LOGIN“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.
Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.
“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.
Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.
“Sinungaling.”
Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”
“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki
“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”
Bahagyang nagulat si Danelle ng higitin siya nito sa kanyang tabi.
“Iyah and Wrence, this is Danelle. Danelle, my cousin and her husband.” Pagpapakilala nga ni Pion sa mga ito.
Nakipagkamay naman si Danelle. Pareho itong nakangiti sa kanya at naiilang din ito sa mga titig na ibinibigay sa kanya ng mag-asawa.
“Hindi ka talaga girlfriend ni Pion?” tanong ni Iyah kaya’t napatingin siya sa kasamang lalaki.
Umiling iling si Danelle bilang kasagutan dito, “Hindi.”
“Then, sino ang boyfriend mo? Or suitor?”
“I don’t have a boyfriend but I have suitors.”
Sa punto ding iyon, napatingin sa kanya ang lalaki at kitang kita niya iyon sa gilid ng kanyang mata.
“Sinabi na nga ba. Matapang lang talaga na sundalo ang pinsan ko pero ang totoo mahina siya sa mga babae. Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan kong lalaki. I’m sure, magugustuhan ka nila.” Hinawakan ng babae ang kamay niya at sinimulan siyang hilahin nito palayo.
“Iyah.” Isang boses na nagpatigil pareho sa kanila.
Napatingin si Danelle sa lalaki na nakatitig lamang sa pinsan nito saka lumipat sa kanya.
“Hayaan mo siya.” Bulong na sabi sa kanya ng babae. Alanganin siyang napangiti dito at wala na siyang nagawa pa ng hilahin siya nito.
Nawala sa paningin ni Danelle si Pion at nag-aalala siya sapagkat wala naman siyang alam sa lugar na iyon at wala rin siyang kakilala. Nasa tabi lamang siya ng babaeng si Iyah na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita. Dapat nga ang asawa nito ang kasama hindi siya ngunit heto siya ngayon.
“Hi, guys. I want you to meet Danelle.”
Matipid na ngumiti si Danelle sa mga kalalakihang nasa harap nila nang ipakilala siya ni Iyah.
“Hi. I’m Jian.”
“I’m Carlo.”
“My name is Frank.”
“Hi, Lester here.”
“Ryan.”
“And I’m Noel.”
Isa isa niya iyong kinamayan at ang panghuli naman ay akmang hahalikan iyon subalit may isang kamay na tumabon doon at ibinaba ang kamay niya. Akala niya ay bibitawan na ni Pion ang pagkakahawak sa kanya ngunit nagkamali siya dahil nanatili ito sa kanyang kamay.
“Would you like to know my name?” ani Pion
Batid ni Danelle na hindi sincere ang tanong ng iyon ng lalaki kaya pasimple niyang pinisil ang kamay nito pero hindi naman siya nilingon. Akala niya ay may sasabihin pa ito ngunit hinila na siya ni Pion papalayo. Pumunta naman sila sa lamesa at nakitang may mga nakalapag na doon na pagkain. Walang ibang tao sa mesa kundi silang dalawa lamang.
“Kumain ka na.”
Nakatingin lamang si Danelle sa lalaki. Gustong gusto niyang magtanong pero wala namang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan.
“I know you like me pero hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang ako.”
Nginitian niya ito ng saglit at puno ng sarkasmo, “Hindi kita gusto at hinding hindi ako magkakagusto sayo.”
Kagat-labing napangiti si Pion. Inilabas niya ang kanyang cell phone at inabot iyon sa babae.
“Anong gagawin ko diyan?” Danelle
Pion then played a recording that made the woman blushed.
* I may possibly like him.
* I may possibly like him.
“What the! May karugtong iyan bakit mo pinutol? At paano ka nagkaroon niyan?” gulat na gulat si Danelle. Ang naaalala lamang niyang kausap ng mga oras na iyon ay ang kaibigan si Xia. Kaya naman pala nakangiti ito habang kausap siya nito. Nilinlang siya ng kaibigan.
“So what is this? My friend can contact you but I cannot?” naiinis si Danelle dahil hindi niya maabot ang lalaki pero ang kaibigan niya ay nagawa pang bigyan ito ng kopya ng pag-uusap nila.
“Why? Is that a problem?”
Danelle was more irritated with the man’s question. It looks like, she doesn’t have to make it a problem but here she is, making it an issue. She stood up from her seat not eating even a bit of her food.
“Where’s Iyah? Magpapaalam lang ako, I’m going home. You can stay here though.”
Umalis siya sa lamesa nila at sinimulang hanapin ang pigura ng babae at nang makita niya iyon, agad niyang tinungo ang kinaroroonan ni Iyah.
“Oh, hi Danelle. Nasaan si Pion?”
“He’s on our table. I’m sorry Iyah but I have to go. May pupuntahan pa kasi ako. Congrats again, sorry I don’t have gifts.”
“It’s okay. Ihahatid ka ba ni Pion?”
Umiling siya, “No. I’m commuting.” Muling nagpaalam si Danelle at nagpapasalamat siyang nakaalis na doon. Nakalayo layo na rin siya sa venue kung saan isa iyong reception na ginanap sa isang garden. Lumabas siya sa subdivision at naglakad lakad hanggang sa may madaang mini bus. Pinara niya iyon at doon siya sumakay. Malapit sa bintana siya nakaupo kaya naman isinandal niya doon ang ulo.
Nanunubig ang mga mata ni Danelle. Hindi na niya maintindihan ang sarili at ayaw niyang nagkakaganoon siya. Kanina, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong ng lalaki sa kanya. Problema nga ba iyong hindi niya makontak ang lalaki? Gusto niya lang naman itong makausap pero bakit ganoon? Ang hirap.
Napansin ni Danelle na nakarating sila sa sentro kaya’t dumarami na rin ang sasakyan. Tumigil ang kanilang sinasakyan at napaayos siya ng upo nang umingay ang loob niyon. May mga nakaitim at nakabonet na mga lalaking pumasok. May bitbit itong mga baril.
Sobra sobra ang takot na nararamdaman niya ngayon sapagkat ayaw na niyang maulit pa ang nangyari. Natatakot siyang baka siya na naman ang pakay ng mga lalaki.
“Hold up, ‘to!”
“Lahat ng gamit ninyo, ilapag sa sahig!” sigaw ng isa sa kanila.
Bahagyang nakatago si Danelle at ang nakaangat lang sa kanya ay hanggang sa mata lamang niya. Buong akala niya ya hindi siya nito makikita subalit tinutukan pa siya ng baril ng lalaki.
“Ikaw! Narinig mo ba ang sinabi ko?!” sigaw sa kanya nito kaya wala siyang nagawa kung hindi ay itapon ang bag niya sa gitna.
“Pati ‘yang hikaw mo!”
Nanginginig ang mga kamay niya na tinanggal ang kanyang hikaw. Lumapit pa sa kanya ang lalaki upang kunin ito at puno ng kabang iniabot niya iyon sa lalaki.
“Ano pang hinihintay mo?! Magmaneho kana!” sigaw ng isang kasamahan nito sa drayber.
Muling umandar ang sinasakyan nila at agad silang napahawak sa bakal ng gumewang ang bus. Natanaw naman ni Danelle na binatukan ng lalaki ang nagmamaneho samantala, may isang babae naman na naglalaban sa lalaki. Ayaw nitong ibigay ang cell phone. Nakita niya kung paano sinipa ng lalaki ang babae kaya napatayo siya sa kinauupuan saka nilapitan ang babae.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya pero nakita niya ang babaeng umiiyak. Masama ang tingin niyang umangat sa lalaki.
“Bakit? Lalaban ka?”
“Kunin niyo na lahat ng gusto ninyo pero ‘wag na kayong manakit ng tao.”
Sasagot pa sana ang lalaking nakatayo sa kanilang harap ngunit biglang nagpreno ang bus kaya naman lahat sila ay nawala sa balanse, maging si Danelle. Nang makabawi, tumayo ang mga lalaki saka hinanda ang mga baril nito.
“Anong ginagawa ng kotseng iyan diyan?! Paalisin mo!” utos ng isa sa kanilang kasamahan. Itinuturo nito ang itim na sasakyang nakaharang sa bus at mukhang pamilyar iyon kay Danelle.
Bagamat umalis ang babae, mas pinili pa rin ni Pion na sundan ito. Hindi niya iyon dapat na pabayaan at kahit man na pilitin niyang sumakay ito sa kotse niya, alam niyang hindi papayag ang babae. Hinayaan niya itong sumakay sa bus dahil gusto niyang bigyan ito ng oras para mag isip. Kanina, naisip niyang parang mali siya kaya ngayon, sinusundan niya ng tahimik ang sinasakyan ni Danelle.
Nakaleave naman talaga siya sa trabaho at pinapatay niya nag cell phone sa ganoong panahon. Nagkataon lamang ng buksan niya ang cell phone, may natanggap siya mula kay Xia kaya tinanong na din niya ito kung nasaan ang babae. Dumalo rin siya sa kasal ng pinsan at isinama niya si Danelle. Hindi niya alam kung bakit pero parang may gusto siyang marinig mula sa babae at may gusto rin siyang mapag-usapan.
Sa gitna ng pagsusunod ni Pion, namataan niya hindi kalayuan ang mga lalaking nakaabang sa gilid. Nakaitim ang mga ito at may mga bonet sa ulo. Mahina rin siyang napamura nang makita ang mga baril nito sa tagiliran at papalapit naman ang bus na sinasakyan ni Danelle. Hindi pa siya makasingit dahil may ilang sasakyan sa kanyang unahan. Mas binilisan na lamang niya ang pagmamaneho.
Nakita ni Pion ang pagtigil ng bus at pagsakay naman ng mga armadong lalaki. Itinuon niya ang atensyon sa pagmamaneho at mula sa kaha ng kanyang kotse, kinuha niya doon ang isang baril. Hawak niya iyon sa isang kamay habang nagmamaneho. Hanggang sa makasingit siya sa daanan, inapakan niya ang accelerator ng kanyang sasakyan at rumubrob ito. Umabot sa kanyang mga mata ang pag'gewang ng bus na iyon at sa abot ng makakaya, binilisan niya ang pagmamaneho. Nagtabi ang sasakyan niya at ang bus kung nasaan ang babae, nilagpasan niya ito hindi nagtagal at doon din sa gitna ng kalsada, iniharang niya ang kanyang sasakyan na nakabalingbing.
Hindi siya bumaba ng kotse, dahil nasa sentro na sila marami na rin ang sasakyan at sa linya kung nasaan sila ay panay ang mga busina ng sasakyan. Napasandal si Pion sa kinauupuan niya sa kotse at natanaw ng mga mata niya ang pagbaba ng armadong lalaki sa bus subalit hindi niya makita ang baril nito. Marahil itinago dahil sa dami ng makakakita. Nakataas na rin ang bonet nito kaya’t kitang kita niya ang mukha ng lalaki.
Kinatok nito ang bintana ng kotse niya at nang hindi siya sumagot dumungaw ito doon kaya bigla niyang binuksan ang pintuan saka nauntog doon ang lalaki. Bumaba si Pion sa sasakyan niya, kitang kita niya ang lalaking hawak hawak ang ilong at noo nito na tinamaan. Pumorma iyon para labanan siya ngunit hindi pa man tuluyang nakakasugod sa kanya ang lalaki, tinalon niya ang kotse saka sinipa iyon. Tumba ang lalaki sa kalsada, nilapitan niya ito at nilagyan ng posas ang kamay. Bahagya pa niyang tinaas ang damit nito kaya nakita niya ang baril na nakasuksok sa gilid ng lalaki. Subalit may napansin siya, mas inilapit pa niya ang mukha at napailing iling ng mapagtanto ang nakikita.
Dumako ang tingin niya sa bus, tinungo niya iyon at sa pinto pa lang ay sumalubong na sa kanya. Sisipain dapat siya ng lalaki ngunit mabilis siyang nakaiwas. Hinila niya ang paa nito kaya nahulog ang lalaki sa baba ng sasakyan. Nakabangon agad iyon at nilapitan siya. Sinusuntok siya nito ngunit hindi naman siya matamaan dahil panay iwas siya hanggang sa makuha niya ang braso nito. Inikot niya ang sarili kaya pumilipit sa sakit ang lalaki dahil sa braso niyang hawak pa rin ni Pion.
Lima lamang iyong kalalakihan at tatlo na lamang ang nasa loob. Binuksan niya ang pinto ng bus at doon din may tumutok sa kanya na baril.
“Sigurado ka bang mapapatay ako ng baril mo?”
Hinawakan ni Pion ang laruang baril na iyon, kulay itim iyon at pinakinang kaya naman sa mga walang sapat na alam tungkol sa isang baril ay aakalain iyong tunay. Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Unti unti itong umatras habang siya naman ay paakyat ng sasakyan habang nakatutk pa rin sa kanya ang pekeng baril nito.
Tumungo ang kamay ni Pion sa gilid niya at napansin niyang sinundan iyon ng tingin ng tatlong lalaki.
“Gusto ninyong makakita ng totoong baril?”
Bahagyang umangat na ang damit ni Pion at kita na roon ang parte ng kanyang baril. Naibaba naman ng mga kalalakihan ang mga hawak nila kaya muling ibinaba ni Pion ang kamay niya. Lumigalig ang mga mata niya at napahinga ng makitang nasa maayos an kalagayan si Danelle habang may yakap yakap itong isang babae. Nakita rin niya ang mga bag na nagtipon sa gitnang bahagi ng sasakyan.
Nilingon ni Pion ang drayber ng bus na bakas pa rin ang takot sa mukha.
“May panggapos ba kayo, manong?”
Mabilis na tumango sa kanya ang medyo may katandaan ng lalaki. Inibot sa kanya nito ang isang pisi na kinuha naman niya. Inihagis niya iyon sa tatlong lalaking nasa harap niya. Susuntukin pa sana siya ng isa ng masakop niya ang kamao nito saka pinilipit ang kamay.
“A—a—aray! B-bitawan mo!”
“Gusto kong igapos ninyo ang mga sarili niyo. Ngayon na.” may awtoridad sa kanyang boses ngunit hindi gumalaw ang mga kalalakihan kaya sinenyasan niya ang ilan ding lalaki na nasa bus din nakasakay. Lumapit ang mga ito subalit agad ding napatigil.
“Huwag kayong lalapit!” sigaw ng isang lalaki.
Hindi na nag atubili pa si Pion. Binunot niya ang baril na nasa tagiliran niya saka iyon kinasa.
“Muntik na kayong magdulot ng askidente sa gitna ng kalsada. Gusto niyo ring nakawan ang mga tao dito. Sa tingin niyo ba hindi pa sapat na rason iyon para pasabugin ko ‘yang mga ulo ninyo?”
Dahil sa takot, pinagdikit na mismo ng mga lalaki ang mga kamay nila at doon din, tinali sila ng mga pasahero. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng busina sa paparating na mga pulis at mayroon din itong kasunod na ambulansya. Pumalibot ang mga ito sa sasakyan, lumabas ang mga kapulisan at itinutok ang baril doon.
Dinala sa labas ng mga pasahero ang mga pangahas na lalaki. Samantala, pumaroon naman si Pion sa kinatatayuan ng babaeng si Danelle na nakatingin lamang sa kanya.
“Are you alright?” tanong niya. Ang isa niyang kamay ay nasa balikat nito hanggang sa maingat niyang kinabig ang babae para sa isang yakap.
Hindi maintindihan ni Danelle ang sarili. Naghaharumento ang kanyang puso, mabilis ang tibok nito at pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya sa mga yakap ng lalaki. Kung kanina ay kinakabahan siya, nang makita naman niya ang lalaki ay bigla na lamang naguumapaw sa saya ang kanyang damdamin.
“Thank you.” Sambit niya
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n