Share

CHAPTER 17

Author: jicigi
last update publish date: 2020-10-22 22:52:45

“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”

Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.

“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!” 

Napayuko ang lalaki. 

“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.” 

“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki

“Nasaan si Yllona?” tanong nito

“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.” 

Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.

“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

“Mabuti naman naisip mo iyon. Hindi na tayo kailangang pumalpak, sa ngayon mag lie low muna ang lahat. Masyado tayong nagiging mainit sa mga militar.”

“Masusunod, Senyor.”

“How about that money? We need to buy more armors and we need more people.” dagdag pa nito na tanong 

“Nasa vault ang limang bilyong piso at kung bibigyan ninyo ako ng permiso, ako na ang bibili ng mga sandatang gagamitin dahil sa ating lahat, ako ang may mas bukod na alam.”

Tiningnan lamang siya ng matanda. Hindi nagtagal ay tumango tango ito kaya napangisi ang lalaki.

Bihis na bihis si Danelle at ngayon ay kasama niya sa kotse ang kaibigan si Xia. Ang pinsan naman niyang si Shawn ang nagbantay sa site kaya’t nagpapasalamat talaga siyang nasa Pilipinas ito. 

“At anong gagawin mo pagdating mo doon?” tanong sa kanya ni Xia na nagpalingon sa kanya.

Ano nga ba ang gagawin niya kung makarating man siya sa kampo? Hindi nga siya nakahanda ng sasabihin at hindi dapat na tumanganga lamang siya pagdating sa lugar. She won’t waste time. She badly needs to talk to that man.

“I don’t know. What I know is I have to get there.” tanging sagot niya

Ilang saglit pa ng pagmamaneho ay nakarating sila sa kampo ng mga sundalo. Hindi agad sila nito pinagbuksan ng gate kaya sinabi ni Danelle kung sino siya. Paunti-unti na rin siyang nakikilala ng ilan sa mga ito dahil madalas na siyang magawi sa kampo.

“Hinahanap ko si Pion Pzarova.”

“Wala po siya, Ma’am. On leave si Captain Pzarova.”

Hindi agad nakasagot si Danelle. Tila nawala ang lahat ng lakas niya matapos marinig iyon sa sundalo.

“S-sige, salamat.” Hindi na siya nagpumilit pa. Nilisan nila ang lugar at wala siyang imik habang nasa sasakyan. Napansin naman ni Xia ang pananahimik nito kaya tumikhim siya ngunit wala pa rin, hindi siya tiningnan ng kaibigan.

“May alam ka bang lugar kung saan siya pumupunta? O kaya naman address lang niya?” 

Sa puntong din iyon, niliko ni Danelle ang kanyang sasakyan. Ang building na iyon, doon siya unang dinala ng lalaki at isa iyong condo unit. Nang umagang magising siya sa pangyayari, tiningala niya iyon at nalaman ang pangalan ng building. Subalit isa ang kanyang pinoproblema.

“Hindi po talaga kami pwedeng magsabi ng mga personal na impormasyon. Pasensya na, Ma’am.”

“What’s wrong about it? Wala naman akong gagawing masama.” Nasa reception area si Danelle at nakikipagkulitan siya sa bantay dahil ayaw sa kanyang sabihin ng babae kung anong palapag ang unit ng hinahanap niyang tao.

“Still Ma’am, we have to follow rules. If you want Ma’am you can call Mr. Pzarova, besides he’s not in his condo almost a week now.”

Bahagyang umawang pa ang mga labi ni Danelle. Nakaleave ang lalaki sa army at wala ito sa kampo. Ngayon naman ay nalaman niyang wala ito sa condo, kung ganoon nasaan ang lalaki?

“Bakit ngayon mo lang sinabi?!” 

Naiirita si Danelle. Wala naman pala siyang mapapala sa pagpipilit dito dahil wala naman doon ang pakay niya. Nahihiya naman siyang tumawag dito at gusto rin niyang sabihin sa personal ang mga nais niyang sabihin kaya’t hindi niya ito tinatawagan pero ngayon ay parang mapipilitan siya. Hindi pa rin si Danelle umaalis sa harap ng reception area, tinatawagan niya ang numero nito ngunit palaging out of reach ang naririnig niya.

“Naka off po pala ang cell phone ni Sir, Pion. Sorry, Ma’am.”

Ang inis ni Danelle ay mas lalo lamang na nadagdagan kaya nilingon niya ang babae.

“Sino ka ba sa buhay niya? Ang dami mong alam.” 

Natikom ng babae ang kanyang bibig saka bahagyang yumuko. Ngunit hindi rin nagtagal ay muli niyang tiningnan ang babaeng mainit na ang ulo kanina pa.

“Sinabi niya po sa amin na mag'leave siya sa trabaho ng pansamantala at sa mga ganoong oras ay sinasarado ni Sir Pion ang cell phone niya.”

Tumahimik si Danelle saka kinalma ang sarili. Mapakla siyang napangiti.

“Okay, thank you for your time and I’m sorry about my behaviour earlier.” Paalam niya sa babae. Hindi na niya hinintay pa na makasagot ito. Nagsimula na siyang maglakad papalayo at hindi niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng galit.

Halos lahat ng taong pagtanungan niya ay alam ang gawain ng lalaki. Alam nilang nasa bakasyon ito at alam din nilang naka-off ang cell phone nito sa tuwing wala sa trabaho, ngunit siya… wala siyang alam at nakakagalit iyon sa kanya.

Mainit ang ulo niyang pumasok sa kotse kung nasaan ang kaibigan niyang naghihintay. 

“He’s really annoying. Hindi ko siya mahanap at parang ayaw din niya magpahanap.” Sambit niya

Nagtaka naman si Xia, “Bakit parang galit na galit ka? Makikita rin natin siya pagkagaling niya sa bakasyon.”

Nilingon ni Danelle ang kaibigan, “Iyon na nga eh! Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako, naiinis ako dahil wala akong alam sa kanya samantalang ang mga taong pinuntahan natin halos alam lahat.” Asik niya

Kinipot ni Xia ang bibig upang pigilan ang pagngiti subalit nahalata naman iyon ng babae.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko?”

“Wala naman. Nakikita ko lang na in love na ulit ang isang Danelle Greogo. Great news.” Nakapanunuyang ngiti at sabi nito.

Umiwas si Danelle ng tingin sa kaibigan. Kahit kailan talaga ay wala siyang takas kay Xia. Sabagay, matagal na silang magkaibigan kaya hindi na siya magtataka kung kilalang kilala na siya nito.

“Magkaiba ang galit sa in love and obviously right now, I’m freaking mad, not in love.”

“And why would you be freaking mad if you’re not in love?” Xia

Tiningnan niya ng masama ang kaibigan, “Dahil nagmumukha na akong tanga kakahanap habang walang alam sa kanya.”

“Eh bakit ako? Wala din naman akong alam sa kanya at kasabay mo naman akong hinahanap siya, bakit hindi ako nagagalit?” Xia

Hindi nakasagot si Danelle. Hindi bumuka ang kanyang bibig dahil wala siyang naisip na sasabihin dito. She was caught off guard that annoyed her even more.

“Shut up, Xia. I may possibly like him but I’m not in love with that man.”

“Doon din ang patungo niyon. No need to deny it, Danelle my friend. Hindi ko naman ipagkakalat eh, kaya okay lang din kung sasabihin mo na sakin ngayon.”

“Ewan ko sayo, magmaneho kana, pagod na ako. I’m going to sleep.” Saka sumandal si Danelle sa may bintana ng kanyang sasakyan. Ipinikit niya ang mga mata niya at hindi na nag-abalang imulat pa ito kahit na muli siyang kinausap ng kaibigan.

“Hindi mo na siya hahanapin?”

“No.” maikling sagot niya rito.

Bigong umuwi si Danelle. Itinapon niya ang bag sa kama at isinunod naman niya ang sarili. Sandali siyang nahiga doon habang ang mga paa ay nakalaylay sa ibaba ng kama. Malapit ng mag-alas onse at nangako siya sa pinsan na dadalhan ito ng pananghalian sa trabaho bilang kapalit ng pagbabantay doon sa negosyong pinapatayo niya. Tinatamad man siyang kumilos, kinailangan niyang pumunta sa kusina upang maghain ng makakain. 

Siya lang mag-isa sa bahay bukod sa mga kasambahay dahil ang ina niya ay nasa isang Fashion School dahil naimbetahan itong maging hurado sa isang patimpalak samantalang ang ama naman niya ay muling nasa trabaho at palaging abala. Nagluto lamang siya ng sinigang at liempo saka iyon inilagay sa baunan na patong patong kasama na ang kanin. Dinamihan na niya ang luto upang dalhan ang arkitek at engineer niya. Sandali siyang umakyat sa kwarto upang kunin ang kanyang bag sapagkat naroon din ang susi ng kanyang susi.

“Another drive. Argh!”

Tinungo ni Danelle ang site, hindi na rin niya kasama ang kaibigang si Xia dahil may sarili din itong lakad ngayong kinahapunan. Matapos ang isang mahaba-habang pagmamaneho, nakarating si Danelle doon at nakita niya ang mga ito sa lilim ng isang malaking puno. Bumaba siya sa sasakyan at tuwang tuwa naman siyang tiningnan ng pinsan.

“Here’s your food, sinabay ko na riyan sina arkitek kaya bigyan mo sila niyan. Huwag kang makasarili riyan.” Aniya sa pinsan

“I’m not selfish.”

Tumawa naman silang tatlo. Natanaw din ni Danelle ang kanyang mga trabahor na nagsisikain na at nanghihinayang siya dahil hindi rin niya nagawan ang mga ito ng makakain. Kulang ang dala niya upang pagsaluhan ng maraming trabahador na iyon. Ngunit bigla na lamang siyang napangiti nang may pumasok sa kanyang isipan.

“Ano na naman ‘yan? Lalaki ba? Kumain ka muna dito bago ka dyan magpantasya sa mga trabahador.”

Inis na napanguso si Danelle sa pinsan, “Hindi ako nagpapantasya tsaka hinatid ko lang naman iyan dito. Uuwi rin ako dahil sa bahay na ako kakain.”  

“Salamat.” Sabi ni Krux, ang kanyang arkitek

“Thanks. Dapat ka nga talagang magtayo ng restaurant. You cook well.” Puri naman sa kanya ng engineer na si Leon

“Your welcome.” Nakangiting balik naman ni Danelle. 

“Aalis na ako, eat well.” Muling paalam niya at nakita niya ang pagtayo ng pinsan.

“Bakit?” tanong niya rito

“Ihahatid lang kita sa sasakyan.” 

Tinaasan niya naman ito ng kilay. Hindi pa rin siya nakakabawi sa labis na inis na naramdaman niya kanina kaya mataray na mataray siya ngayon. Hangga’t maaari ay ayaw niya ring may kumausap sa kanya at mukha ngang mangyayari iyon sa oras na makauwi na siya ng bahay nila.

“Kaya ko na.” tumalikod si Danelle subalit muntik pa siyang matumba dahil sa nakikita.

Sa harap niya ay lalaking nakatayo. Paanong nakikita niya ito ngayon kung wala ito sa trabaho at hindi makontak nino man? O baka naman sa labis na paghahanap niya rito ay nagkakaroon na siya ng halusinasyon. Naramdaman na lamang ni Danelle na tinabihan na siya ng pinsan.

“Akala ko ba aalis ka na?” pabulong na tanong sa kanya nito. 

Tiningnan naman ni Danelle ang pinsan na nasa kanyang gilid at dahil matangkad ito sa kanya, bahagya siyang nakatingala.

“Gusto mo bang isuka lahat ng kinain mo?” isa iyong tanong ngunit isa rin iyong banta kay Shawn na nagsasabing manahimik siya pero hindi niya mapigilang matawa. Ginulo gulo pa ni Shawn ang buhok ng babae na mas ikinainis ni Danelle.

“Nasa harap mo na, papakawalan mo pa ba?” makahulugang tanong ni Shawn sa pinsan ngunit sa mababa pa ring boses nito.

Nanlalaki naman ang mata ni Danelle. Sa naging tanong ng iyon ng kanyang pinsan ay masasabi niyang alam nito na naghahanap siya kay Pion.

“Can I borrow her for a while?” 

Sa sasakyan… tahimik lamang si Danelle na pinapakiramdaman ang paligid. Hindi siya makaimik.

“Is he the reason why you’re refusing my offer?”

Sandaling natahimik si Danelle sa tanong ng lalaki. Kung tama siya ng hinuha, pinaghihinalaan ba nito ang pinsan niya bilang isang lalaki sa kanyang buhay na siyang nag-udyok sa desisyon niya. Hindi niya alam, ayaw sana niya pero hindi niya mapigilang matawa.

“May sinabi ba akong nakakatawa?” 

Natahimik siya dahil sa taglay na namang kasungitan ng lalaki.

“Shawn? Well, he’s special to me and he came back to New York with me and Mom, so—

“Tinatanong ko lang kung siya ang rason, wala ng iba.” 

Napatingin si Danelle sa kasama. Nagtataka siya kung bakit parang ang sungit nito ngayon gayong wala naman siyang ginagawa. Pero ano pa nga ba ang bago? Palagi namang masungit ang isang Pion Pzarova.

“Shawn is my cousin and he’s living in our house and he’s going to stay here for three months, I guess. I’m not sure. Siya ngayon ang pinababantay ko sa site. And obviously, he’s not the reason. Shawn even knew about it.”

Napalingon sa kanya ang lalaking nagmamaneho.

“I accidentally told him that something happened between us.”

“And that something is?”

Kunot noong napatingin si Danelle sa lalaki. Bakit kailangan niya pang tanungin iyon kung alam naman niya?

“Alam mo na iyon, hindi ko na kailangang sabihin pa.”

“But I want to hear it from you.” 

“Damn. Anong gusto mong sabihin ko? That you took my virginity away because I was drunk and you took advantage of me?”

Tumaas ang kilay niya nang makitang tumawa ang lalaki.

“I did not took advantage of you, you were wild and you said I am your husband and that…” sandaling tumigil si Pion at iyon din ang pagtigil ng sasakyan niya. Tiningnan niya ang babaeng nakatingin din sa kanya ngayon.

“Would you like me to elaborate how you kissed me that night?” 

Napakurap kurap si Danelle. Iniwas niya ang tingin sa lalaki at bahagyang hinawakan ang mukha na unti unting umiinit at batid niyang namumula siya sa mga oras na iyon.

“N-nasaan tayo?” pag iwas ni Danelle

“We’re in Batangas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status