Share

CHAPTER 13

Author: jicigi
last update publish date: 2020-09-02 14:50:56

Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina. 

Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas. 

Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has no courage going onto the site because of the possibility that they’ll run ito each other. 

“Bakit tulala ka riyan?” 

Napaangat ng tingin si Danelle sa lalaking nasa refrigerator nakasandal habang umiinom ng tubig.

“Huh? H-hindi naman ah.” Pagtanggi niya

Umiling-iling sa kanya ang lalaki habang pumunta sa kaharap niyang mesa at doon naupo sa kabila. Nakakaloko naman siya nitong tiningnan kaya masamang tingin din ang ipinukol ni Danelle dito.

“Lalaki ba ‘yan?”

Napairap si Danelle saka napabitaw sa kanyang kutsara at uminom ng tubig. 

“Wala nga, Shawn.” Sagot niya sa pinsang kinukulit na naman siya. Kasama nila itong umuwi galing New York at sa kanila ito tumuloy dahil wala itong bahay sa Pilipinas.

Si Shawn ay pinsan niya sa mother side at sa New York ito naninirahan. Napili nitong magbakasyon sa bansa na agad namang pumayag siya dahil sa kanyang balak.

“Sumama ka sakin bukas sa site. Gusto kong tingnan mo ang pinapagawa kong restaurant. ‘Di ba maalam ka sa construction site? Can you look at it for me? Please?” Danelle with her puppy eyes

“Stop doing it. Ang panget mo.” 

Napanguso siya dahil sa sinabi ng pinsan. Kahit na naninirahan ito sa New York ay marunong pa rin itong mag Tagalog dahil noong mga nakaraang taon pabalik balik ito sa Pilipinas at nanirahan din sa kanila ng matagal. Dito rin si Shawn nag high school sa Pilipinas kaya magkasundong magkasundo silang magpinsan.

“Sige na kasi. Palalayasin kita dito!”

“Go.” Tumatawang sabi ng kanyang pinsan habang papaalis ito.

“Shawn!” 

“Xia, my gorgeous friend. How’s my restaurant doing?” alanganin ang mga ngiti na binibigay ni Danelle sa kaibigan. Nasa isang restaurant sila ngayon, madilim na sa labas kaya inaya niyang magdinner ang kaibigan.

“Pinagiba ko na ang restaurant mo.” 

Nawala ang ngiti ni Danelle, “You’re kidding, right?” 

“Mukha ba akong nagbibiro?” Xia

“Xia!” bahagyang napasigaw si Danelle kaya napatingin sa kanila ang ilan ding kumakain doon.

“Of course, I’m kidding! Peste kang babae ka, ilang linggo ka nawala sabi mo dalawa lang tapos mag-aapat na pala? By the way, dumaan si Pion noon sa site at parang hinahanap ka niya and then ilang araw lang ang nagdaan, pauwi na ako nung mga six dahil nag'over time ang mga nagtatrabaho—”

“Over time? Kakasimula pa lang may pa over time na sila?”

Napairap si Xia sa kaibigan.

“Pwede bang patapusin mo muna ako? At tsaka hindi ko alam kina Engineer kung bakit sila nagpaover time, ang sabi lang niya may kailangan silang matapos dahil baka tumigas na daw iyong semento, basta ganon. Wala akong alam sa construcrtion, babae kaya ‘wag akong tinatanong mo tungkol diyan.”

“Fine. Then what about it? What happened that day?” 

“Iyon na nga, may dumaang mga sa helicopters at hula ko lang may sakay iyong mga sundalo. Well, I’m just saying na baka kasama doon si Pion dahil baka may misyon sila o ano.”

Pasimpleng tumikhim si Danelle.

“P-paano mo nalaman ang pangalan niya?” 

“Narinig ko kasing tinawag siya ng isang sundalo kaya nalaman ko. Amazing, right?” parang kinikilig pa na wika ni Xia

“Ito na nga pala ang bag tsaka yung sapatos mo.” 

Danelle handed two paper bags to the woman. Xia is surprised and she immediately went to hug her friend. 

“Oh my gosh! Danelle. You’re fantastic.”

“Dany.”

Tumigil lamang sila dahil sa isang tawag na nanggagaling sa likod ni Xia. Pareho silang napatingin doon habang si Xia ay bahagyang umawang ang bibig.

“Tito, told me to follow you and I got tired of driving, you should treat me something delicious.” ani nito na pinausog pa ang pinsan upang maupo sa tabi nito.

“Hi.” Bati ni Shawn sa babaeng kaharap na si Xia.

“Hi.” Xia 

“At bakit kita ililibre?” pagsusungit ni Danelle

“Because you made a favour to me and I won’t do it unless you’ll pay for my foods while I’m here in the Philippines. If you don’t like it then I might as well go back to New York. What about it?” Shawn asked facing his cousin.

“Are you blackmailing me?” 

“No, its just conditions.” Shawn smiled as his cousin rolled her eyes on him.

“Fine. Basta kailangan mo ng magsimula bukas at may ipapadagdag pa pala ako sa'yong bagong project pero hindi ko muna sasabihin ngayon kung ano iyon.” 

Humaba ng humaba ang kanilang usapan at nagkilala din sina Shawn at Xia. Kinaumagahan pumunta silang tatlo sa site at naroon na arkitek at engineer na abala sa mga trabaho nito. 

“Pwede ka na ba naming iwan, Shawn?” tanong ni Danelle na nagpalingon sa kanyang pinsan.

“Ano? Bakit mo ako iiwan dito? This is my first time here, Dany and I don’t have any idea about your plans here. Plus this is your business, you should always be here.” Litanya ni Shawn

“But you promised me!” 

“Yes, I promised to help you but not to manage whole of your business. Huwag ka ng makipagtalo dahil uuwi talaga ako ng New York kapag nagpumilit ka.”

“Pero ayaw ko pumunta rito!” 

Huli na ng mapagtanto ni Danelle ang kanyang sinabi. Hindi niya dapat sinabi iyon at ngayon ay hindi niya alam kung anong sasabihin sa dalawang nakakunot ng noo na nakatingin sa kanya.

“A-ano… Kasi a-ano—

“Bakit ka nagpatayo ng negosyo dito kung ayaw mong pumunta dito? Are you crazy, cous?” Shawn

“Bakit ayaw mong pumunta?” Xia

Napabuntong hininga si Danelle.

“Hindi naman sa ayaw kong pumunta kas—

Hindi natuloy si Danelle ng bigla na lamang siyang akbayan ng pinsan at naglakad papalapit sa may pinagtatrabahuhan. Nasa lilim sila ng isang malaking puno at hindi rin kalayuan niyon ay ang daanan na ng mga sasakyan at sa kabilang kalsada ay iba ring mga establisyemento.

“Alam mo Dany, pwede mo namang sabihin sa'min kung may natitipuhan ka kay arkitek at engineer. Gwapo naman sila tsa—aray!”

Napangiwi si Shawn ng kurutin siya ng pinsan kaya bahagya siyang napalayo rito.

“Wala—

“Danelle!”

Napukaw siya dahil sa malakas na tawag sa kanya ng kaibigan na si Xia. Nilingon niya ito at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya. 

Sa likod ng babae ay ang taong hindi niya ninais na makita sa lugar na iyon. Nawalan siya ng sasabihin at agad niyang iniwas ang kanyang mga mata. Matatalim ang tingin sa kanya ng lalaki na para bang sinusuri siya at ang kasamang lalaki na siyang pinsan niya. 

Nakasandal si Pion sa kanyang sasakyan habang magkalandas ang mga kamay sa dibdib nito. Napangisi siya nang makitang pasimpleng iniharang ni Danelle ang kamay nito sa mukha na animoy kinakamot ang gilid ng noo. Nagtama naman ang tingin nila ng katabing lalaki nito na may sinabi sa babae.

“Hindi. Hindi ako ang hinahanap niya. May pupuntahan pa pala ako, Shawn, maiwan na kita.”

Hindi na hinintay ni Danelle na sumagot ang pinsan. Nang madaanan niya rin si Xia ay tinapik niya rin ito.

“Samahan mo muna si Shawn, babalik nalang ako mamaya.” Saka siya nagtuloy-tuloy patungo sa kanyang kotse. 

Nahihiwagaan naman si Xia sa kaibigan. Kakaalis lamang nito at nang lingunin naman niya si Pion ay paalis na rin ito. Pumasok ang lalaki sa kanyang sasakyan saka pinasibad ang kotse nito at napakunot na naman ang noo ni Xia nang ang direksyong tinatahak nito ay ang iniwan ding landas ng kanyang kaibigan.

Habang nagmamaneho, napabuntong-hininga si Danelle. Nagpapasalamat siyang nakaalis sa lugar na iyon nang hindi sila nag-uusap ng lalaki. She turned on her stereo to listen music but she immediately stepped on the brake when a car blocked her way.

Bahagya siyang nasubsob dahil hindi niya iyon inaasahan bagamat nakaseatbelt siya. Inangat niya ang kanyang ulo at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita kung sino ang lalaking bumaba sa sasakyan. May kausap ito sa cell phone habang tinatahak ang daan patungo sa kanyang kotse.

Ilang saglit lamang ang itinagal nang maramdaman niya ang pagbukas ng kanyang sasakyan. Umangat ang tingin niya sa lalaking kapwa nakabuka ang mga braso. Ang kaliwa nitong kamay ay hawak ang nakabukas na pintuan ng kanyang sasakyan habang ang isa nama'y sa kasalungat na direksyon nito.

“W-what are you doing?”

Tumingala si Pion upang makita ang tirik na tirik na sikat ng araw. Muling bumaba ang mga mata niya sa babae saka niya tinanggal ang kanyang aviator glasses.

“Move, I’ll drive the car.” 

“Hindi.” Matigas na wika ni Danelle.

Akmang babawiin niya ang pagkakahawak ni Pion sa pintuan niya subalit hindi siya nagtagumpay nang lumapit ng lumapit sa kanya ang lalaki. Sa gilid ng kanyang mga mata'y nakita din niya ang pag-alis sa isang kamay nito at dumako iyon sa ibaba sa kanyang gilid.

Labis-labis ang kabang nadarama ni Danelle ng mga oras na iyon kaya napapikit na lamang siya. Hanggang sa marinig niya ang isang mahinang tunog ng pagkakaalis ng kanyang seatbelt. 

“Move.” 

Bababa sana si Danelle ngunit naharang naman siya ni Pion. Tiningnan niya ito ng masama.

“Lilipat lang ako sa likod.” 

“Sinong nagsabing mauupo ka doon?” Pion

Napayuko si Danelle at napapikit ng mariin bago siya sumulong papunta sa katabi nitong upuan. Agad na pumasok si Pion sa sasakyan at siya ang nagmaneho niyon. Walang alam ang babaeng si Danelle kung saan sila tutungo ngunit isa lamang ang sigurado niya, kanina pa siya kinakabahan lalo na sa mga maaari nitong sabihin o ikilos.

Tumigil ang sasakyan ni Pion sa tapat ng isang mataas na building. Bumaba naman si Danelle at nanlaki ang mga mata niya ng ihagis ni Pion ang susi ng kanyang kotse sa lalaking dumating na nakasuit. Bahagya pa siyang nagtaka dahil parang pamilyar sa kanya ang lalaking iyon. Umalis ang lalaki at pumaroon ito sa kanyang sasakyan kaya muling bumalik ang atensyon ni Danelle kay Pion.

“Bakit mo binigay sa kanya ang susi ng kotse ko?”

“Siya na ang gagarahe ng kotse mo. Let’s go.” 

“What?! No. I’m going home.” she stubbornly said

“Okay. Get it.” bahagyang nilingon ni Pion ang kotseng paalis na saka siya nagtuloy-tuloy ng lakad. 

Walang nagawa si Danelle kundi sundan ang lalaki. Pumasok sila sa building, nasa lobby palang sila nang mapansin ang ilang pagsaludo ng mga empleyado sa kanya, mapalalaki man ito o babae. 

“Ano bang ginagawa ko rito?” 

“We’re just going to eat and I think we have something to talk to.”

Nakarating sila sa elevator at mukha ngang minamalas si Danelle dahil sila lamang dalawa ang naroon kaya’t ilang na ilang siya. 

“Kakain lang tayo, walang pag-uusapan.” Masungit na saad niya.

Bahagya pa siyang napalingon sa lalaki nang marinig ang mahina nitong pagtawa. Mula sa gilid ay kitang-kita ni Danelle ang pagkaadonis ng mukha ng lalaki. Matangos ang ilong nito at ang mga labi ay namumula na agad niyang iniwasan ng tingin. Makakapal din ang kilay at malaya niya ring napagmamasdan ang arko ng mga pilik mata nito. Tinutubuan na rin ito ng balbas na kung sa tingin niya’y hahawakan na ay medyo matalim na iyon sa kamay. Bumalik sa diretso ang kanyang tingin nang lumingon sa kanya ang lalaki.

“Really?” 

Hindi sumagot si Danelle sa nanunuyang tanong na iyon ni Pion. Nauna pa siyang lumabas sa lalaki ng bumukas ang elevator ngunit hindi pa siya naglakad sapagkat hindi naman niya alam kung saan sila tutungo. Hanggang sa lumabas din si Pion at nauna sa kanyang maglakad. 

Sa dulo ng palapag ay nadako sila, tumapat sila sa isang pintuan. May inangat doon si Pion saka siya nagtipa ng passcode sa kanyang unit bago bumukas ang pinto. Tahimik silang pumasok sa loob pati na si Danelle na nililibot ang paningin sa buong bahay.

Nawala sa kanyang paningin ang lalaki ngunit ilang saglit lamang ay nakita niyang pababa na ito sa hagdan suot ang kulay light brown na T-shirt nito, ang damit na iyon ay isa ang pang-ilalim nilang kasuotan sa damit pansundalo at inaakap niyon ang maskuladong katawan ng lalaki. Ipinilig ni Danelle ang kanyang ulo upang iwasan ang pag-iisip ng kung ano ano.

“You can wait here while I cook in the kitchen.” Saad ni Pion

“Teka! Marunong ka magluto?” pigil ni Danelle dito

“Magpepresenta ba ako kung hindi?” saka umalis ang lalaki

Agad na umiba ang anyo ni Danelle. Gumalaw-galaw pa ang kanyang labi na parang pinanggigigilan ang lalaki. Dahil nasa tapat siya ng unan, mabilis niyang kinuha ang unan doon saka itinapon sa inalisang pwesto ng lalaki.

“Bwisit.”

Wala sa sariling sumunod si Danelle sa kusina dahil nababagot lamang siya sa kakahintay doon. Natagpuan niya ang lalaking nagslice ng gulay.

Ang gwapo niya kahit naka'apron.

“Pwede ba akong tumulong?” pagpepresenta niya

Umangat ang tingin sa kanya ng lalaki, “Marunong ka?”

Napairap naman si Danelle, “Magtatayo ba ako ng restaurant kung hindi ako marunong magluto?”

Natawa na naman si Pion at natigilan doon si Danelle. Napapansin niyang para kanina pa itong natatawa sa kanya. Lumapit na lamang siya sa lalaki upang tulungan ito at naatasan siya ni Pion na maghiwa ng sibuyas.

“Yes, Commander.” Danelle said as she saluted to the man. 

Hinarap ni Danelle ang lamesa upang makapagsimula na ngunit nasa gilid pa rin niya ang lalaking si Pion. Batid niyang nakatingin ito sa kanya kaya medyo nailang siya. Subalit agad na may pumasok sa kanyang isipan na talaga namang lihim na nagpangisi sa kanya.

Humanda ka.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status