Pagod akong umupo sa paanan ng aking kama. Hinanap ko ang alarm clock ko sa itim na maleta ko na nakabukas na. Gulo-gulo ang gamit dahil wala na akong oras para metikuloso ko itong ayusin. Nang mahanap ko ang aking alarm clock sa ilalim ng mga damitan ko ay napagtanto kong eleven na ng gabi. Napabuntong hininga na lang ako. Dalawang maletang malalaki ang aking dala. 'Yong itim na maleta puro mga damit at mga gamit sa banyo at alarm clock at iyong pulang maleta ko naman ay puro mga libro, gamit sa eskwelahan, laptop na old model, at kung anu-ano pang mga gamit na importante sa'kin gaya ng isang box na kasing laki ng long bond paper. Mga pictures nila Mama at Papa, at mga relics na naiwan nila ang nakapaloob doon.
Last Updated : 2020-07-29 Read more