Share

CHAPTER 16

Author: jicigi
last update publish date: 2020-10-22 22:52:05

"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.

Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan.

"Happy Birthday, girl."

"Happy Birthday, Xia."

"Happy Birthday."

Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle.

"Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap. 

"Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya.

"I forgot to tell you." Sagot niya

Iyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa Pilipinas at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinitigilan nito kaya naiinis na siya sa lalaki. Hindi pa siya ngayon makaalis sa lamesa kung hindi dumating ang kaibigan, dahil nakaharang ito sa daan pati na ang ilang kaibigan ng lalaki.

"Happy Birthday, Xia."

"Happy Birthday, you're so gorgeous tonight, Xia just like your friend beside you. Magkaibigan nga kayo." Ani Silver. Binati rin sila ng iba pa nitong kaibigan at nagpasalamat naman si Xia.

"Sige, salamat ulit. Mamaya, we have a pool party, I hope you have extra clothes para naman hindi kayo lamigin mamaya pag uwi ninyo." 

Malawak lamang ang ngiti ng kalalakihan. 

"Of course. We're looking forward for it. Can you request your DJ to change the music into a melodius one so I can dance Danelle?"

"I'm not dancing with you, Silver." Ani Danelle. Nakahawak siya sa braso ng kaibigan at bahagya niya itong pinisil upang senyasan na umalis na sila.

"Later, Silver." Nakangiti lamang si Xia dito hanggang sa umalis sila.

Umakyat naman sila sa kwarto ng kaibigan at gulat na gulat si Xia nang may makitang tatlong paperbags sa kanyang kama.

"What are these? Nandoon sa baba ang lagayan ng mga regalo ko." 

"Sinadya ko na talaga dito para hindi kana mahirapang akyatin ang mga iyon dito. Anyways, that one is my father's gift, the other one is from my mother, and in the middle, is mine. Happy Birthday, sis! Thank you for being my honest and pretty friend. I love you." 

Hinawakan ni Xia ang kanyang kamay habang malalawak ang ngiti nito.

"This is so much, Danelle thinking that you've just given me bags and shoes the other days then here you are, you have another gift for me. Thank you so much and I also love you, sis." 

Nagyakapan silang dalawa at doon nagtawanan na naman sila. 

Malakas ang tugtugan at nagsasayawan ang mga tao sa loob. Naroon na rin sina Danelle sa ibaba at kagagaling lang niya sa dance floor. Gusto niyang maupo dahil nangagalay na ang mga paa niya ngunit habang naglalakad siya ay may mga kamay naman na dumako sa kanyang bewang.

Mabilis niyang tinulak ang lalaking si Silver nang makita ito. Hindi siya lasing dahil tinatanya lamang niya ang kanyang iniinom sapagkat ayaw na niyang maulit ang nangyari noon. Ayaw na muli niyang maipit sa ganoong sitwasyon.

"Layuan mo nga ako, Silver."

"I can't find you since you left earlier. I just want to dance with you!" saad nito habang hawak pa ang isang baso na may lamang alak.

"I said I'm not dancing with you."

"Come on! Why do you hate me so much? Are you still bitter to me because I dumped you during our highschool?"

Pagak na napatawa si Danelle, "Masyado kang mayabang. Hindi lang talaga tayo magkasundo, Silver. I just don't like you for no reason."

Nawala ang ngiti ng lalaki. Nasa tapat na sila ng mesa nina Danelle at naroon naman si Xia nakaupo ngunit may kausap itong lalaki. 

"Fine. Here." Inabot ni Silver ang basong hawak niya kaya't tinaasan siya ni Danelle ng kilay.

"I'm leaving, just accept this. Wala naman sigurong mawawala kung kukunin at iinumin mo 'to? Promise, aalis na ako at hindi na kita guguluhin pa." 

Napabuntong hininga naman si Danelle saka tiningnan ang baso at ang lalaki. Tatanggapin na sana niya iyon subalit may kamay ng kumuha niyon bago pa man niya mahawakan. 

Sinundan lamang ni Danelle ng tingin iyon lalaki habang ibinababa nito sa mesa ang baso. 

"A-anong ginagawa mo dito?" 

Nagtama ang tingin nilang dalawa ngunit wala namang nagsalita sa kanila.

"Pion?" 

Nakatayo na si Xia at nagulat din itong nakita ang lalaki.

"I knew it, you're coming." Dagdag pa ng babae.

Bahagya namang tumaas ang kilay ni Danelle. Hindi niya alam na imbitado ang lalaki.

"Did you invite him, Xia?" tanong niya

"Hmm. Yeah, hindi ko na sinabi sayo kasi akala ko hindi rin naman siya makakapunta. You know, he's a busy person." sagot sa kanya ng kaibigan

"I put your gift on that table and I am leaving early." Pion

"Bakit naman?"

"And I'm also here to get Danelle." Dagdag pa ni Pion

"What? May pool party pa kami. Pwede bang mamaya nalang kayo umuwi?" 

"Bakit mo isasama si Danelle? Kung uuwi ka di umuwi ka." Sabat ni Silver kaya naman nagtapat sila ng tingin ng lalaki.

"Sinong uuwi?" napalingon naman silang lahat sa likod at doon nakita nila ang isa na namang lalaki.

"Shawn! Where the heck did you go?!" Danelle.

Nakangiti itong lumapit sa kanila at may bitbit din itong wine. Kinindatan pa nito si Xia nang tuluyang makalapit.

"Some girls dragged me." sabay akbay nito sa pinsan

"Uuwi kana? Bakit hindi mo sinasabi?" tanong pa ni Shawn pero nakatanggap lamang siya ng masamang tingin galing sa babae.

Hindi pa rin makalimutan ni Danelle ang ginawa nito sa kanyang panlilinlang. Una ay galit nag alit siya rito at labis rin ang kanyang kaba at pag-aalala na baka sabihin nito sa mga magulang niya kaya talaga namang natakot siya. Subalit sinabi ng pinsan na wala itong pagsasabihan sa isa nitong kondisyon.

Magsasalita na dapat si Danelle ngunit may humila sa kanyang kamay. Tiningnan niya iyon at hindi agad siya nakapagsalita.

"We're going home." Muli nitong sabi

"Happy Birthday again, Xia." Saad ni Pion bago siya umalis kasama ang babaeng si Danelle na wala na ring nagawa pa.

Nang makarating sila sa labas ay naroon ang isang sasakyang hinihinala ni Danelle ay sa lalaki. At tama nga siya, lumapit silang pareho doon at pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Bakit hindi mo sinabi saking pupunta ka dito?"

"Kaibigan ko si Xia, natural lang na pumunta ako sa kaarawan ng kaibigan ko. Bakit ikaw? Wala ka bang kaibigan?"

Natahimik at napaiwas ng tingin si Pion. Mapait siyang napangiti sa isipan.

"Pumasok ka na sa loob." aniya saka tumungo sa kabilang direksyon at doon pumasok sa driver's seat.

Tahimik siyang nagmamaneho pauwi at bahagya niyang tiningnan ang babae na nakatingin pala sa kanya.

"Why are you looking at me like that?" 

Namamangha si Danelle sa lalaki. Nakita niya ito sa ibang damit at litaw na litaw ang kagwapuhan nito. Ano mang damit ang suotin ng lalaki ay bumabagay sa kanya kaya't kanina pa siya dito napapatingin. Nang hinihila na rin siya pauwi ng lalaki ay hindi na rin siya umangal dahil myay nag-uudyok sa kanyang sumama na lamang dito.

"Bakit mo pa ako sinundo doon? Kasama ko naman si Shawn pag-uwi, hindi naman niya ako pababayaan."

Kahit na nagmamaneho ay napatingin si Pion sa babae.

"That's what I'm going to ask you, who is that Shawn? And that guy who's giving you drinks, it's obvious, he has ulterior motives on you. Why would you accept his drinks? Hindi ka ba nag-iingat?"

"Nag-iingat ako at wala namang masama kung iinumin ko iyon. Iinumin ko lang naman iyon para lubayan na niya ako. That's it."

"That wine has pills and it's either you'll get drunk or you'll be dizzy and sleepy. Eitherway, his motive is still one, to bring you to his bed. Would you like that knowing that I know how aggressive you are when you're drunk?" 

Bigla na lamang na pinamulahan si Danelle. Ayaw na niyang maalala ang isang gabing iyon ngunit heto ngayon at ang lalaki pa ang nagsasabi sa kanya.

"Manahimik ka." Mahina niyang sabi saka diretsong tinuon ang atensyon sa harap.

"What is the name of that man?" 

"Hindi mo na kailangang malaman pa. He's nothing."

Sakto ng matapos siyang magsalita ay tumigil din ang kanilang sasakyan at nakita na lamang ni Danelle na nasa harap na siya ng kanilang bahay.

"He's nothing but he keeps bugging you? Sabihin mo sakin ang pangalan niya para naman alam ko kung sino ang kalaban ko, including that Shawn."

Unti unting namilog ang mga mata ni Danelle. Mabilis ang tibok ng puso niya at hindi siya makapagsalita. Bumaba ng sasakyan si Pion at pinagbuksan naman niya ang babae na hindi kalaunan ay bumaba na rin ng sasakyan.

Nakaawang ang mga labi ni Danelle. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. 

"I'm going back to the camp. Huwag ka ng lalabas, your Dad knows you're here already."

"B-bakit? Pinasundo na naman ba niya ako sayo?" tanong ni Danelle

Umiling naman si Pion at parang nakahinga siya doon ng maayos. Isa lamang ang ibig sabihin niyon.

"Next time, kung may nirerequest si Dad sayo na hindi naman kabilang sa trabaho mo, huwag mo nalang sundin. Sa lahat, ayaw ko ng nakakaabala ng tao lalo ka na. May tungkulin ka at hindi madali ang trabaho mo, mas mahalagang unahin mo ang mga iyon kaysa sakin. Kaya ko naman ang sarili ko at hindi naman ako lumalabas na ng mag isa."

"But your Dad is one of our Bosses. We can't reject his orders." 

"Kaya nga, kung hindi naman konektado sa trabaho niyo 'wag mo ng gawin. You're just wasting time on me and about your offer, I'm saying no. Hindi pa ako handang pumasok sa seryosong relasyon at hindi iyon magiging madali para satin. Mahihirapan akong mag adjust dahil alam kong palagi kang mawawala and just the same with you. I'm really serious right now, Pion. Marriage is not easy."

Nakatitig lamang sa kanya ang lalaki at aaminin niyang naiilang siya dito.

"Alright."

Sa hindi malamang dahilan, tila ba hindi siya kumbinsido sa naging sagot ng lalaki. Bago siya pumasok sa malaking tarangkahan, nakita pa niya ang papalayong sasakyan nito.

"Danelle. Danelle. Buksan mo 'tong pinto." 

Panay katok ni Xia sa pintuan ng kwarto nito. Tinawagan siya ng ina nito dahil ilang araw na itong hindi lumalabas sa kwarto maliban na lamang kung kakain. Nag-aalala na ang magulang nito dahil hindi naman ganoon ang kanilang anak. Hindi naman masabi ni Nalyn, ng ina nito na sa asawa sapagkat isang linggo na din itong nasa Palasyo at hindi umuuwi sa kanila. Naiintindihan naman niya iyon dahil marami ang nireresolbang problema ng kanyang asawa.

"Dan-

Unti-unti namang bumukas ang pintuan at agad namang pumasok si Xia. Nakita niya ang kaibigan na naglalakad na patungo sa veranda kaya sinundan niya ito. May dala pa siyang maliit na cake upang mapagaan ang loob ng kaibigan kahit papaano. 

"What is your problem? Sinabi sakin ni Tita ang mga pinaggagawa mo, bakit ka nagkukulong dito? I tried to ask Shawn but he's not saying anything."

Matamlay ang kaibigan nito. Nakaangat ang dalawang paa nito sa upuan at gulo gulo ang buhok. Maluwang din ang T-shirt na suot ni Danelle kaya napangiwi si Xia ng makita ang estado ng kaibigan.

"I have a problem." Mahinang saad nito

"Ganyan ka ba magkaproblema? Kulang nalang ay bigyan na kita ng sako at lata para maglibot libot na sa kalsada."

"I'm serious." Sabi pa ni Danelle habang nilalaro laro ang daliri at kahit kinakausap ang kaibigan ay hindi siya nakatingin dito.

"Pwede ba kitang sampalin?" Xia

Napabalikwas naman si Danelle sa kinauupuan.

"Can you?" 

Hindi na nagdalawang isip pa si Xia. Sinampal niyang talaga ang kaibigan. Nang lingunin siya nito ay nanunubig ang mga mata ni Danelle kaya bahagyang nagulat si Xia.

"Oh my gosh! Are you okay?"

"Xia! I have a big problem!" yumuko si Danelle sa mesa at doon umiyak. Inalo naman siya ng kaibigan.

"Shhh. Stop crying. If you have problems you can tell it to me. I will listen and I will even help you over came it." 

Umangat ang ulo ni Danelle. Noong isang araw pa siya nag-aalangan na sabihin ito sa kaibigan. Alam na ni Shawn ngunit hindi naman niya makausap ang lalaki tungkol doon dahil lasing siya ng sabihin niya ito kaya wala siyang lakas ng loob. Ngayon naman ay nagpapasalamat siya sa pagdating ng kaibigan, at ito na ang pagkakataon niyang masabi ito kay Xia. Kailangan niya ng mapagsasabihan dahil parang mababaliw na siya sa kakaisip kung ano ba talaga dapat ang gagawin niya. 

"That night, when we were at the bar. I was drunk and you entrusted with that man."

Kumunot pa ang noo ni Xia nung una ngunit nakuha din niya agad kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.

"Yes, of course. Ibinilin na kita kay Pion at naroon din naman siya para sunduin ka. Why? What happened?"

Napakagat ng labi si Danelle at iyon naman ang pagtulo ng isang butil ng kanyang luha. 

"That night, something happened between us. I woke up early in the morning and I found myself with him. That is also the reason why I extended my days in New York, I wanted to avoid him and that explained why I left the site when he just came out of nowhere. But he followed me and he talked to me, and... and-

"And what, Danelle?"

"He offered marriage to me! He said he has to take responsibility and he told me he didn't used protection. He gave me time to think of his offer but after coming from your party, I rejected him and he said, 'alright'. What does it supposed to mean?"

Nakatanga sa kanya ang kaibigan. Marahil hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Sino ba naman ang agad agad na maniniwala sa mga pinagsasabi niya? 

"Xia!"

"Wait." Xia stopped her

Nang maproseso sa utak, muling tiningnan ni Xia ang kaibigan. 

"May nangyari sa inyo ni Pion noong gabing iyon na ibinilin kita sa kanya?" 

Tumango sa kanya si Danelle.

"Then bakit ngayon mo lang sakin sinabi?!" hindi mapigilang pagtaas ng boses ni Xia

"Because I thought that was not necessary anymore. But his answer that night bothered me so much!"

"What? Why? Akala ko ba ayaw mo ring matuloy ang gusto niyang mangyari? Pero dahil din sa rasong iyon naging ganito ka? Are you serious, Danelle? If it bothers you then you must resolved it. Pwede bang ipaliwanang mo sakin ng mabuti kung bakit ka naguguluhan? Dahil gulong gulo na ako sayo babae baka matapon lang kita dito sa veranda ninyo."

"Nung gabi kasing iyon sinabi kong ayaw ko sa kondisyon niya, ayaw ko sa alok niya sakin pero sinagot niya lang ako ng simpleng oo. I was supposed to be happy but I was like, disappointed. Parang nadismaya ako sa sagot niya, hindi niya ako pinilit or hindi man lang siya nag-alangang tanggihan ang sagot. He didn't even asked me why."

Napatampal si Xia sa kanyang noo.

"Hearing you like this makes me think that you have something for him. Hindi ka naman magkakaganito kung wala kang nararamdaman doon sa tao. Look at yourself, hindi ka daw lumabas ng kwarto ng ilang araw at ngayon nalaman ko ang rason kung bakit. Kung ako sayo, kausapin mo si Pion. You two should talk about it seriously. Kaunti nalang masasabi ko ng in love kana 'don sa tao."

Nanlaki naman ang mga mata ni Danelle sa paliwanag ng kaibigan. Natameme din siya. Nagkaroon na siya ng maraming kasintahan habang nasa Washingon siya noon at alam niya ang pakiramdam ng umiibig ngunit itong ngayon ay kakaiba. Ngayon niya lang ito naramdaman na parang siya ang naghahabol at siya ang naghahanap ng kasagutan. Siya ang naguguluhan ngayon, hindi ang lalaki.

"I'm in love with him?"

"Yeah. Doon din naman ang punta niyon eh." 

Umiwas ng tingin si Danelle sa kaibigan hanggang sa mapatingin siya sa kanyang cell phone na nakalapag lamang sa mesa. 

"Where can I find him?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status