LOGIN“Kanina lang nakuha natin ang impormasyon ng mga hostage takers at nalaman nating kabilang sila sa isa sa mga pinakamalaking sindikato maraming taon na ang nakakalipas. Ang lalaking nasa kanan nila ang siyang namuno sa kanila sa hostage taking, may tattoo sa braso at matagal na siyang kanang kamay ng sindikatong ito. Siya rin ang nakausap ni Captain Pzarova. Ito namang nasa kaliwa ay ang nag-iisang babae sa grupo. Malimit na sumasama sa mga operasyon ng sindikato at kapag lumalabas naman siya'y may takip ang kalahati ng kaniyang mukha. Kailangan nating maging maingat.”
Nasa isang mahalagang pagpupulong ang mga opisyales ng kasundaluhan at kabilang na roon ang dalawang kapitan na sina Pzarova at Locsin. Sa kanilang unahan, nakaflash ang mga mukha ng mga sindikatong gumawa ng kaguluhan kanina sa mall at ngayon nag-uusap sila upang mapaghandaan ang susunod na magiging hakbang lalo na’t kailangan nilang maging maingat dahil bihag ng mga ito ang anak ng presidente.
“Nawala rin ang mga mamahaling alahas at mga gadgets sa nasabing gusali kaya naniniwala akong hindi lamang hostage taking ang naging pakay nila.”
Nanatiling tahimik ang iba pang mga opisyales hanggang sa muling magsalita ang kanilang Brigadier General.
“Susunod, ito ang pinuno ng SY Syndicate. Siya si Yuan Smelin at sampong taon na rin natin siyang bihag. Marami na ang karahasang kinabilangan niya, marami na siyang napatay, matinik siya sa nakawan, at isa rin siyang drug lord kung saan supplier siya sa kalahati ng asya. Subalit sa ngayon, kailangan nating gumawa ng kritikal na desisyon at kailangan nating pag-usapan iyon ng mainam.”
“Isang kondisyon lamang ang iniwan nila kay Captain Pzarova, at iyon ay ang paglaya ng kanilang pinuno na si Yuan Smelin kapalit ng pagbabalik nila kay Ms. Danelle Greogo, ang anak ng presidente.” Pagpapatuloy nito
“With all due respect, Sir. We are really making a vital decision here and I think we cannot grant their request.”
Napatingin silang lahat sa kapitan na si Locsin.
“Kung hindi lang nakialam si Pzarova sa misyon namin, maayos sana ang lahat.” Dagdag pa ni Locsin
“Captain Locsin!”
“Locsin!”
Lihim na napairap ang kapitan nang makatanggap siya ng mga sigaw na iyon.
“Watch your words, Captain Locsin.” Babala sa kanya ng Brigadier Gen. kaya nanahimik na lamang siya.
“Kailangan nating makipag-usap sa sindikatong ito at hangga’t maaari sundin lamang ninyo ang mga kagustuhan nila. That would be the easiest way for us. We need to consult President Dencil to this case, as of now he’s not in good condition to join our meeting that’s why I need our Colonel and Captain Pzarova to take care of this. Iparating ninyo sa amin ang magiging desisyon ng Presidente at kung maaari, kailangan agad natin ng kasagutan mula sa kaniya.”
“At ako na po ang bahala sa pakikipag-usap sa SY Syndicate, Sir kung inyo lamang pong mamarapatin.” Locsin
Natapos ang kanilang pulong at agad na rin na dumiretso si Pion sa kanilang kampo. Sabay lamang sila ng kapitan pa na si Locsin subalit tulad ng dati, hindi sila nagkikibuan.
Sinalubong si Pion ng mga kasamahan niya at binati niya rin ito. Pumasok siya sa kanilang quarter at agad ding lumabas matapos makuha ang sombrero nito. Pagkatapos, lumabas din siya at sinalubong muli siya ng mga kasamahan.
“Aalis ka, Captain?”
“May pupuntahan lang ako.”
Nagtuloy-tuloy na sa pag-alis si Pion at habang nasa sasakyan siya ay nadaanan niya ang taong nakangisi sa kaniya.
Ilang sandali lamang ang itinagal ng pagmamaneho niya, narating niya ang isang malaking bahay at mula doon may dalawang kasambahay na nagbukas ng matayog na tarangkahan.
Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa harap ng malaking bahay saka siya nagtuloy-tuloy sa loob. Malaki ang bahay na iyon, tinahak niya ang mahabang hagdan at sa dulo naman ay tinungo niya ang isang malawak na silid na napapalibutan ng mga libro.
Dumako ang tingin niya sa matandang nakawheel chair at nasa harap ng mesa nito habang nakatitig sa isang larawan.
“For the past ten years, there’s no body found. Where are you right now?”
Mahina lamang ang boses ng matanda na kinakausap ang larawang hawak niya. Nang maramdaman nito ang presensya ni Pion, inilapag nitong muli ang larawan sa mesa saka hinarap ang binati.
“I’m here to ask something.”
Hindi umimik ang matanda, tiningnan lamang niya ang lalaki na siyang muling nagbitiw ng mga salita.
“Muli nilang binubuhay ang SY Syndicate at ilang araw lang ang itatagal mukhang pakakawalan ang pinuno nitong si Yuan Smelin.”
Unti-unting nanlaki ang mga mata ng matanda at mga kamay nito ay kumuyom.
“Y-y-yuan…”
“Bihag nila ang nag-iisang anak ng Greogo at hinihingi nila iyong kapalit ni Yuan, ang founder ng malaking sindikatong iyon. At kapag hindi pa kami gumawa ng desisyon maaaring manganib ang buhay ng babaeng Greogo.”
Isang hampas sa mesa ang pumukaw sa mabigat na awrang nakapalibot sa kanila. Nanginginig ang mga kamay ng matanda na animo'y takot na takot ito, ngunit hindi maipagkakaila na naroon din ang galit sa kaniyang mukha.
“H-hindi m-maaari.”
Napansin ni Pion ang pagbilis ng paghinga ng matanda kaya pinindot niya ang isang alarm na naroon sa mesa. Pumasok ang tatlong nurse na may dalang mga kahon na may katamtamang mga laki. Ang mga laman niyon ay gamot at injections na para sa matanda.
“Ilipat niyo na siya sa kwarto niya.”
Sinunod ng mga ito ang kaniyang utos. Nadala ang matanda sa kwarto nito at doon ipinagpatuloy ang pagbibigay ng lunas dito. Nakatulog ang matanda dahil sa epekto ng mga gamot na itinurok sa kaniya samantalang si Pion naman ay nakatitig lamang sa kaniya.
“I’ll be back.”
“Nakagawa na ng desisyon ang Presidente. Palalayain natin si Yuan Smelin kapalit ng kaniyang anak na si Danelle Greogo. Sa susunod na araw ay agad din tayong kikilos. Nakausap mo na ba, Captain Locsin ang pinuno ng sindikatong ito?”
Napukaw ang atensyon niyon ng kapitan. Tumango siya rito at nagsalita.
“Yes, Sir. They’ve sent me pictures and the Greogo is safe but they are losing their patience, they want the immediate release of their leader, Yuan Smelin.”
Bahagyang itinaas naman ni Pion ang kaniyang kamay senyales na may gusto siyang sabihin sa mga ito. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at diretsong tiningnan ang kanilang heneral na nasa unahan nakatayo.
“Kung bibigyan niyo ako ng permiso, nais kong isa ako sa mga taong kakausap sa kanang kamay ng SY Syndicate. Ako rin ang huli niyang nakausap kaya alam kong pauunlakan niya ako.”
Sandaling natahimik ang mga naroon pang opisyales.
"Ano pang silbi ng pagkausap mo sa kaniya? Nakakalimutan mo na bang ikaw ang rason kung bakit bihag nila ngayon ang Greogo?" Asik ni Locsin
Nagsukatan na naman sila ng tingin at walang nais na bumitiw.
"Tumigil na kayong dalawa kung ayaw ninyong pareho ko kayong isuspende. I made my decision, I am giving you, Captain Pzarova the permission to deal with this man. At sana sa pagkakataong ito, maayos mo ang gulo."
"Yes, Sir." Pion answered
Sa isang banda naman, kumuyom bigla ang mga kamay ni Locsin at agad na nagusot ang mga papel na nasa kaniyang kamay.
“Okay, and since you two will be working on it. I am hoping that this will be a success.”
Mahinang napatawa si Locsin na hindi naman nahalata ng mga kasamahan nila maliban na lamang kay Pion.
“Other than that, top searched pa rin ngayon ang hostage taking na naganap lalo na, nakuhanan nila ng larawan ang pagbitbit sa isang babaeng hostage at walang iba iyon kundi si Danelle Greogo. Subalit mapalad pa rin tayo dahil hindi nakuhanan ang kaniyang mukha kaya kailangan na natin ng mas mabilis na kilos bago pa lumabas ang lahat.”
Nagsitanguan naman silang lahat ngunit agad ding napatingin sa Brigadier General na nagsalita rin. Ang Brigadier General na ito ay mataas ang ranggo sa colonel ngunit mababa naman sa ranggo ng Major General.
“Paano na ang huling kaso na inaayos natin? May nawawala tayong limang bilyong piso at para iyon sa ating bansa. Hindi pa rin nahahanap ang pera hanggang ngayon at kapag hindi natin naagapan, maaaring pagbintangan ang ating Presidente na isang magnanakaw at korup na opisyal.”
“The President said we have to focus on saving his daughter. Besides, may mga tamang taong hahawak diyan sa kasong iyan. He will allot persons to take care of that matter.” Saad naman ng kanilang Lieutenant General
"Tumungo na ako sa may mataas na katungkulan sa pulisya. Kailangan muna nating ipaubaya sa kanila iyon. Isa pa, isa rin iyon sa kanilang trabaho." The Major General added
Ang kanilang pagpupulong ay naantala ng isang taong pumasok na may ibinulong pa sa Heneral. Nagtaka ang ilan sa kanila nang makita ang gulat sa mukha ng kanilang Heneral.
“This is the copy, General.” Wika ng lalaking nakasuit sapat na upang marinig ng mga naroon.
May ibinigay itong flash drive na siyang isinalpak naman ng Heneral at mula sa presentasyon nila kanina, napalitan iyon ng isang ulat.
Kitang-kita sa balita ang nagwawala at nagrarally na mga katauhan sa harap ng palasyo. Nagkakagulo ang mga ito pati na rin ang mga pulis na rumesponde.
*Breaking News
“Isang balita ang muling pumutok at nagpaingay sa sambayanan. Sa aking likuran ay makikita ninyo ang mga nagkakagulong tao, sila'y mga magsasaka at manggagawa na nagkaisa upang usigin ang pamahalaan. Nito lamang nakalipas na oras, may nakarating sa aming balita na nawawala ang limang bilyong pisong kaban ng gobyerno na para sa mga taong ito. Hinaing nila, binawi sa kanila ang mga lupaing sinasaka nila at ang mga manggagawa namang ito ay pinagbayad ng buwis ng pamahalaan. Sabi pa ng mga taong ito’y wala pa ang ipinangakong 5 billion pesos na budget para sa kanila hanggang ngayon ngunit heto ang gobyerno’t kinukuhanan pa sila ng pera.”
“Gutom na gutom na ang pamilya namin! Anong klaseng pamahalaan ito?!!”
“Ibalik ninyo ang pera namin!”
“Patalsikin ang Presidente!”
“Iilan lamang iyan sa mga nais na mangyari ng sambayanang ito. Ngayon, ang tanong na ating iiwan… Nasaan nga ba ang limang bilyong piso na ito? Saan napunta ang mga kinolektang pera ng gobyerno mula sa mga manggagawa? At saan inilaan ang mga lupaing binawi sa mga magsasaka? Magbabalik po kami para sa panibagong ulat, magandang hapon.”
Nagsara ang balita at naghari ang katahimikan sa kanila.
"Paanong lumabas ang balitang ito?" Hindi makapaniwalang tanong ng Colonel
“Prepare for a press conference this evening.” Ani ng kanilang Heneral bago ito lumabas sa hapag-pulungan.
“Sinabing kainin mo ‘yan eh!”
Napaigtad si Danelle sa kaniyang kinauupuan sa sahig. Bagamat hindi siya nakagapos, nakakulong naman siya sa madilim na kwartong iyon. Sa unang pagkakataon ng buhay niya, naranasan niya ang ganoong pangyayari at ngayon, kaba at labis na takot lamang ang nararamdaman niya. Hindi man para sa kaniyang sarili kundi para sa pamilya niya na maaaring takutin ng mga taong ito kapalit niya.
Ilang beses na siyang tumatanggi sa bawat pagkain na ibinibigay ng mga ito kaya nanghihina na siya. Ayaw niyang kainin ang mga iyon dahil sa pangamba na baka may lason ang pagkain. Tatlong araw na siyang namamalagi sa lugar na hindi naman niya alam kung saan.
Bahagya lang siyang nakayuko kaya nang may tumambad na mga paa sa kaniyang harapan ay unti-unti siyang nag-angat ng ulo. At doon nakita niyang muli ang babae ngunit tulad ng dati, nakatakip ang kalahati ng mukha nito.
“Miss Yllona, ayaw niyang kumain kahit anong pilit namin.”
“Lumabas muna kayo.” Saad ng babae na hindi tinitingnan ang mga kalalakihan. Nag-ambang sasagot pa sana ang lalaki ngunit tiningnan niya ito ng masama kaya wala iyong nagawa kundi ang umalis sa lugar.
“Kumain kana.”
Buong tapang na tiningnan ni Danelle ng masama ang babae.
“Pakawalan ninyo ako dahil kahit anong mangyari hindi ako kakain ng mga pagkaing ipinambubusog sa mga walang kwenta ninyong sikmura.”
Sa narinig na iyon, nag-iba agad ang timpla ng mukha ng babae kaya naman nakatanggap ng isang malakas na sampal si Danelle mula rito. Matapos sampalin ni Yllona ang dalaga, mahigpit naman nito na hinawakan ang mukha saka iniharap sa kaniya.
“Bakit? Dahil marumi ang pagkain namin? Dahil marangya ang buhay ng isang tulad mong prinsesa, ganoon ba? Hindi ka kumakain ng mga mumurahing ito?!”
Napasigaw si Danelle ng hawiin iyon ng babae. Natapon ang pagkain at inumin niya. Marahas naman siya na binitawan ni Yllona at doon napaiyak siya.
“Huwag kang mag-alala, makakabalik kana sa pamilya mo.”
Dahil doon ay napaangat muli ng tingin si Danelle sa babae pero umalis din ito at sa puntong iyon, may nakita siya sa isang babae na hindi niya alam kung isang halusinasyon o katotohanan. Ang kaniyang pag-iisip ay naputol ng unti-unti siyang lamunin ng kadiliman.
“A—
Sa kaniyang mesa, nakalatag ang iba’t ibang klase ng mga baril na ginagamit niya. Matapos niyang maligo, agad na siyang nagbihis ng kanilang uniporme at ngayon ay kakatapos lang din niya magsintas. Tinungo niya ang lamesa at sakto naman na pumasok ang isang korporal.
“Captain, handa na po tayo sa pag-alis at nauna na rin po sina Captain Locsin.”
Tumaas ang kilay ni Pion sa narinig. Ang usapa'y sabay-sabay silang tutungo sa lugar na napagkasunduan ngunit mukhang hindi nga mapapakiusapan ang isang kapitan na iyon.
“Susunod ako.” Aniya bago tuluyang umalis ang sundalo.
Kinuha ni Pion ang kaniyang Glock 17 Semi-Automatic Pistol pati na ang mga bala nito. Madalas pa rin siyang gumamit ng mga Pistol kaya ito ang napili niya ngayon. Kumuha rin siya ng granada saka ang Harris AN/PRC 152A Falcon Hand held Combat-net Radio. Lumabas siya sa kanilang quarter saka tinungo ang sasakyan kung saan naghihintay na ang mga sundalo.
“How many company do we have?”
Sumaludo sa kaniya ang mga ito lalo na ang mga kasamahan niya sa Throttler Rangers. Sinagot naman siya ng First Lieutenant niya.
“We have three, Captain and two with Captain Locsin.”
Tumango-tango naman si Pion saka imwenestra ang kaniyang kamay.
“Let’s move.”
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n