LOGINTanging ilaw ng kanilang mga sasakyan ang nagbibigay liwanag sa magkabilang panig. Dalawang sundalo ang may hawak sa isang tao na mahaba na ang buhok at tinubuan na ng balabas ang mukha. Maiitim din ang mga mata nito na kung tititigan mo ay talaga namang matatakot ka. Sa katabi naman nila ay si Pion at sa kabilang gilid naman ng kanilang bihag ay ang isa pang kapitan na si Locsin.
“Ako ang magdadala sa kanila ng bihag at kayo ang magsisilbing back up. Napag-usapan na natin ito, hindi natin sila aasahang makikipagsosyo ng maayos kaya maging handa lang kayo sa mga posibleng mangyari.” Saad ni Pion
Pagak naman na napatawa si Andrius, “Sino ka para utusan ako? Isa ka lang kapitan katulad ko kaya huwag mong asahan na tatanggap ako ng utos mula sa'yo.”
Napalingon naman si Pion sa kaniya kaya nagtama ang kanilang mga mata.
“Hindi ito isang utos na nanggaling sa'kin, dahil iyon talaga ang napag-usapan.”
Hindi nakaimik si Andrius, hanggang sa magsalita ang kabilang panig.
“Ano aatras na kayo? Masyado na kaming naiinip baka ilang saglit pa bangkay na ang makuha ninyo sa amin!”
Hindi na nag-abalang sumagot pabalik si Pion. Kinuha niya ang kaniyang baril at mahigpit na ang hawak niya roon. Nagsimula siyang humakbang palapit na sinundan ng dalawang kasamahan niya na bitbit ang lalaking magiging malaya na simula ngayon.
Nakarating sila sa gitna at doon sila tumigil. Hindi tulad kanina, mas malapit na sila ngayon at mas nakikita na nila ang kabilang panig. Sa muli, namataan niya ang lalaking kanang kamay ng sindikato pati na ang katabi nitong babae na nakatakip pa rin ang kalahati ng mukha.
“Ano pang hinihintay ninyo? Ibigay niyo na siya sa'min.”
Bahagya namang napangiti si Pion sa mga ito.
“Hindi ito ang unang kasunduan. Ilabas ninyo ang bihag at ibibigay namin sa inyo ang lalaking ito. Nawawalan din ako ng pasensya at kapag hindi niyo pa nilabas ang hinihingi ko, mapipilitan akong lumabag sa batas.”
Hindi umimik ang lalaki. Sumenyas ito mula sa kasamahan at sa likod ng sasakyan, lumabas ang dalawang kasamahan nito na may hawak na babae. Bakas dito ang panghihina kaya agad na nangunot ang noo ni Pion. Humigpit din ang hawak niya sa baril.
“Iyan ang napapala ng mga hindi kumakain.” Wika ng lalaki.
Humakbang din ang katabi nitong babae na siya palang naatasan na magdala kay Danelle kasama pa ang dalawang lalaki na may hawak dito. Hinawakan ni Yllona sa braso ang babaeng si Danelle at doon ay nagsimula silang maglakad patungo rin sa gitna. Nang magtapat sila, agad na itinulak ni Yllona ang babaeng hawak niya. Mapalad na lamang iyon dahil nasalo ni Pion.
Pion examined the woman and he noticed that she's burning up. Nanghihina na rin ang babae at nang akmang ibibigay na ng mga kasamahan niya ang lalaking bihag nila'y iniharang niya ang kanang kamay dito dahilan upang tumigil ang mga kasamahan niya.
Napansin iyon ng kabilang panig kaya naman nagsibunutan ito ng baril at itinutok sa kanila. Ganoon din ang panig nina Pion pati na ang iba pang mga kasama nito sa likod.
“Anong ginagawa mo Pzarova?!” dinig na dinig niya ang sigaw ng kapitan na si Locsin. Subalit hindi siya nag-abalang lingunin ang mga ito.
“Sumunod kayo sa usapan, Captain.” Ani naman ng lalaki na nasa kabilang panig.
“Ang usapan ay ibabalik ninyo ng maayos ang bihag. Anong nangyari?” Pion
“Hindi namin kasalanan kung hindi siya kumakain. Ang sariling katangahan niya ang papatay sa kania.” wika ni Yllona kaya dumako ang tingin sa kaniya ni Pion
“G-gusto k-ko ng u-umuwi.” Isang tinig na nagpagising muli kay Pion.
Bumaba ang tingin niya sa babae at bahagyang nakapikit na ito. Imwenstra niya ang mga kasamahan na ibigay na ang bihag nilang lalaki. Paunti-unti naman silang umatras at nangyari nga ang palitan.
Subalit sa pagtalikod naman nina Pion ang siyang pag-alingawngaw ng isang tunog na nagmumula sa isang baril.
“Captain!”
Tila naging mabagal ang lahat. Lumingon muli si Pion sa kaniyang likod upang makita ang sundalong humarang at sumalo sa bala na dapat ay para sa kaniya. Nagkagulo ang lugar at nagtago ang bawat isa sa sasakyang nakaparada lamang sa kanilang likuran. Nagpalitan sila ng putok dahilan ng pagiging sugatan ng magkabilaang panig.
“Medic!” sigaw ni Pion
Lumapit sa kanila ang mga sundalong may higit na kaalaman sa panggagamot.
“Lapatan niyo siya ng unang lunas sa lalong mabilis na panahon.”
Sinunod ng mga ito ang utos niya at mula rin doon, hinawakan niya ang braso ng lalaking si Valkez, ang kaniyang Private First Class na siyang sumalo sa bala dahil nakatalikod na siya ng mga oras na iyon. May tama ito sa kaliwang balikat at hindi pa rin tumitigil ang pagdaloy ng dugo galing dito.
“Hold on, Valkez. Dadalhin ka sa hospital. Kayo na muna ang bahala sa kaniya.”
Inihanda ni Pion ang kaniyang baril saka umalis sa kanilang pwesto. Naipasok na niya kanina si Danelle sa isang bulletproof na sasakyan kaya alam niyang ligtas ito roon. Sa ngayon, kailangan lamang niya masiguro ang kaligtasan ng iba pa niyang mga kasamahan. Nagsimula siyang magpaputok ng baril nang makita ang pangahas na babarilin sana ang lalaking kung hindi siya nagkakamali ay ang kaniyang Staff Sergeant.
Makalipas ang kalahating oras, nagsiatrasan ang nasabing sindikato. Humupa ang ingay ng mga baril at nadala na rin ang mga sugatang sundalo sa hospital sa kanilang headquarters. Pumasok si Pion sa sasakyan kung nasaan ang babae na mahimbing na natutulog. Agad siyang nagmaneho at mula sa kaniyang ear piece, may kinausap naman siyang tao.
“Yes, Sir. Kasama ko na po si Ms. Danelle Greogo at dadalhin ko siya sa hospital.”
Bahagyang nilingon ni Pion ang babae, “Hindi yata siya kumain ng ilang araw kaya nanghihina siya.”
“Mr. President, nasa hospital na daw ho si Ms. Danelle at kasama niya si Captain Pzarova.”
Napatayo naman ang matanda sa kaniyang kinauupuan. Mula sa palasyo, tinahak niya ang hospital na kinaroroonan ng kaniyang anak kasama ang Presidential Security Group. Tinawagan na rin niya ang asawa at kasalukuyan na rin itong patungo roon.
Sa hospital naman, naroon ang babaeng si Danelle na nilalapatan na ng gamot. She was confined due to dehydration and weakness of her body. She’s sleeping peacefully at the hospital bed and beside her, standing was Pion Pzarova who was just looking at her. When the man was about to leave, she slowly reached for his hand and she held his wrist.
"W-where am I?" Bakas pa ang panghihina sa boses ng babae
"Where do you think?" Pion asked back
Kung hindi lang siya nanghihina ngayo'y sinampal na niya ito. Ganoon na nga ang kalagayan niya subalit nakuha pa rin nitong sungitan siya.
"Aish! Ang sakit ng ulo ko." She held her head and groaned.
"Kasalanan mo."
Danelle glared at Pion. "Bwisit ka. May problema ka ba sa'kin?!" Hindi niya mapigilang sigaw
"Why would you be my problem?"
Hindi umimik si Danelle. Ibinaba naman ni Pion ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kaniyang palapulsuhan. He turned her back to go.
“D-don’t leave me, p-please.” She uttered while her eyes are closed. Wala pa rin siyang lakas dahil sa nangyari.
Pion sighed and looked away. “Rest, I will not go anywhere.” He then answered
Napangiti si Danelle at hindi siya sigurado kung nakita ng lalaki sapagkat pikit ang kaniyang mga mata.
Pion sat on the sofa that was located parallel to the woman’s bed. Hindi nagtagal, muling nakatulog si Danelle. Tumawag siya sa doktor upang ipaalam na gumising na ito. Hinihintay na lamang niya ang pagdating nito hanggang sa tumunog ang kaniyang cell phone.
[“Captain, kailangang salinan ng dugo si Valkez. Marami ang dugong nawala sa kaniya.”]
Napahinga si Pion saka tiningnan ang kaniyang relo. Kailangan ng maoperahan ng sundalo niya kung hindi ay ikamamatay ito niyon. May hinuha na siya kanina na mangyayari ito dahil mabilis ang agos ng dugo kanina ng lalaki at dahil sa barilang naganap, hindi agad ito nadala sa hospital.
“What type is his blood?”
Ilang saglit ang pananahimik sa kabilang linya bago muling nagsalita ang kaniyang kausap.
[“Type O, Captain… at sa grupo natin ikaw lang ang mayroon niyon.”]
He stood up from his seat at kasabay niyon ay ang pagbukas ng pintuan. Agad siyang sumaludo matapos makita kung sino iyon, ang Presidente. Kasama nito ang doktor, dalawang nurse, at ilan pang tauhan.
“Good evening, Sir. I need to leave. Isa sa mga sundalo ko ay sugatan at kailangan ako roon.”
Tumango-tango sa kaniya ang matanda saka sumaludo rin ito.
“Makakaalis kana, maraming salamat sa pagligtas sa anak ko, Captain Pzarova.”
“Tungkulin ho namin iyon, Sir.” saad niya bago muling nagpaalam at umalis.
Ilang araw pa ang lumipas, nakalabas na si Danelle sa hospital at ngayo'y nasa bahay lamang nila siya. Kapwa sila nasa sala ng kaniyang ina. Alalang-alala ito sa kaniya matapos mabalitaan ang nangyari. Kahit ilang araw lamang siya na nawala noon, napansin niya ang pagpayat ng kaniyang ina pati na ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito na animoy hindi natulog ng ilang araw.
“Pumunta nalang tayo ng New York, anak. Mas mapapanatag ang loob ko roon sa'yo.”
Nginitian ni Danelle ang ina niya saka lumapit at niyakap ito.
“Mom, don’t worry. Iingatan ko naman ang sarili ko e at wala namang nangyaring masama sa'kin. See? I don’t have any scratches and—
Kumalas ang ina sa yakap.
“Wala? Paano iyong namumula mong pisngi nang makita kita sa hospital? Alam kong sinampal ka, Danelle. Why wouldn’t you tell me? May iba pa ba silang ginawa sayo?”
Danelle bit her lower lip. She realized that she can’t never escape the truth especially when her parents are starting to interrogate her again just like this.
“May babae silang kasama.” She started
“Ano? May bihag pa silang babae? Kung ganoon nasaan na iyon? Bakit hindi mo sinabi sa mga sundalo para naligtas din siya?”
“Mom, siya ‘yong sumampal sakin.”
Natahimik ang kaniyang ina. Ang paghinga nito'y naging mabilis at parang pinipigilan lamang ang galit.
“Babae ang sumampal sa'yo? Ibig sabihin may babae sa sindikatong iyon at siya pa ang nanakit sayo?”
Simpleng tumango lamang si Danelle sa kaniya.
“Eh bakit hindi ka lumaban? You should have slapped her too! Babae lang naman iyon.”
“Mom, do you think sasali iyon sa grupong ‘yon kung simpleng babae lang siya? She’s skilled, mom and even if I know how to fight back, I won’t hurt any woman because I am one of them and I know how it feels when a woman is hurt.” She replied causing her mom to smile and open her arms wide seeking for another embrace.
“I’m so lucky to have you as my child.” Her mother mumbled as the woman caressed her hair.
"And I'm so lucky to have you, mom."
"Alright, we're both lucky then." Sabay silang tumawa
Danelle went to her room and she lied down on her bed. She decided to open her social media accounts and there she found her friends’ messages. She replied to them and went on scrolling again. Unintentionally, she happened to encounter a link and the title gives her curiosity. Danelle opened the article and she saw the news regarding his father accused as a theft and a corrupt official. It made her mad upon reading the comments and how the news was delivered.
Of all people, she and her mother only knows her father so much and he was never that kind of person. He was serving the country truthfully and with sincerity. His father had given his loyalty to this country and he loves the people so much that he had shorter time with them than his job.
They can’t point the finger to her father.
Danelle was certain, she contacted her friend which was a reporter. She doesn’t know the whole story but one thing is for sure, her father is not like that. They should not blame her father for the thing that was not his doing. There are several people in the palace and she’s sure one of them is the criminal.
“Hi, Liza. Do you know the latest news about my father?”
[“Ahmm, wait."] Sandaling nanahimik sa kabila at hindi kalauna'y nagsalita rin ang babae.
["His involvement on that large amount of money? I know, Danelle. We’re currently making a cover about it.”]
“I want you to handle that case, write an article regarding the issue and tell those people that my father is innocent.”
She heard her friend sighed.
[“Danelle, we have etiquettes to follow. We can’t be biased and we need evidences to prove his innocence. I’m sorry.”]
“Then you can’t publish an article? What if I give proofs? Will it do, Liza? My father is innocent, I know and he can’t be ruined to his people. He's a good person!”
[“Fine. Fine. Calm down. If you’ll give me evidences then I will write about it.”]
"Really?"
["Yes, well I have to go. Medyo busy kami ngayon. Let's have some coffee next time."]
"I'd be glad."
The call was over and now, she’s only thinking if how she’ll get evidences. Her father must not know about this dahil ayaw niyon na nakikialam siya sa buhay politika nito. Palaging sinasabi ng kaniyang ama na magulo ang ganoong buhay kaya ayaw nitong nasasangkot siya sa mga isyu o problema ng ama.
“I think I know who can help me.” napangiti siya pero agad ding nabawi nang mapagtantong wala pala siyang numero ng lalaki.
"Aish! Ang pakipot kasi."
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n