.
Habang nakatingin ako kay Tiyang na inaabot ang envelope kay Thorne ay doon naman unti-unting bumibigat ang loob ko. Mahigit sampung taon na sa'min ang All Bloom Café. Para ko na rin itong baby. Ngayon mawawala na siya ng tuluyan sa'min.
"Beshy! Good news! May nahanap na akong Dor—" napatigil si Treasure sa kanyang entrada dito sa loob ng Café nang mapadpad ang kanyang naka-fake eyelash at naka-koloreteng mata kay Thorne. Hindi iyon nawala hanggang sa tumabi na siya sa akin. "Beshy, who's that fafa?"
"Ang bumili ng Café," walang gana kong sagot.
"Ay, beshy, pak na pak ang datingan! Fafable, 'teh!"
"Tumigil ka nga diyan, Tere. Kurutin kita sa singit, eh. Gumana na naman iyang kaharutan mo."
"Eh, tingnan mo naman, oh. Jusme, kung ako yan papayag pa akong maging maid niya." Sabay tawa pa ng ewan kong kaibigan na 'to.
Ilang saglit pa ay nagkamayan sila ni Tiyang na tila tapos na ang kanilang pag-uusap. Muli ay ibinaling ni Thorne ang kanyang titig sa akin na naging dahilan para makaramdam ako ng kung anong hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Nakatitig kami sa isa't isa ngunit siya rin ang bumigay at saka na lumabas sa aming Café.
"Hoy, nakita ko iyon!" ani Tere.
"Tigilan mo nga ako. Hindi maganda ang encounter namin sa isa't isa kaya sigurado akong hatred ang nakita mo."
Nilapitan ko si Tiyang na nasa counter. Inililigpit ang mga plato at pinupunasan ito. "Tiyang, ano pong nangyari? Bakit po?" Tila alam na ni Tiyang ang gusto kong iparating sa aking tanong.
"Anak, para iyon sa iyo kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Pasensya ka na at hindi ko nasabi sa'yo kaagad."
"Dahil alam po ninyo na hindi ako papayag, di'ba?" wika ko. Hindi ako nasagot ni Tiyang marahil ay alam niyang hindi talaga ako papayag. "Hindi po ako galit. Kayo na po ang tumayong nanay ko nung mawala si Mama. Mahal ko po kayo, Tiyang, at ginagalang ko po iyong desisyon niyo. Pangako ko po sa inyo na makakapagtrabaho ako at magsusumikap sa buhay. Hintayin niyo lang po ako." Nilapitan ko si Tiyang sa kanyang tabi at niyakap siya.
"Gusto ko lang maabot mo ang mga pangarap mo, 'nak. Kaya ko iyon nagawa. Alam kong hindi mo bibiguin ang nanay at tatay mo at pati na ako." Hinaplos ni Tiyang ang pisngi ko na dahilan para tumulo na nga ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pangako po, Tiyang. Hindi ko po kayo bibiguin nila Mama at Papa."
"That's my BFF," sagot naman ni Tere. "Pahug din ako!" aniya at ayon, nakayakap siya sa'min dalawa ni Tiyang.
"Oo nga pala, gigibahin na ang Café pagkatapos ng tatlong araw. Hinihintay nila tayong magligpit ng gamit. Iyon ang sabi ni Thorne."
"Ohh, Thorne pala ang pangalan nung fafa," ani Tere.
"Treasure, kailan ba pwedeng makalipat si Reese sa Dorm na nahanap mo?" tanong ni Tiyang.
"Kahit bukas po, Tita, pwedeng-pwede na po," sagot ni Tere. Sumapit ang takip-silim at naligpit ko na lahat ng gamit ko.
"May kasama ka sa Dorm kaso palaging umaalis. Umuuwi lang para matulog," sambit ni Tere habang nakaupo sa aking kama.
"Mas mabuti 'yon. Ayoko kasing may kasama ako lalo na at gusto kong mag-focus sa pag-aaral."
"Beshy, baka naman literal na masunog ang kilay mo kaka-aral, ha," aniya.
"Tere, kailangan kong gawin iyon. Tsaka ikaw magseryoso ka na nga. Puro ka kasi enjoy-enjoy, eh. Palakol tuloy mga grades mo."
"At least, hindi repeater at nakakapasa pa naman, 'no! Live your life to the fullest ang motto ko alam mo 'yan," panangga niya.
"Oo na, tulungan mo ko makalipat, ah?"
"Tutulungan tayo nung guard doon. Tsaka dalawang maleta lang ang dala mo, oh."
Hindi naman ganoon karami ang aking gamit. Sadyang wala lang talaga akong oras sa mga bagay na may kinalaman sa fashion o trends dahil school-Café lang ang inaatupag ko.
"Nga pala, iyong Dorm mo katabi lang nung private Condominium na kilala sa bandang iyon. At nung tingnan ko 'yong loob ng kwarto mo, nakatapat iyong bintana mo doon sa Condominium nung pinakaprivate na parte do'n. Ang swerte mo, 'teh! Mukhang may live show ka pa!"
Tinampal ko ang kanyang kamay dahil sa mga pinagsasabi niya. "Hoy, tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Ikaw talaga!"
At doon ko nga napagtanto ang sinabi ni Tere nang makarating kami sa Dorm kinabukasan. Bungad na bungad iyon ng bintana malapit sa higaan ko. Sa aking pagsilip sa bintana ay doon ko naman napansin ang isang napakapamilyar na tao sa may terrace no'ng private Condo.
Kahawig ni Thorne.
Reese"Tere, pagod na ako. Pwede bang magpahinga?""Hindi pwede! Paano
ThorneJulian kept telling me how amazing thatgirlis, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango kahit pa flat ang reaksyon ko. I've never seen this guy as happy as he is right now. Pero medyo tinamaan na rin siya ng alak that's why he's babbling things. Mabuti na lang hindi pa niya n
Sa sobrang pananakit ng tiyan ni André ay halos mahulog na siya kanina sa kanyang kama. Pagulong-gulong pa siya doon habang akap-akap ang tiyan. Naka-fetal position siya, namumutog ang pawis sa noo at gayon din ang kanyang balat na kumikinang ng pawis. Siguro kanina pang umalis ako ay dumadaing na siya sa sakit.At hindi maikakaila sa mukha ko na guilty na guilty talaga ako sa sinapit niya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Rape! Rape!" Halos magkandaugaga ako kakasigaw mawala lang ako sa pagkakakalong ng misteryosong lalaki na ito.Hindi siya kumilos na dahilan para mapatigil din ako sa ginagawa kong paglulupasay sa bisig niya. Nakatitig lang ako sa kanyang bagong gising na mukha.
Thorne"Kuya, what the heck? Can you tell me how you did it?" Because being a millionaire in just a day is really unbelievable. Who would have thought that Hunter William Bermudez would do that?
Umuwi ako sa Dorm at wala pa rin ang roommate ko. Marahil ay hindi ito matutulog ngayon dito. Mas mabuti iyon para makapag-relax ako. Hindi ko talaga kasi alam kung anong aasahan ko doon sa kasama ko.But it looks like, there will be no sleep for me tonight. Sigh. Pilit na bumabagabag sa akin iyon sinabi ni Thorne. Na magta-trabaho ako sa kanya sa itatayo niyang Mall.