Share

CHAPTER 14

Author: jicigi
last update publish date: 2020-09-17 00:28:08

Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.

“You have something in your eyes.”

Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.

“I’m a soldier. You can’t fool me.”

Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.

Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa. 

Pion formed a smile and distanced himself from the woman.

Sabay silang kumain at ilang na ilang si Danelle dahil sa pangyayari kanina. Ni hindi siya makapagsimula ng usapan o makapag asaran man lang. Napansin niyang napatingin ang lalaki sa relo nito kaya tumikhim siya.

“A-ako na ang maghuhugas. You can go, busy ka yata.”

“I’m a busy person but it's worth my time.”

Natigil sa ere ang kutsara ni Danelle. Naramdaman agad niya ang pag-init ng kanyang mukha. Now that he said it, is she worth of his time?

“I have done something that I should take responsibility of.”

Patuloy lamang siya sa pagkain dahil hindi niya alam kung kakayanin niyang marinig ang karugtong ng mga sasabihin nito. Kanina sa sasakyan may ideya na talaga siya kung anong pag-uusapan nila. Gusto niya iyong iwasan o kalimutan nalang ngunit nang makita niya ang lalaki kanina, napagtanto niyang hindi ito ang tipong basta ka na lamang titigilan.

He is so persistent.

“Your father is trusting me so much and I can’t ruin that. You gave me your virginity that evening and you left me in the morning.” 

Lihim na napamura si Danelle sa kanyang isipan nang mabanggit ni Pion na ibinigay daw niya ang kanyang pagkabirhen.

“Hindi ko iyon binigay, kinuha mo. Ki-nu-ha, magkaiba iyon.” Paglilinaw niya dahilan upang mapangisi ang lalaki

“Sino nga ulit ang unang nanghalik?” 

“Oh, bakit? Ak—

Magsusungit na sana si Danelle nang maputol ang sasabihin niya dahil sa naalala. 

--

“Hoy! Bibig mo! Hindi kita asawa dahil ayoko sayo. Ang asawa ko, mahal ko at ikaw, hindi.” 

Tumigil si Danelle sa pagsasalita saka lumapit sa pwesto ng lalaki. Nakatayo na ng maayos si Pion kaya naman kinailangan ding tumayo ni Danelle sa kama kaya ngayon naging mas matangkad siya dito.

“And I will kiss him like this.”

“And I will kiss him like this.”

“And I will kiss him like this.”

“And I will kiss him like this.”

--

“Argh! Shut up!”

“You will marry me.” Pion

Tila nabingi si Danelle sa narinig. Nabitawan niya ang kutsara at kanyang tinidor. Samantala ang buo niyang sistema ay naghaharumento sa hindi malamang dahilan.

"You're asking me, right?"

"No. I'm telling you. It's different."

The man is offering her marriage? 

Danelle stopped eating and laughed. She grabbed some tissue and gently wiped the corners of her mouth.

“We don’t have to do it. Kalimutan nalang natin ang lahat. Wala kang responsibilidad sa'kin. It was just one night, and these days, one night stand is already common. Don’t overreact, Pzarova. One more thing, marriage is sacred and it’s done by those people who love each other, and we don’t.”

Nakatingin lamang sa kanya ang lalaki at hindi niya masalubong ang mga mata nito. Hindi rin alam ni Danelle kung nagugustuhan ba ng lalaki ang pinagsasabi niya o hindi.

“Hindi ako gumamit ng condom.”

Agad na nanlaki ang mga mata ni Danelle. Dinalaw agad siya ng kaba at takot subalit hindi para sa sarili kundi sa pamilya. Her dad will surely disown her.

“At pinagiisipan ko na ring sabihin sa Dad mo.” 

Gulat na naman na dumako ang mata ni Danelle sa lalaki. Hindi maaari iyon, hindi maaari ang iniisip ng lalaki. 

“Don’t!” 

Hindi mapigilang mapasigaw ni Danelle. Naiinis siya sa lalaki. Bakit kailangang ipitin siya nito sa ganoong sitwasyon na wala siyang takas? Hindi pwedeng malaman ng kanyang ama dahil una sa lahat, parehong mataas ang ekspektasyon ng matanda sa kanilang dalawa at hindi rin niyon alam na minsan ay magkasama sila at ganitong nag-uusap. She doesn't want to expose her stupid acts, not yet.

“Bakit mo ba ‘to ginagawa? Pwede namang kalimutan nalang natin ang lahat ah?! We can be back to strangers again just like before.” 

Nakasandal si Pion sa kanyang upuan at magkalandas ang mga braso nito sa dibdib. Tumayo ang lalaki at nagkatinginan ulit sila.

“Pareho tayong may reputasyon na kailangang alagaan at ingatan. Pag-isipan mo muna ang sinabi ko.” 

Saka ito umalis subalit may mahina pa itong sinabi na hinding-hindi nawala sa pandinig ng babae.

“If you just weren’t wild that night, we won’t be in this situation.”

Tila umakyat lahat ng dugo ni Danelle sa kanyang mukha. Pulang-pula siya at gustong-gusto niyang batuhin ng pinggan ang lalaki. Ngunit nakalayo na si Pion habang siya'y naiwan pa rin sa mesang pinagkainan nila. Parang ayaw na niyang tumayo roon, nawawalan siya ng lakas at hindi na rin gumagana ang kanyang utak. 

Ano ba ang gulong pinasok niya?

Nasa hapag-kainan na ang pamilya Greogo. Kasalukuyan silang kumakain sapagkat gabi na. Sa kabisera nakaupo ang matandang lalaki na si Dencil, kanang bahagi naman nito ang asawang si Nalyn. Sa kaliwa'y naroon naman ang magpinsan na si Danelle at Shawn.

Hindi basta-bastang makaimik si Danelle dahil masasama ang tingin na ibinibigay sa kanya ng pinsan. Iniwan niya ito sa site at tinext na lamang niya na umuwi, ang naghatid pa nito'y ang kaibigang si Xia kaya naman nag-aalangan siyang biruin ito. Bagamat humingi na siya kanina ng tawad, hindi pa rin siya nito kinikibo.

And because she can't talk to her cousin, she diverted her attention to her father. “Kumusta na nga pala iyong kaso mo Dad? Tungkol doon sa pera, naayos na ba?” tanong niya upang umingay naman ang kanilang hapag hindi iyong puro lang kalansing ng kutsara't tinidor ang naririnig.

“Magrerelease na ngayon ang media ng statement ko tungkol sa nangyari and I hope those people would believe. Tungkol naman doon sa mga umaalmang nawala ang kanilang lupain at kinuhanan sila ng buwis, pinapaimbestigahan ko na iyon ngayon pero nagpaabot na rin ako ng tulong.” 

Napangiti naman si Danelle, “I knew it. You can never do those things, Dad.”

“Syempre naman, kaya nga mahal na mahal ko iyan eh, kahit na wala na siyang oras sakin, okay lang.” parang nagpaparinig naman na sabi ng kanyang ina.

Natawa ang Presidente ngunit agad ding iyon nawala dahil kay Shawn.

“Hindi kaya, Tito may sumisira sa inyo sa loob?” 

“Hindi iyan nawawala sa isip ko kaya kailangan kong mas maging maingat. Mahihirapan kami kung nasa loob lang ang kalaban at hindi namin alam kung sino iyon.”

“Hmm? Pwede naman kayo Tito na humingi ng tulong, mukhang may kaibigan itong si Danelle na sundalo. Kanina nga ay pumunta iyon sa—

Pinasakan agad ni Danelle ng lettuce ang bibig ng lalaki. Salubong ang kilay na tiningnan siya nito pati na ang kanyang mga magulang ay nagtaka sa kanyang ikinilos.

“Sundalo? Anong pangalan?” tanong ng kanyang ama

Ngumuya naman ng ngumuya si Shawn saka ito uminom ng tubig.

“Dad—

Naputol ang sasabihin ni Danelle nang sumingit na ang kanyang pinsan.

“P-Piron? Pi—

“Captain Pion Pzarova, ba?” 

Sunod-sunod ang pagtango ni Shawn sa kanyang Tito Dencil. Iyon nga ang sabi sa kanya ni Xia nang tanungin niya ito kanina.

“Tama, Tito. Pion Pzarova nga pero hindi ko alam na Kapitan pala siya ng mga sundalo.”

Dumako ang tingin ng kanyang ama at ina sa kanya. Malalim ang paghinga ni Danelle bago siya tuluyang nagsalita.

“He went there to check the site, if it’s already safe for us to construct. That’s all, Dad.”

Sinipa niya sa ilalim ng mesa ang pinsan at mula sa gilid ng kanyang mata, nakita niya ang pagngiwi ng pinsan. Natapos silang kumain, tinungo ni Danelle ang kanyang kwarto. Balak na sana niyang isarado ang malaking salamin sa veranda niya ngunit naisip muna niyang magmuni-muni. Nilasap niya ang hangin doon habang nakahawak sa railings nito. Malamig ang hangin at madilim na sa labas kaya naman napakasarap na mapag isa doon, maliban sa tahimik, nakakarelax pa ito ng isip. 

Hindi sinasadyang dumako sa kanyang isipan ang naging usapan nila ng lalaki kanina. Hindi niya alam kung seryoso nga ba talaga ito pero kung babalikan niya ang pangyayari kanina, walang halong biro ang mga binibitawang salita ni Pion. Natatakot siyang totohanin nito ang sinabi sapagkat higit sa lahat, hindi pa siya handa sa anumang seryosong relasyon. Naisip niyang pwede naman munang maging magkasintahan sila kaysa sa asawa agad. Subalit mabilis niyang iniling ang ulo nang mapagtanto kung ano ang kanyang mga pinag-iisip.

Wala naman siguro siyang gusto sa lalaki para hilingin na maging magkasintahan na muna sila.

Muling hinarap ni Danelle ang kwarto niya at sa oras din na iyon may kumatok sa kanyang pinto. Tinahak niya ang daan patungo sa pintuan at nang mabuksan niya iyon, bumungad sa kanya ang pinsang si Shawn. Napataas ang kilay niya nang makitang may dala itong wine.

“Let’s have a drink.”

Pumasok ito sa kanyang kwarto saka nagtuloy-tuloy sa veranda kung saan may maliit na lamesang pabilog at dalawang upuan na sakto lamang sa kanila. May dala na rin itong champagne glass kaya labis ang pagtataka ni Danelle na animoy handang-handa ito sa pakikipag-inuman sa kanya gayong kanina lamang hindi siya nito pinapansin.

“Anong meron?” tanong niya

“Wala naman. Just talks and all. Bakit? Bawal na bang makipag bonding sayo? Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sakin.”

Tinikom ni Danelle ang bibig niya saka naupo sa kaharap nitong upuan. Binuksan ni Shawn ang bote at agad naman siya nitong nilagyan ng maiinom sa kanyang baso.

“Anong nangyari kanina sa site?” panimulang tanong ni Danelle.

Uminom muna si Shawn bago ito nagsalita, “This wine is freaking good. Hmm? Sa site? Wala naman. Tiningnan lang ako ng mga babae doon. Tinanong pa nga ako kung kailan daw magbubukas ang restaurant dahil excited na silang maging customer ko.” nakangiting wika nito

“Customer mo? Mukha bang sayo ang pinapagawa kong restaurant?” 

Tumawa si Shawn, nagbibiro lamang siya ngunit hindi magawang ngumiti ng kanyang pinsan.

“Why? You’re not there and you told me you don’t want to go there and in exchange of that I should be the one to monitor the construction of your restaurant. Why don’t you just give it to me?” 

Nakangisi ito sa kanya habang siya naman ay muling nagsalin sa baso at ininom iyon. 

“Bakit ko naman iyon ibibigay sa'yo? No way.” 

Ang mga mata ni Danelle ay dumako sa kanyang baso na may laman pang wine. Bigla siyang napahawak sa ulo.

“Damn it. Bakit ang tapang ng wine na kinuha mo? Nakakatatlong shot pa lang ako tapos nakakaramdam na ako ng hilo? Impossible.”

Mas lalong lumawak lamang ang ngisi ni Shawn nang makitang unti-unti ng nalalasing ang pinsan. Mukhang magtatagumpay siya sa plano. Hindi siya pumunta doon para lamang makipag inuman dahil kung inuman lang naman ay kayang-kaya niya iyong gawing mag-isa o kaya naman ay pwede siyang pumunta sa isang bar. Subalit may pakay siya sa babaeng pinsan at ngayong gabing ito ay ipinako niya sa sariling hindi siya lalabas doon ng hindi nalalaman ang totoo mula sa babae.

“You’re dead, cous.”

Tinaasan na naman siya ni Danelle ng kilay. Namumungay na ang mga mata nito na nakatingin sa kanya at ilang sandali pa lamang ay tumawa ito sa kanya.

“Gago. Crush mo si Xia 'no?” 

Napangiti ang lalaki. Well, maganda ang kanyang pinsan ngunit wala siyang pagtingin dito lalo na’t higit, may iniwan siya sa New York.

“Nope.”

Umayos ng upo si Shawn. Ipinatong niya ang mga kamay sa mesa habang hawak nito ang baso na nilalaro ang wine sa loob. 

“Sinundan ka ni Pion kanina, right?” tanong niya rito.

Sandaling natigilan si Danelle. Maya’t maya lang ay mahina itong natawa.

“Ano ka? Manghuhula? Sinundan niya ako kanina tapos pumunta kami sa malaking building tapos binigay niya ang susi ko sa pesteng lalaking iyon. Shawn!”

Umangat sa upuan si Danelle saka hinawakan ang kamay ng pinsan. Nagulat ang lalaki kaya hindi agad siya nakabawi.

“W-what?” 

“Yung kotse ko! Kinuha niya kotse ko! Kunin mo sa kanya, please?”

Ibinalik niya sa pagkakaupo ang pinsan. When his cousin is drunk, she becames honest. Lahat ng nararamdaman nito'y sinasabi ng babae kahit na hindi kilala ang kausap kaya’t delikadong maglasing ito mag-isa. 

“Oo, oo. Kukunin ko pero kailangan mo munang sagutin ang mga tanong ko.”

Tumango-tango sa kanya ang babae na parang bata. Ang mga labi nito'y mahabang nakalinya.

“Is Pion your boyfriend?”

Umiling si Danelle, “Hindi. Pero inaya niya akong magpakasal—

Bigla na lamang na nabilaukan si Shawn ng iniinom niya. He coughed hard and he felt his eyes watering.

Bullshit.

What was that? Danelle came to tap his back but then it became more of a hit. She was tapping his back, hard.

“Tahan na!” 

Masama ang tingin niya rito. Kung hindi lang ito lasing marahil nabatukan niya na ito. Parang matatanggal na ang mga baga niya sa pagkakapalo ng pinsan.

“Enough, Dany.” Pigil niya rito. Bumalik naman ang babae sa kinauupuan.

“What were you saying again? Inaya ka ng sundalong iyon magpakasal? Bakit?” 

Tumawa ng tumawa si Danelle saka tumayo na naman ito. Muntik pa itong matumba ngunit nakahawak ito sa mesa. Lumapit siya kay Shawn para bumulong.

“May nang-ya-ri samin!”

Nailayo ni Shawn ang tenga sa pinsan. Hindi naman bulong ang ginawa nito ngunit isang sigaw. Subalit ang mas nagpagulat sa kanya'y ang ipinagtapat nito. 

He was completely dumbfounded with his cousin's confession.

“No way.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status