LOGIN“Men, another mission came. We will be operating against the Abu Sayyaf Group in South Cotabato, Mindanao. Last Friday at 11: 15 our two trucks were ambushed by this group and they have three soldier hostages. Also, we need to allot soldiers in that area for civilians’ safety and security but we still need to talk about whose team will go. For now, make ready of yourselves, we’ll leave this five in the afternoon.”
Natapos ang isa na namang mahalagang pagpupulong ngayon. Nagsilabasan sila sa conference room ng kanilang headquarter na itinayo sa Fort Aguinaldo.
“Handa ka na bang maiwan sa Mindanao, Pzarova?”
Naglalakad si Pion nang matahimik nang tapatan siya ni Andrius para sabihin iyon na agad ding linampasan siya. Naiwan siyang nakatingin sa lalaki ngunit mas pinili na lamang niya na hindi sumagot dito. Ang pakikipagusap sa lalaki'y isang walang kwentang bagay na hindi na dapat niya patulan.
Nakarating siya sa kanilang kampo at sa tinutuluyan nilang tent. Ang mga kasamahan niyang madalas na sinasalubong siya ay abala ngayon na nagtitipon-tipon habang may tinitingnan sa maliit nilang laptop.
“Aalis tayo mamaya ng alas singko.” Panimula niya na nakuha ang atensyon ng mga sundalo.
Sabay-sabay itong tumayo saka sumaludo sa kanya. Napataas ang kilay ni Pion nang makitang patapon na binitawan ni Garcia ang laptop na siyang may hawak nito.
“N-nandiyan kana pala, Captain.” Second Lieutenant Garcia. Alanganin itong tumawa na mas lalong nagbigay sa kanya ng pagtataka.
“Saan tayo pupunta mamaya?” pagsingit ni Technical Sergeant Marfil
Imbes na sagutin ni Pion ang mga katanungan ng kasamahan, lumapit siya rito upang kunin ang laptop na nasa tabing gilid na. Nakasunod naman ang mga mata ng kanyang sundalo sa kanya. Binuksan iyon ni Pion ngunit hindi agad niya nakita kung ano ang naroon dahil sa password na nakalagay dito. Iniabot niya ang laptop sa tapat ni Castro.
“Password.” Maikling sabi niya.
Nakuha agad ng mga sundalo nito ang nais niyang sabihin. Nagkatinginan muna sila habang nag-aalangan na itipa ang password nito.
“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?”
Dali-dali namang nagtype ng password si Marlo, ang kanyang Master Sergeant.
Nakita naman ni Pion kung ano ang tinitingnan ng mga sundalo niya. Isa iyong larawan ng babae na animo’y isang modelo. The woman is wearing a classic red wrap dress silhouette. The other side of the dress was wrap across the other and the fabric was tied on her waist. She was also holding a bag that was given emphasis on the image.
“Si Ms. Danelle iyan, Captain. Hindi ba?” Valkez
“Model pala siya? Sa bagay, ang ganda kaya ni Ms. Danelle.” Reyes
Pion is scrolling down on the laptop. The image was included on the latest released fashion magazine but the pictures have spread in the different form of social media.
“So, she’s in New York?” he muttered
Naguluhan naman ang mga kaibigan niya sa kanya. May pagtataka ito sa kanyang tumingin.
“Sinabi rin sakin ni Leo na iyan din ang tinitingnan nung isang araw ng Prime SF.” Ani Valkez na siyang nagpatigil kay Pion.
Dumako ang mata niya sa lalaki saka ibinigay ang laptop dito.
“Maghanda na kayo.” Maikling saad niya bago sila talikuran. Naiwan naman ang mga ito na nagtataka.
“Talaga? Bakit naman nila tinitingnan ang pictures ni Ms. Danelle?” curious na tanong ni Castro
“Hindi ko alam pero may sinabi si Andrius.”
Tinatahak na ngayon ng mga kasundaluhan ang daan patungo sa pansamantalang gagawin nilang kampo sa South Cotabato. Doon sila manunuluyan habang hindi pa natatapos ang misyon nila sa lugar. Tahimik lamang sila sa loob sakay ng KM- 250 Series utility vehicle. Limang utility vehicle silang lahat ng pumunta na mga sundalo at kabilang na doon ang dalawang Special Forces, ang Prime at Throttler Rangers na parehong nasa magkaibang sasakyan. Ipinagpapasalamat naman iyon ng ilang sundalo sapagkat siguradong hindi matatahimik ang sasakyan nila kung pagsasamahin ang dalawa.
Naging malala na rin ang away ng dalawang kapitan na iyon kung saan pinaputukan pa ni Andrius si Pion ngunit naging maingat ang lalaki dahil agad siyang nakaiwas at sinipa ang kamay ng kaaway. Dahil din doon nasuspende ang kapitan na si Andrius. Matagal na iyong pangyayari at base sa mga saksi, parehong may mali ang dalawa. Si Pion ay nambintang kay Andrius, at si Andrius naman ang siyang nagsimula ng gulo.
“Sino kaya ang maiiwan dito para magbantay sa lugar?” walang ano-ano’y tanong ng isang sundalo na kasama nila, ng Throttler Rangers SF.
Nagkatinginan naman silang magkakasama maliban kay Pion na nakapikit lamang ang mga mata, nakasandal ang ulo sa kinauupuan habang hawak sa kamay ang isang SIGM400 Carbine, isa iyong sandata, isang baril gamit sa pakikipaglaban.
“Bakit parang ayaw ninyong maiwan dito? Natatakot ba kayo?” Tanong naman ni Castro
Umiling-iling naman ang mga ito.
“Paano kung kayong Throttler Rangers ang maiwan? Kulang pa naman kayo.”
Kulang nga sila dahil hindi nakasama si Den Valkez, ang Private First Class. Nakarecover pa lamang ito sa sugat kaya pinayuhan ni Pion na huwag na lamang sumama at maiwan na lang sa kampo.
“Wala iyan sa dami, nasa husay iyan.” Saad ni Marfil na nagpatawa sa iilang naroon.
Naging mahaba-haba pa ang kanilang pag-uusap nang medyo umaangat na sila sa kinauupuan dahil sa bako-bakong daan. Napaaray pa ang isa sa kanila nang mauntog ito. Subalit kamuntik pa silang masubsob dahil sa biglaang pagpreno ng sinasakyan nila. Sila ang pinakahuli sa limang utility vehicle na dala ng mga sundalo at sa unahan naman ay ang Prime SF.
Ang nakapikit na mga mata ni Pion ay bigla na lamang namulat dahil din sa biglaang pagtigil ng kanilang sasakyan. Pinakiramdaman niya ang paligid saka kinuha ang combat radio niya upang kausapin ang iba.
“Anong nangyayari?”
[“Captain, may mga baka'ng nakaharang sa daan. Hindi makadaan ang iba nating sasakyan na nasa unahan.”]
Natahimik si Pion saka tiningnan ang kanyang relo. Ilang minuto lang mag-aalas nwebe na ng gabi. Magsasalita na sana siya nang umuga ang kanilang sinasakyan dahil sa isang malakas na pagsabog.
Naalarma ang mga sundalo sa loob. Inayos ni Pion ang earpiece niya saka muli siyang nagsalita.
“Order everyone to leave the vehicle and wear your night visions.”
Siya ang panghuling bumaba ng sasakyan. Gumilid ang ilan sa mga kasamahan siya samantalang siya ay nanatiling nakatago sa likod ng sasakyan. Nakayuko siya habang hawak ang mahabang baril na handa ng iputok ano mang oras. Natuon ang kanyang atensyon sa unahan na siyang nagkakapalitan na ng putok. Sa pag-ikot ikot ng tingin ni Pion ay may nakita siya, agad niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril mula sa lalaking nasa likod ng Technical Sergeant na si Marfil.
Patay agad ang lalaki at may nagsidatingan pang iba. Tumatakbo ang mga ito at nang makalapit sa kanila ay agad na inambahan nila ng suntok. Ganoon din kay Pion, nakasukbit ngayon ang kanyang baril. Tutusukin sana siya ng isang kalaban gamit ang mahabang baril nito na sa dulo ay may maliit na kutsilyo. Mabilis siyang umiwas at umikot, nang marating ang likod ng lalaki ay agad niyang pinilipit ang ulo nito.
Ang iba pang parating ay pinaputukan na nila ng baril. Ang lugar ay matalahib at madamo. Narinig nila ang mga kaliskis na papalayo at ilang sandali pa'y muling natahimik ang lugar.
“May sugatan ba sa inyo?” tanong niya sa mga kasama na umiling naman.
Naitala ang pagsabog kanina sa unahang bahagi kaya tinungo ni Pion ang mga sundalong nasa unahan nila. Nagmamasid-masid pa ang ilan rito sa paligid samantalang ang iba'y inaayos ang mga kasama na may sugat. Iniluhod niya ang isang tuhod sa gilid ng isang lalaki na nakaupo at nakasandal sa sasakyan. Inaasikaso ito ng nurses at doctor na kapwa sundalo.
“Malalim ba ang sugat niya?”
“Nasaksak siya ng dagger sa hita kaya hindi siya makakalakad ng maayos. I also doubt if he can still be in the mission kaya kung inyong pahihintulutan, Captain. Nais kong iuwi ang mga may malubhang sugat.” Saad ng sundalo na siyang may kaalaman sa panggagamot
Malalim na huminga si Pion saka tumango.
“I will get you a chopper when we get into the camp. Tipunin ninyo lahat ng kailangang iuwi sa Headquarters. Gumagana pa ba lahat ng sasakyan?”
“Yes, Captain.” Sagot nito
“Anong nangyayari rito? At bakit kailangan ninyo ng helicopter? Walang aalis dito, kung may kailangang gamutin, doon na sa kampo.” Biglang sabat ng isang sundalo na siya palang si Kapitan Locsin. Nakatayo ito sa kanilang harap.
Uminit ang ulo ni Pion dahil sa narinig kaya tumayo siya upang harapin ang lalaki. Nakangisi ito sa kanyang tumingin. Walang pasubaling inangat ni Pion ang baril saka ito ipinutok sa gilid ng lalaki at tumama iyon sa lupa. Napaigtad si Andrius at nanlalaki ang mga mata sa gulat. Hindi niya inakalang gagawin iyon sa kanya ng lalaki.
Galit nitong tinahak ang kabilang puwesto ni Pion saka ito kwinelyuhan. Dahil din sa putok ng baril na iyon, lumingon sa kanila ang mga kasamahang sundalo.
“Tarantado ka, papatayin mo ba ako?!”
Ibinaba ni Pion ang baril saka inalis ang mga kamay ni Andrius sa kanya habang hindi pinuputol ang mga tingin dito.
“Gusto ko lang sana iparamdam sayo ang pakikipaglaban habang sugatan pero ‘di bale na.”
Dadakmain pa sana siya ni Andrius ngunit umawat dito ang mga kasamahan sa Prime SF.
“Boss, tama na. Baka makarating pa ito kay General. Yari na naman tayo.”
Masamang tiningnan ni Andrius ang kasama saka marahas na binawi ang sarili sa mga ito. Dumakong muli ang tingin nito sa kaharap na si Pion.
“Hinding-hindi ka mananalo sakin, Pzarova. Tandaan mo iyan.” Makahulugang saad nito bago nilisan ang lugar.
Aalis na rin sana si Pion nang may magsalita sa kanyang likod.
“Salamat, Captain.”
Narating nila ang kampo dala ang mga sugatang sundalo pati na ang mga patay na Abu Sayyaf na siyang nakaenkwentro nila. Sinalubong sila ng Brigadier General at agad naman na sumaludo si Pion habang si Andrius naman ay abala sa pag-aasikaso ng mga iuuwing kasundaluhan.
“Good evening, Sir.” bati ni Pion
Naunang dumating sa lugar ang kanilang Brigadier General sakay ng pribadong eroplano nito na pang militar. Ibinaba na rin nito ang kamay mula sa pagkakasaludo.
“Nabalitaan ko ang nangyari. Marami ba ang sugatan sa inyo?”
“Hindi naman po pero kailangang maiuwi ng iba para magamot. Hindi na rin nila kailangang sumama sa misyon sapagkat sila rin ang mahihirapan.”
Tumango-tango ang kausap ni Pion saka dumako ang mga tingin nito sa mga bangkay na nasa itim na bodybag na.
“Inaasahan ko ng mangyayari ito mabuti nalang mas naging maingat kayo. Ang mga bangkay na iyan ay ipadala ninyo sa grupo nila. And as of our soldiers, there’s one more battalion coming in exchange of the wounded armys.”
“Maraming salamat, Sir.”
Sa isang mumunting bayan, nagkalat ang mga batang walang salawal ang iba, maingay ang paligid, ang mga nanay ay pinapalo ang kanilang anak, may mga nagtitinda, naglalaro at kung ano-ano pa.
Iyon ang bumungad sa mga mata ng ilang mga sundalo kabilang na si Pion. Hindi sila nakauniporme sapagkat makakakuha lamang sila ng maraming atensyon at baka katakutan sila ng mga naninirahan dito. Isa pa, ang lugar na ito ay ang sinasabing pangalawang kuta ng mga Abu Sayyaf na siyang nagpapalaganap ng kaguluhan sa buong South Cotabato.
Habang nagmamasid sa paligid, pasimpleng inayos ni Pion ang kanyang earpiece.
“Posible bang malikas ninyo lahat ng tao rito?”
Magkakahiwalay sila ng mga sundalo upang hindi mahalata lalo na’t nakakakita sila ng iilang mga kahina-hinalang lalaki. Hindi na rin nila kailangang magtanong pa kung sino ang mga iyon sapagkat tanaw na tanaw nila ang mahahabang baril na hawak ng mga ito. Ang ilan sa grupo'y namimili ng sigarilyo at ang ilan naman ay nakamasid lamang sa mga tao kaya’t kailangan nilang maging maingat.
[“Maaaring malikas natin ang iba, hin—
Naputol ang sasabihin ng nasa kabilang linya matapos matuon ang kanilang atensyon sa tatlong tao na nagsisigaw gamit ang diyalekto nito. Nagkatinginan silang mga sundalo nang mapansin na lumalabas ang mga sibilyan.
“Prepare yourselves.” Maikling paalala ni Pion sa kanyang mga kasamahan.
Unti-unting nawala ang mga tao sa maliit na lugar na iyon ngunit may iilan na lamang na natira katulad ng isang matandang nagtitinda at sa katabi nito at isang musmos at batang nasa mga dose nitong edad. Lalapit na sana si Pion ngunit naroon na si Andrius na siyang nakikipag-usap sa lalaking nang-aalipusta sa pamilya.
Napansin ni Pion na nakatingin sa kanila ang kabilang grupo na parang naghihinala na ito at katulad nga ng inaasahan niya, mabilis ang kanyang mga kilos. Nakatago agad siya sa isang kariton na puno ng mga gulay na siyang nagsiliparan matapos matamaan ng pagbaril.
Naging maingay ang lugar, nagkapalitan sila ng putok. May gulong ang kariton kaya ginawa iyong panangga ni Pion upang makalipat ng ibang pwesto. Pinapaputukan pa rin ang kinaroroonan niya. Mula sa kanyang kanan, binaril niya ang isang pangahas at ganoon pa ang ibang naaabot ng kanyang mga mata.
Ang pakay ni Pion ay marating ang isang maliit na bahay na sinisigurado niyang naroon ang pinuno ng mga Abu Sayyaf na ito. Bago sila sumugod sa lugar, nakumpirma nilang narito nga ang pinuno ng nasabing grupo at dahil may mga iniatang sila na magbabantay sa bawat labasan ng lugar, nasisiguro nilang hindi pa rin ito nakakalabas.
Namutawi ang ingay sa lugar habang napasok naman ni Pion ang lugar. May limang kalalakihan pa doon at ang dalawa sa kanila ay sinalubong siya. Agad niyang tinakbo ang dalawa, itinuon ang paa sa mesa saka siya umikot para masipa ang isa na tumilapon din sa kasamahan nito. Sa lakas ng impak pareho itong dismaya matapos tumama sa sahig ang kanilang mga ulo. May dalawa pang naroon na pinaputukan pa siya subalit sinipa niya ang isang kahoy na parang kulungan ng mga alagang manok. Tumilapon iyon sa mga kalalakihan kaya siya naman ang bumaril sa mga ito.
Nagpakawala siya ng hangin sa kanyang katawan. Humihingal din siya na tiningnan ang lider ng mga Abu Sayyaf na nakatingin din sa kanya. Nakakuyom ang mga kamao nito. Dahan-dahang tinahak ni Pion ang landas patungo roon at nang nasa harap na siya ng mesa ng lalaki, itinapon niya rito ang posas.
“You know what to do.”
Batid ni Pion na alam ng lalaki ang gusto niyang sabihin. Nag-aalangang inabot ng lalaking may mahabang balbas ang posas na nasa kanyang harapan saka ito ipinosas sa sarili. Itinayo ni Pion ang lalaki ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inasahan.
Iniuntog ng lalaki ang ulo sa kanya at tumakbo ito papalayo subalit naharang din ito ng mga pumasok pang kasundaluhan. Hawak ni Pion ang kanyang ulo at ipinilig niya ito.
“Shit.”
“Captain, ayos ka lang ba?” tanong sa kanya nang lumapit na si Reyes.
Hindi sumagot si Pion at ang mga tingin nito'y dumako sa lalaki na masama niyang tiningnan.
“Congratulations, men. The operation was successful. Nahuli din natin ang kanilang pinuno at isa iyong mahalagang bagay sa atin. Bagamat hindi pa natin natatagpuan ang pinakakuta nila, nahuli na natin ang lider ng mga Abu Sayyaf at ngayong wala na si Isnilon Janjalani, ang kanilang pinuno, mahihirapan silang kumilos. Good job, men.”
Nagpalakpakan ang mga sundalo ngunit agad ding natahimik nang magsalitang muli ang kanilang Brigadier General na siyang namuno sa kanila sa lugar.
“At nakapagdesisyon na si General, ang maiiwan dito ay ang Throttler Rangers Special Forces kasama pa ang mga militar ng Mindanao. Mananatili kayo rito ng ilang linggo upang tumulong sa pagmamatyag, hindi malayong bumaba ang grupo ng mga Abu Sayyaf na iyon upang hanapin ang kanilang pinuno. Captain Pzarova?”
Tumayo si Pion sa kanyang kinauupuan at sumaludo dito.
“Sir.”
“I am entrusting you this mission.”
Nakatingin lamang sa kanila ang mga kasamahang sundalo samantalang sa isang sulok ay may isang lalaki na hindi mawala ang ngiti sa mukha.
“Yes, Sir.”
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n