Share

CHAPTER 10

Author: jicigi
last update publish date: 2020-08-28 19:01:29

“Captain, may naghahanap sa'yo. Nasa tanggapan po siya ngayon.” 

Nagpapahinga sana si Pion nang mapukaw niyon. Pinuntahan siya ng isang sundalo na gumagwardya sa entrance ng buong kampo. 

Nagbihis siya saka tinungo ang lugar ng tanggapan na malapit lamang doon. Isa itong parang tolda na may mga mesa at upuan dahil doon napupunta ang mga sundalo nilang may bisita. Hindi sila basta-bastang nagpapapasok ng kung sinu-sino dahil iyon ang kanilang patakaran.

Tiningnan niya ang kaniyang relo upang makita ang oras at ang araw ngayon. Doon siya napakunot ng noo nang mapagtanto na hindi naman ngayon araw ng pagbisita. Bakit pa sila nagpapasok kung ganoon?

Para maglaho ang kaniyang kyuryusidad, pinili na lamang niyang magtuloy-tuloy at mula sa kaniyang kinatatayuan ngayon, nakita niya ang babaeng nakaside view sa kaniyang paningin. At kahit na hindi niya makita ng buo mukhang alam na niya kung sino iyon.

“Anong ginagawa mo rito?”

Nagising ang diwa ni Danelle. Ilang minuto rin siyang naghintay at ngayon dumating na ang lalaking nais niyang kausapin. Sandali silang nagkatitigan kaya bahagyang pinilig ni Danelle ang kaniyang ulo upang tuluyang magising sa mga pinag-iisip niya.

“May gusto ako sayo.”

Sabay na nagtaas ang dalawang kilay ni Pion dahil sa narinig mula sa kaharap. Tila napansin iyon ni Danelle at labis na lamang ang kaniyang hiya nang mapagtanto ang sinabi. 

“I-I mean, may… may pakay ako sayo k-kaya nandito ako.” 

Bahagyang yumuko siya saka kinagat ang pang-ibabang labi. Umiral na naman ang katangahan niya. Ang sinabi niya kanina'y naghatid lamang ng kakaibang mensahe sa lalaki.

“Martes ngayon at hindi kami tumatanggap ng bisita. Ano ang napakahalagang pakay mo sa akin, Ms. Greogo?” 

Danelle was a bit intimidated as he called her surname. Muling naupo si Danelle at walang nagawa si Pion kundi harapin din ang babae. Kinabig niya ang upuan sa katapat nitong lamesa at doon siya naupo, ngayon ay magkaharap na silang dalawa.

“I am currently working on something and I kinda’ need your help.”

“What is it exactly?” tanong sa kaniya ng lalaki.

Ayaw sana niyang sabihin kung ano iyon ngunit mapipilitan siya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba sa lalaki ang isyu ng kaniyang ama dahil baka hindi siya nito tulungan. Hindi madali ang mga nais niyang makuha na ebidensya kaya kailangan niya ng tulong lalo na sa mga taong nagtatrabaho malapit sa kaniyang ama. Malalim na huminga muna si Danelle bago muling nagsalita.

“Alam mo naman sigurong pinagbibintangan si Dad sa pagkawala ng bilyon-bilyong piso na sinasabing pera ng mga tao sa Pilipinas? Ano ba talaga ang nangyari? I’m sure my Dad has nothing to do with it.”

“Bakit mo alam ang tungkol diyan?” 

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Danelle. Tama nga ang hinala niya, alam ng lalaki ang nangyayari at alam niyang matutulungan siya nito ngayong hindi siya mahihirapang magpaliwanag sa nangyari.

“Hindi na mahalaga iyon. I have contacted a reporter to write an article regarding this matter and for her to pulblish it, I need evidences of my father’s innocence. You can help me with that, r-right?”

Nakasandal si Pion sa kaniyang upuan nang umayos siya ng upo saka ipinatong ang mga kamay sa mesa at pinagsiklop iyon. Muling nagtama ang paningin nila ng babae na inaabangan ang kaniyang sagot. Mahina siyang napatawa kaya kumunot ang noo ni Danelle.

“Alam mo bang labas ako sa mga ganitong kaso? I am not a lawyer nor a prosecutor, Ms. Greogo. My job is to protect our country and our people, not to prove someone’s innocence.” Matapos niyon ay tumayo na ang lalaki

“You’ve consulted the wrong person.”

Akmang aalis na sana si Pion nang marahas naman na tumayo si Danelle sa kaniyang upuan.

“Then, hindi mo ako tutulungan? What about my father? Wala siyang kasalanan! At wala ka bang konsensya?! Kagagaling ko lang sa sakit pero pumunta ako rito para lang kausapin ka and then i'rereject mo ako?!"  

Napalingon ang ilang sundalo na nadaraanan nila pati na ang mga sundalo na nagbabantay doon at sa may poste. 

Pion pursed his lips while his arms are both on his waist. 

“Don’t make a commotion here, Ms. Greogo. I am a busy person and we, soldiers, have designated tasks for us. I’m sorry.” nagsimula na siyang maglakad palayo

"Argh! Sabi mo crush mo ako-

Mabilis na tinawid ni Pion ang kanilang distansya.

"What the fuck?! Anong sinasabi mo?!"

Pareho silang napatingin sa paligid kung saan naroon sa kanila ang atensyon ng mga sundalo.

"Hindi mo pa rin ba ako tutulungan? Ipagkakalat ko rito na may gusto ka sa'kin." 

"Stop with your shits."

Ang mga naglalakad na sundalo'y bigla na lamang napatigil pati na rin ang ibang may pinagkakaabalahan. 

Danelle slapped him.

"Fuck."

Tiningnan lang siya ng babae na para bang wala itong ginawa. “Fine. Kung hindi mo ako tutulungan, maghahanap nalang ako ng iba. I just wasted my time being here. Bye Captain!”

Tumalikod na si Danelle upang umalis pero nang maalala ang isang bagay, muli siyang humarap. 

Matalim pa rin ang tingin sa kaniya ng lalaki.

"You surely have smooth face." She smiled and turned her back again

Habang naglalakad tinawagan niya ang numero ni Xia na agad namang sumagot.

“Pakiku—

But she was interrupted when someone took her phone. Agad na nag-init ang kaniyang ulo at nang makita niya ang pangahas mas lalo siyang nairita.

“Ibalik mo sakin ‘yan.” Mahinahon niyang sabi

"You think you can just leave like that?"

Kumunot ang noo ni Danelle. 

Pion grinned and lifted her on his shoulder. Danelle resisted but she can't get out from his gripped.

"Ibaba mo ako!" Pagpupumiglas pa rin niya habang pinapalo ang likod nito

Mas lalo silang pinagtinginan ng mga sundalong nakakasalubong nila. 

Pion took her to their tent. Pabalya niyang inilapag ito sa kama.

"Aray! Hindi ka ba talaga gentleman?!"

Mas lumapit siya sa babae. "I'm not that's why I'm warning you now with your actions."

Umiwas ng tingin si Danelle saka nagsimulang humina ang boses niya.

"Gusto ko lang namang tulungan mo ako-

“Hindi ka pwedeng makialam sa mga usapang wala kang sapat na alam o impormasyon. Delikado ang ginagawa mo, kapag nagkamali ka mas lalong hindi mo maayos ang gulong ito.”

Sinalubong niya ang tingin ng lalaki. “At anong gustong mong gawin ko? Maghintay na masira si Dad? Kasuhan siya ng pagnanakaw at korupsyon? My father is not like that. Wala silang alam.”

Nanunubig ang mga mata ni Danelle. Muli niyang kinuha ang cell phone sa lalaki saka tumayo at muli na sanang aalis ngunit kinuha ni Pion ang palapulsuhan niya.

Nang lingunin niya ito, hindi ito sa kaniya nakatingin dahil mukhang may tinawagan ito.

“Pakidalhan ako ng sasakyan. Gate 1.”

“Yes, Captain.”

Matapos niyon ay muli silang nagkatinginan. Hanggang sa mapasakamay muli ni Pion ang cell phone ng babae saka may idinial itong numero doon. Pinatay din iyon agad ng lalaki.

“Your Dad doesn’t know you’re here. What would he say if he founds you here, Ms. Greogo?”

Nanlaki ang mga mata ni Danelle. Hindi pwedeng malaman ng kaniyang ama ang ginagawa niya. “Bakit? Magsusumbong ka?”

Bahagyang napatawa naman ang lalaki kaya nadagdagan pa ang kaninang inis na nararamdaman ni Danelle.

“Anong nakakatawa?”

Hindi na nakasagot si Pion nang dumating ang sundalong inutusan niya.

"Nasa labas na po, Captain at nais din po kayong makausap ni Colonel." Ibinigay nito sa kaniya ang susi

"Salamat." 

Sumaludo ito sa kaniya bago umais.

"Bakit hindi niya ako tiningnan? Hindi niya ba ako kilala?" Biglang tanong ni Danelle. Akala niya'y ngingitian man lang siya nito subalit hindi naman nangyari.

"And why would he'll lool at you?" 

"Because I'm pretty?"

"Hindi lahat ng maganda tinitingnan."

"Bakit? Hindi ka attracted sa maganda?"

Sandali silang nagkatinginan hanggang sa mapangisi si Danelle. 

See? He's too obvious. He's attracted to me, aniya sa kaniyang isip.

"Hindi."

Nasira ng sagot ni Pion ang pag-iisip na iyon ni Danelle. Naunang lumabas sa kaniya ang lalaki kaya sinundan niya na ito. Naglakad sila patungo sa gate at mabilis din nilang narating ang sasakyan.

Binuksan ni Pion ang kabilang pinto sa may passenger’s seat. Hawak pa rin niya ang babaeng si Danelle at nang tingnan niya ang mukha nito'y para pang nagtataka.

“Pumasok kana.” Maikli niyang sabi na nagpagising sa diwa ni Danelle. Mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Did he just opened the door for me?

“M-may… may susundo sakin.”

Pion sighed and pulled the girl going to the car’s seat. Danelle was now inside the car and is sitting. She was about to reach for the seatbelt when someone did it for her. Moments later, she just noticed that the car closes and the driver’s seat was occupied by the man.

He buckled my seatbelt?

Napahawak si Danelle sa kaniyang puso dahil sa abnormal nitong tibok. That was only a simple gesture but her heart is already pounding so much. 

“Sa susunod ‘wag kang pupunta dito ng walang kasama. At simula rin ngayon ipapa'ban kita roon. Hindi ka makakapasok sa kampo nang hindi dumadaan sa'kin.”

“What?! May problema ka ba talaga sa'kin na hindi mo lang nasasabi? You can tell it to my face para naman malaman ko kung kaninong tao lang ba dapat ako makihalubilo.”

Napatawa na naman ang lalaki kaya napairap siya. How can he laugh when she’s irritated right now?

“It’s dangerous for you. Anytime, pwedeng may sumugod sa kampong iyon. Would you risk your life just to see me?”

Parang natigil ang hininga ni Danelle nang marinig ang mga salitang iyon. Nilingon niya ang lalaki na may gulat sa kaniyang mukha. Ginagantihan ba siya niyo? Hindi niya alam pero waring ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

“Ang k-kapal ng mukha mo.” 

Pion bit his lower lip to prevent his self from laughing. The man did not uttered again, they just drove away and Danelle noticed that they are already in front of their house. She removed her seatbelt and went outside.

“Thanks.” She simply said and went off but then before that, Pion spoke

“If you want help, you have to ask me first.” 

Kumunot ang noo ni Danelle ngunit ang katanungan sa kaniyang isip ay bigla na lamang nawaglit nang umalis na ang lalaki. 

Danelle continued walking until a message popped up on her screen, it was a message and it was from the architect. 

“Shoot. Today is the delivery of the materials.” She mumbled as she went out again.

Honestly, her father was against of her going outside but she keep on insisting. And now she have to be on the site to check the materials delivered half an hour ago. Her friend Xia and the architect namely, Krux were already there. Her business should not be hanged just because of what happened, Danelle is eager to pursue her five unit restaurant and as they talked over the phone with the architect last night, the construction would last six to eighth months as long as there are many laborers. 

“Mabuti pinayagan ka pa rin ng Dad mo?” 

Nakarating siya sa lugar ngayon at iniinspeksyon na lamang ng kaniyang architect at engineer ang mga materyales habang sila naman ni Xia ay nag-uusap.

“Yeah. Hindi ko rin sila agad nakumbinsi na ipagpatuloy ko ‘to pero nagpumilit pa rin ako. Iyon nga lang, may kondisyong ibinigay sa akin si Mommy.”

Napatingin naman sa kaniya ang kaibigan.

“Kondisyon? Ano?”

“Ako ang magmomodel ng mga bagong ilalabas niyang bag. So I need to be out of the country for a while.”

Pareho silang saglit na natahimik hanggang sa harapin siya ni Xia dahil katabi lamang niya ito at parehong ang mga mata nila'y sa arkitek at sa engineer na naroon pa rin sa may truck.

“Aalis ka ng bansa, what about your business here?” 

Danelle turned to her friend and smiled.

“Anong silbi mo?”

Pagak na napatawa ang kaniyang kaibigan na para bang hindi ito makapaniwala sa narinig.

“Hoy, babae. May sarili akong buhay na dapat asikasuhin and besides wala akong alam sa gusto mong mangyari rito.”

“And I’m part of your life kaya pumayag kana.” Ngumuso si Danelle sa kaibigan, umaasang pagbibigyan nito ang kahilingan niya.

“No.” matigas na wika ni Xia

Danelle crossed her arms and smiled.

“Okay. Hindi nalang pala kita bibigyan ng bagong bag tsaka heels.” She said tempting her friend and it seems like she succeeded.

“Argh! Kaya ko naman bumili kahit hindi mo ako bigyan 'no.”

“I know but I also know that you won’t waste your money just for a bag and heels so I’m offering you something great. Plus, those bags are still not out in the industry and even though it’s out, it will be limited edition. So what is your decision, Xia, my friend?”

Danelle was smiling so wide that her friend rolled her eyes on her.

“Damn you, Danelle. For how long will you be gone?”

Tagumpay naman ang mga ngiti ni Danelle. “I don’t know but I guess one or just two weeks?” 

Xia sighed and rolled her eyes again.

“Fine.”

Natigil lamang sila sa pag-uusap nang dumating na ang dalawang lalaki. Ang arkitek naman na si Krux ay may hawak na checklist.

“Kompleto na ang mga materyales pero may iba pang mga isusunod na ipinahabol ko dahil baka kulangin tayo. Anyways, when do you want to start the construction? The laborers are ready, they’re just waiting for the signal.”

“Sa susunod na araw mawawala ako pero kung handa na naman ang mga tao ninyo, you can start the construction tomorrow. Xia will handle it while I’m gone and I hope hindi ninyo siya iiwan sa site.”

The architect and the engineer laughed.

“Our job is in the field, we’ll not be leaving anyone behind.”

“Good.”

“Danelle! Bakit ba tayo nandito?!” Xia was shouting because of the loud bang of the music.

They were dancing like crazy and Danelle was a bit drunk now. They are at the bar and Danelle was the one who invited her friend, Xia. She just wanted to party. Lately, she has been stressed with her life and she even almost died because of the hostage taking where she did not ate for three days. Also, she’s going to leave the country for New York. She just hated modelling but she has to do it in the sake of her business. 

“Let’s go, Danelle! Papagalitan na naman tayo niyan ng Dad mo!”

Pilit na hinihila ni Xia ang kaibigang makulit na dahil kanina pa ito umiinom. Simula ng pag-uwi nito sa Pilipinas ngayon lamang sila nag bar kaya naman parang nakawala sa hawla ang kaibigan nitong si Danelle.

Labis ang pasasalamat ni Xia nang maialis niya sa dance floor ang babae. Inaakay na niya ito ngayon palabas ngunit hindi pa man sila tuluyang nakalalabas ay may mga humarang na sa kanila.

“Padaanin ninyo kami.” Maikling sabi ni Xia ngunit tila nakakaramdam siya ng kaba

Ngumiti ang mga lalaking nakaharang sa kanila, apat iyon kaya hindi talaga sila makalampas sa mga ito.

“Kanina pa namin kayo pinagmamasdan pero ngayon lang namin kayo nalapitan. What are your names, girls?”

Namumungay ang mga mata ni Danelle na ngumiti sa mga ito. Pinadaan niya ang kaniyang mga kamay sa buhok niya saka tinuro ang mga lalaking kaharap.

“Kayo. Ano bang mga ganap sa buhay ninyo at may nalalaman pa kayong paharang-harang? You can just come to us like, ‘Hi, Miss’ and I’m gonna answer you like ‘Hi, baby. I’m Danelle. So where are we?’—

Tinakpan agad ni Xia ang bibig ng kaibigan na hindi na alam ang mga pinagsasabi. Ang apat namang lalaki'y tumatawa sa kanila.

“Pasensya na. We have to go home.”

Muli silang humakbang ngunit sa gilid nito'y iniharang na naman ng isang lalaki ang kaniyang mga braso dahilan upang matigil na naman silang dalawa na makalabas.

“Look—

Natapon sa ere ang mga sasabihin dapat ni Xia nang may malakas na humawi sa mga lalaking nasa harap nila. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung sino iyon. Isa iyong lalaki na nakaitim ng pantalon pati na T shirt at pinatungan din ng isang kulay brown na leather jacket. 

Kung wala lang sila sa ganoong sitwasyon, siguradong maglalaway na naman siya sa kagwapuhan nito. It was her first time seeing the man not in uniform and all she can say, it suits him whatever he wears. Nakaramdam siya ng awa sa kaibigang hindi man lang nakita ang kakisigan ng lalaking ito.

“What happened to her?” tanong ng lalaki na ang tinutukoy ay si Danelle.

“She’s drunk at sobrang kulit niya. Uuwi na sana kami pero ayaw naman kaming padaanin ng mga panget na ‘to.” Sabay tingin ni Xia sa mga kalalakihan na ngayon ay nanlalaki ang mata.

Masama ang mga tingin na itinapon doon ni Pion. Mula sa apat na kalalakihan, unti-unting lumapit ang isa sa kanila na akmang hahawakan pa ang leather jacket ni Pion ngunit mabilis niyang nakuha ang kamay nito saka pinilipit kaya napasigaw ang lalaki. 

Lumapit din ang isa upang tulungan ang kaibigan ngunit sinipa naman ito ni Pion kaya tumalsik ito sa mga tao. Hindi na nag-abala pa ang natitirang dalawang lalaki na lumaban. Ipinakita nito sa lalaking si Pion na sumusuko na sila. Marahas na binitawan ng sundalo ang hawak niyang lalaki saka ito itinapon sa mga kaibigan at kinuha naman si Danelle. Marami-rami na ang nanonood sa kanila at bawal siya sa mga ganoong lugar bilang isang sundalo kaya naman lumabas na sila.

“Ahmm… I don’t think I can bring her home. Can you please do it for me?” nahihiya pa si Xia na humingi ng pabor sa lalaki. Isa pa, hindi na talaga niya kayang kontrolin ang kaibigan lalo na ngayo’t gising na gising na naman ito ngunit halata naman sa mga mata ang antok.

Tumango lamang sa kaniya si Pion bilang kasagutan.

"Oh, commander is that you? Aye, aye Captain!" She saluted and laughed

Pion just stared at her.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status