The Army: Captain Pion Pzarova

The Army: Captain Pion Pzarova

last updateLast Updated : 2020-10-22
By:  jicigiOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
18Chapters
133views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force. He has been serving the Philippine Army for years and has proven his loyalty to the country. One thing that changed his life was the mission given to him by the President. It was very simple compared to his missions yet, unexpectedly it became the point to change his life, upon meeting the President’s daughter.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"What?! Why are you breaking up with me?"

Sa apat na taong pamamalagi ni Danelle sa Washington upang mag-aral, hindi maiiwasang hindi siya magkaroon ng mga karelasyon lalo na't maganda siya, matangkad, at maganda ang hubog ng katawan.

Doon siya pinag-aral ng ama upang masiguro ang kaniyang kaligtasan mula sa mga banta ng mga taong kumakalaban sa ama niya magpahanggang ngayon. Sa susunod na araw sila lilipad pabalik ng Pilipinas kasama ang ninong niya na matalik na kaibigan at kaalyadong punong ministro ng kaniyang ama.

Sa ngayo'y inaayos naman niya ang mga maiiwan dito tulad na lamang ng panibago niyang kasintahan. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan dito ngunit hindi naman sila palagiang magkakasama.

"I'm going back to the Philippines and I don't know when I will be here again or if I'll still be back in here so I'm breaking up with you. I am just making things easy for the both us."

Kanina pa niya kinausap ang lalaki subalit hindi lang nito matanggap ang gusto niyang mangyari. Tiningnan niya ang kaniyang relo at nakitang malapit na mag alas kwatro.

"But we're just two weeks and then you'll breaking up with me now? What the heck, Danelle!"

"I'm tired talking to you Gil and besides, is it a loss to you? You're a big playboy and you're lucky because I accepted your offer."

Napanganga ang kanong lalaki dahil sa inasal niya. Pinatulan niya ito dahil kilala ang lalaki sa buong eskwelahan nila bilang isang mapaglaro at demonyong lalaki na hindi na mabilang kung ilang babae na ba ang niloko.

"I'm going, 'til we meet again." 

Humakbang siya upang halikan sa pisngi ang lalaki na wala pa rin imik. Iniwan niya ito sa loob ng restaurant at pinagbuksan siya ng kaniyang bodyguard. Hindi siya pwedeng makalabas ng walang kasama at nakikitira lamang siya sa kanyang ninong kaya ayaw naman niyang sumuway.

Nakauwi siya sa kanilang bahay at sinalubong siya ng ninong niya. Hinalikan din siya nito sa pisngi.

"Did you already packed, ninong?" tanong niya rito. 

Bagamat hindi gaanong marunong umintindi ng wikang Filipino ang kaibigan ng ama, tinatawag pa rin niya itong ninong at gustong-gusto naman iyon ng matanda.

"I'm just staying there for three days, no need to pack so many things. How about you?"

Ngumiti si Danelle. Malapit na malapit siya sa kanyang ninong dahil maaga itong naulila sa pamilya. Namatay ang kanyang asawa at nag-iisang anak dahil sa aksidente sa kotse kaya ngayo'y tinuturing siya nitong parang tunay na anak lalo na't ang namatay na anak ng matanda'y isa ring babae.

"That's why I went home early, ninong. I have to pack my things. I'm going to miss you bad, ninong." Niyakap niya ang matanda.

Talagang mangungulila siya dito dahil apat na taon niya itong nakasama at hindi siya nito itinuring na iba bagamat magkaiba ang lahi at bansa na kanilang pinagmulan. Napatunayan ni Danelle na kahit nasaan ka man na sulok ng mundo, basta't puno ng pagmamahal ang puso ng isang tao, hindi imposibleng magkaroon pa ito ng mas matibay na relasyon sa kabila ng pagkakaibang mayroon sila.

"I'm going to miss you, too. Don't forget to visit me, okay?"

Naluha si Danelle. Kung hindi sa mga body guards nito at ilang mga tauhan ay masasabi niyang sobrang lungkot ang buhay ng kaniyang ninong. Matagal na itong nag-iisa sa buhay at hindi na rin sumubok pa na bumuo ng panibagong pamilya dahil mas pinili na lamang niya na pagsilbihan ang bansa.

Nagkakagulo ang loob ng National Bank of the Philippines dahil sa mga armadong kalalakihan at mga nakabonet na pangahas na pumasok sa kanila.

"Dapa!" 

Nakatutok sa kanila ang mga baril nito kaya nagsidapaan sila sa sahig at ang iba'y nasa ilalim ng mga mesa. Puno ng kaba at takot ang mga empleyado ng bangko dahil sa panloloob sa kanila ng mga kalalakihan na hindi bababa sa lima. May dala itong malalaking bag.

"Lahat ng pera ilagay diyan." Utos ng lalaking tumatayong lider sa mga kasama niya.

Itinutok nito ang 45 caliber gun sa isang babae na nanginginig na sa takot. Mabilis nitong binuksan ang mga kaha at inilatag sa mesa ang bawat perang naroon.

"Ikaw, dalhin mo ako sa ikalawang palapag. Bubuksan mo ang lahat ng vault na nandoon at ilalagay mo sa bag na ito. Naiintindihan mo?!" 

Takot na takot ang babae kaya sunod-sunod itong tumango rito. Lalabas na sana siya mula sa kanyang kinauupuan ngunit pare-pareho silang napatigil nang may marinig mula sa labas.

"Sumuko na kayo! Lumabas kayo ng matiwasay at pag-uusapan natin ito!"

Nangilabot ang mga naroon sa loob dahil sa pagtawa ng lalaki at biglaan din nitong pagseryoso.

"Pasensya na pero hindi kami nadadaan sa pakiusap." Sambit niya.

"Wala kayong iiwan kahit ni isa! Ilagay ang lahat ng pera na nandiyan! Ako na ang bahala sa kanila." Ngumiti ng parang demonyo ang lalaki.

Sa labas, nakapalibot ang ilang tao at mga kamag-anak ng mga nasa loob. Tumatangis sila sa pangambang baka mapahamak ang kanilang mga mahal sa buhay. Nakapalibot din ang ilang SWAT team sa kanila upang pigilan silang pumasok at makialam. 

"Kapitan, ayaw nilang makipagsundo. Mahihirapan tayong pasukin sila sa loob 'pag nagkataon." Wika ng isa nilang sundalo.

"Nabilang na ba ang mga armadong lalaki? Pati na kung ilan ang mga sibilyan?"

"Opo. Onse ang mga nanloob sa bangko at ang mga empleyado naman ay bente-singko kabilang na ang ilan pang sibilyan." 

"Give me the telescope. I will find a way to sneak inside." Ang mga kamay nito ay nasa bewang at nakatanaw sa bangko na dalawa ang palapag. Tinted ang ilang salamin nito kaya hindi nila makikita mula sa labas ngunit kung gagamit siya ng teleskopyo ay makakakita sila sa nangyayari sa loob.

"Boss, wala pang tao ang ikalawang palapag. Maaari kang pumasok doon pero lilikha ng ingay dahil puro salamin ang nakapalibot sa buong kwarto." Ulat ng kasamahan niya.

"Hindi tayo pwedeng magpaputok ng baril sa ngayon, pwedeng madamay ang mga nasa loob at sigurado akong gagawin nila iyong mga hostage." Dagdag pa nito.

"Talk to them through the speaker. Make all things possible to divert their attention. I will broke the glass and sneak inside. Do not shot unless I give my signal." Saad niya habang inaayos ang nilagay na silencer sa kanyang baril.

Sumaludo muli sa kanya ang kasama. Umalis siya doon saka lumipat sa bandang likod. Tiningala niya ang bangko na dalawa ang palapag at hindi kalayuan natanaw niya ang daan ng fire exit. Kung ganoon hindi na niya kailangan pang dumaan sa salamin. Ang fire exit ang ginamit niya papasok sa bangko kung saan ang bungad nito ay ang ikalawang palapag na.

Maingat lamang siya sa paglalakad upang hindi makatunog ang sino man na naroon. Tulad ng kanyang inaasahan, nang nakaapak na siya sa sahig, bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito ang lalaking nakaitim at nakabonet na may bitbit na Mk 16 Assault Rifle. Hindi siya agad nakita nito kaya malakas niyang hinila ang baril saka ito sinipa at sinugod. Agad niyang pinilipit ang leeg nito dahilan ng pagkamatay ng lalaki. Iyon na ang utos sa kanila ng Lieutenant Officer. 

Hindi lamang ito ang unang beses na nangyaring pagloob sa bangko kung saan sila rin ang salarin. Malinis at planado silang kumilos kaya para matapos na ito ay agad ng papatayin ang bawat sangkot sa krimen na iyon. Nilaktawan niya ang lalaki at sa isang pasilyo'y paparating naman ang dalawa pang lalaki na may bitbit na kaparehong baril.

Nakita siya ng isa at sisigaw na sana ito sa kasama upang ituro ang kanyang kinaroroonan ngunit naging mabilis siya. Mula sa kanyang tagiliran, hinugot niya ang kanyang dagger at mabilis ito na tinarak sa lalaki. Patay ito matapos matamaan sa noo. 

Sunod niyang binunot ay ang kanyang 45 ACP Pistol at mabilis na ibinaril sa isa pang lalaki. Sa pamamagitan ng silencer na inilagay niya kanina ay naging tahimik ang kanyang pagpatay dito. 

Inayos niya ang earpiece na ginagamit upang makakonekta pa rin siya sa labas. Tatlo na ang namatay at may walo nalang na natitira. Kailangan niyang malaman ang mga kinaroroonan nito.

"I need their locations."

["Roger that, Captain."]

Tiningnan niya ang kanyang relo. Masyado ng matagal ang inuukol nilang oras. Natatantya niyang gagamit na ang mga magnanakaw ng tao sa loob para makalabas sa bangko.

["Sir, may apat na kalalakihang nakatutok ang baril sa mga sibilyan, may dalawang patuloy na lumilimas ng pera at ang isa ay mukhang pinuno nila kaharap ang isang babae at nakatutok din ang baril. Hindi pa namin malocate ang apat pa."]

"Patay na ang tatlo kaya walo nalang sila, nasaan ang isa?"

Natahimik ang kabilang linya subalit hindi nagtagal ay nagsalita din ito. 

["Dalawa lang po ang option, Sir. Maaaring nasa may pintuan siya o sa may pader at pangalawa, maaring paakyat na siya sa ikalawang palapag. Ano man sa dalawang iyan, kailangan ninyong maghanda, Sir."]

Nagtungo siya sa vault system at natagpuan na maayos pa ang kalagayan nito. Mukhang hindi pa nila nararating ang lugar. Papalabas na sana siya ngunit tumunog ang pintuan, senyales na mayroong pumasok. Agad niyang itinago ang sarili sa isang dibisyon ngunit may kaliitan iyon at batid niyang sa oras na makalapit ng tuluyan ang lalaki, ay makikita siya nito.

Inayos ng lalaki ang device na nasa kaniya rin na tenga, "Boss, wala sila dito. Titingnan ko sa kabila."

Napansin niyang napangiwi ang lalaki kaya hinuha niya'y sinisigawan ito ng amo. Naputol ang pag-uusap na iyon nang sumulpot siya sa harap ng lalaki at bakas dito ang pagkagulat. Magsasalita sana ito ngunit mabilis siyang umikot para sipain ito. Tumalsik ang lalaki sa mga metal na kabinet at nayupi ang mga ito kasabay ng kaniyang pagbagsak sa sahig na wala ng malay. Lumabas siya doon saka mabilis ngunit maingat na tinahak ang daan papunta sa unang palapag. 

Nasa may hagdan na siya pababa sa kinaroroonan ng krimen at natuklasan niya ang mga nagsisiiyakan at takot na takot na mga sibilyan.

"Nasaan na ba ang mga tarantadong iyon?! Ngayon pa ba tayo mabubulilyaso?! Ikaw!" mainit na ang ulo ng pinuno ng mga ito. Idinikit nito ang bunganga ng baril sa noo ng babae na panay ang iyak dahil sa takot.

"Tumahimik ka! Samahan mo ako sa taas. Bilis!"

Naging alerto siya at mabilis na kinausap muli ang mga tauhan sa labas. Hindi sila pwedeng makarating dito. Hindi niya naalis ang bangkay ng lalaki at magulo na sa taas. Makakahalata ang lalaki kapag nadako ito sa palapag na iyon.

"Palabasin ninyo ang pinuno nila. Ako na ang bahala sa loob."

["Yes, Sir. We are doing our best to negotiate with them.]

Nakita niya na papaakyat na dapat ito ngunit muling may nagsalita sa labas na nagpatigil sa lalaki.

"Ito na ang huli naming pakiusap! Kailangan namin ang pinuno ninyo sa labas at nangangako akong hindi gagalaw ang sino man sa mga tauhan ko! Palalabasin namin kayo na dala lahat ng perang nakuha ninyo basta't walang madadamay na sibilyan!"

Lumingon ang pinuno ng mga kalalakihan at saka sila nagtinginan. Ang mahalaga sa kanila ay makalabas sila dito ng buhay. Sa huli'y hindi naniwala ang lalaki. Lumapit ito sa bintana saka sumigaw.

"Hindi ninyo kami mauuto! Pauwiin mo ang mga kasama mo at tayong dalawa ang mag-uusap!"tumawa ang lalaki.

"Hindi maaari ang gusto mo! Hindi namin nasisiguro na tutupad ka sa usapan! Ang maganda mong gawin sa ngayon ay makipag-usap sa amin! Wala na kayong ibang kasama riyan at nababatid namin na pito na lamang kayo na nandiyan!"

Napalingon ang lalaki sa hagdan patungo sa ikalawang palapag at alam niyang hinahanap na nito ang mga kasama at mas lalong nadagdagan pa ang suspisyon nito nang sabihin iyon ng kanyang tauhan. Mahina na napamura na lamang ang kapitan.

"Ano mang oras ay maaari namin kayong pasukin diyan kaya magdesisyon kana ngayon Antonio!"

Nanlalaki ang mga mata ng lalaki at gigil na gigil ito.

"Paano nila nalaman ang pangalan ko?!" nagpaputok ito ng baril sa taas dahilan upang sumigaw ang mga tao na nasa loob.

"Isa!"

Muli itong napalingon sa labas. Binibilangan na sila ng mga ito. Ang galit niyang mga mata ay dumako sa babae na dapat ay bubukas ng vault na pupuntahan nila. Marahas niya itong hinaklit sa buhok saka ipinulupot ang braso sa leeg nito na parang sinasakal.

"Susunod ka sa lahat ng gusto ko. Lalabas tayo at wala kang ibang gagawin kung hindi harangan ako. Naiintindihan mo?!" 

Bahagya niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa babae na nanginginig na sa takot at punong puno ng luha ang pisngi. Lumabas ang lalaki bitbit ang babae na hostage nito.

Iyon naman ang pagkakataon na kinuha niya upang isa-isahing patamaan ng baril ang mga nasa loob. Tatlo agad ang naitumba niya dahil hindi siya nakikita ng mga ito. Hanggang lumabas siya sa hagdan. Binaril siya ng isa at alam niyang lumikha ito ng ingay subalit maingay sa labas tulad ng kanilang plano kaya maaaring hindi pa rin ito napansin ng lider ng mga kalalakihang ito.

Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila ng dalawang lalaki na parehong may dala na malalaking bag. Kinapitan niya ito at malakas na pinag-untog ang dalawa. Naging mabibilis ang kanyang kilos, nagawa niyang isukbit muli ang isang baril sa kanyang tagiliran samantalang ang isa ay agad niyang ipinutok sa dalawang lalaki. 

Humihingal siyang tumayo ng maayos habang umiiyak na tinitingnan siya ng mga tao sa loob.

"May daan sa fire exit, doon kayo lumabas."

Labis na nagpasalamat sa kanya ang mga ito bago sila tahimik na nagsilisan. Muli niyang ikinasa ang baril saka tinahak ang daan palabas. Nabuksan niya ang pinto ng walang ingay at agad na nagtagpo ang ulo ni Antonio at ang bunganga ng kanyang baril. Nakatalikod ito sa mula sa kaniya habang sakal pa rin ang babae.

Napansin niya ang takot sa lalaki dahil sa paninigas nito.

"Drop your fucking gun or I'll shoot your fucking head."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
18 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status