Share

CHAPTER 15

Author: jicigi
last update publish date: 2020-10-22 22:51:26

“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”

“Cheers!”

“We will not forget you, Sr. General.”

Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.

“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”

Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.

Hindi niya maiwasang maalala ang pangyayaring iyon nang nakaraan. Hinding hindi niya iyon malilimutan at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang pumatay sa mga kanyang mga magulang, kaibigan at pati na sa batang iyon.

Alas diyes ng umaga natutulog siya sa loob ng isang maliit na barko na pagmamay ari ng kanilang pamilya. Doon sila magdiriwang ng kaarawan ng ama niya kasama ang pamilya, ilang tauhan nito, pati na ang kababata niya. Dahil lasing na lasing ng isang gabi noon si Pion ay napatanghali ang kanyang gising. Subalit pagmulat na pagmulat ng mata niya ay nakita niya ang amang nagmamadali siyang ginigising.

“Wake up, Pion!!”

Bumangon si Pion at laking pagtataka niya nang patuloy siyang tinutulak tulak ng ama hanggang sa makalabas sila ay gayon na lamang ang kanyang gulat ng bumagsak siya sa tubig.

Magtatanong sana siya sa ama ngunit ang isang ingay sa tenga ang nagpakabog ng labis sa kanyang dibdib. May paparating na helicopter at pinagbabaril nito ang kanilang barko.

“Dad!” sigaw ng sigaw si Pion dahil umalis ang kanyang ama samantalang siya ay nasa tubig at lumubog.

Pinaulanan ng bala ang barkong sinasakyan nila at kitang kita niya ang pagbagsak sa tubig ng mga patay na tauhan ng kanyang ama. Aahon sana siya nang maalala ang ina, ilang mga kaibigan niya at ang kababata nitong babae ngunit hindi niya nagawa dahil sa isang pagsabog.

Ayaw man ay pumilit na lumangoy papalayo si Pion subalit dahil sa pagsabog ay may nagsiliparang parte ng kanilang barko at mabilis siyang nawalan ng malay matapos matamaan nito sa ulo. Ilang oras ang lumipas, nagising na lamang siya sa isang kwarto.

“Captain, Pzarova?”

“Captain, Pzarova?”

Nagising ang diwa ni Pion dahil sa pagtawag sa pangalan niya.

“Sorry.” Hinging paumanhin niya.

“Dahil tulala ka, iisipin ba naming may bumabagabag sa iyo ngayon?” tanong ng kanyang Lieutenant General

Hawak pa rin ni Pion ang kanyang baso. Nakapatong naman ang dalawang siko niya sa kanyang tuhod. Nakaangat ang tingin niya sa mga ito pero bahagya din siyang napayuko at napatawa dahil sa naging katanungan sa kanya ng lalaki.

“May dapat na ba kaming makilala?” dagdag pa ng isa

Tumawa siya at umiling iling.

Dala ang dalawang bungkos ng bulaklak, inilapag niya iyon sa dalawang magkatabing lapida. Pinakatitigan niya ang mga iyon.

“I promise to catch those people who killed you. They should start counting their days on this land because I will not go easy on them.”

Ilang sandali pa siyang nagtagal doon hanggang sa mapatingala siya langit. Asul na asul ang kalangitan at kitang kita niya ang dalawang airjet na magkasunod na lumipad. Tumunog ang combat radio niya at kinuha niya iyon habang ang atensyon ay nasa kalangitan pa rin.

[“Captain, dalawang aerial vehicle ang dumaan at gusto ni General na malaman kung ano iyon.”]

Kilala niya ang boses ni Valkez. Nasa kampo ang mga ito samantalang siya ay nasa sementeryo. Sakto namang dinaanan siya na parang isang kurap lang ay nawala na ito sa kanyang paningin.

“What about the air force?” tanong niya

[“Sinundan na rin nila and they’re requesting for military escort. The Colonel wants you to be here, may helicopter ng naghihintay sa kampo.”]

Napabuntong hininga si Pion saka muling tumitig sa  mga lapidang iyon. Umalis si Pion sa lugar at mabilis na tinungo ang kanilang kampo. Sinalubong naman siya ng Colonel at sinaluduhan niya ito.

“Captain Pzarova, kailangan ninyong rumesponde sa South Port. Natanggap pa lang natin ang tawag mula sa General ng Air Force at may naitalang pagsabog ng isang barko doon. Kasalukuyan namang sinusundan ng kapitan nila ang dalawang hindi kilalang airjet.”

“Yes, Sir.”

“Maraming salamat.”

“Captain, may naghahanap po sa inyo. Ayaw niyang magpapigil kaya pinapasok na namin. Sinasabi niyang anak daw siya ng mahal na Presidente.”

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Pion. Hanggang sa dumako ang mga tingin niya sa babaeng hawak ng dalawang sundalo.

“Bitawan niyo siya.”

Sinunod naman siya ng mga ito saka siya nilapitan ng babae. Una ay nagulat siya sa pagbiglaang pagyakap nito ngunit unti unting umangat ang isa niyang kamay upang aluhin ito. Humihikbi ang babae habang ang mga sundalo sa paligid nila ay nakatingin sa kanila.

Kumalas sa yakap ang babae at kitang kita doon ang mga luhang lumalandas sa mga mata nito. Pinunas iyon ni Pion gamit ang kanyang hinlalaki kaya umani iyon ng bulong bulungan.

“What happened?”

“M-my… m-my father. I’ve watched the news on TV! That ship! My father is in there! You have to rescue him!”

Napalingon si Pion sa kanyang Colonel at kita niyang gulat din ito. Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung sino sino ang mga laman ng barkong iyon kaya’t laking gulat nila ng marinig iyon mula sa babae.

“How did you know about it?” muling tanong ni Pion kay Danelle.

“Kwinento sakin ni Dad! He wants to personally see the smuggled guns, he said.”

Kumunot naman ang noo ni Pion. Walang nakakarating sa kanya na ganoong balita. Marami siya ngayong katanungan sa isipan subalit hindi ito ang panahon ngayon lalo na’t kailangan nilang magmadali patungo sa lugar.

“Nasaan si Locsin?” tanong ni Pion

“Wala siya dito ngayon. On leave.” Sagot sa kanya ng isa nitong kasamahan

Nilingon naman ni Pion ang Throttler Rangers, “Second Lieutenant Garcia. I want you to take home, Danelle Greogo. Keep her safe.” Paalala ni Pion bago umalis.

Habang paakyat sa helicopter, inabot naman sa kanya ni Reyes ang baril na gagamitin niya. Nakafull gear na siya ngayon at ang baril na lamang niya ang kulang. Tinahak nila ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Seryoso ang mukha ni Pion, kanina lamang ay inaalala niya ang pangyayari noon subalit ngayon ay may naganap na naman at kapareho pa sa kanilang sinapit sampong taon na ang nakakalipas.

Narating nila ang lugar at dahil malawak ang lugar agad namang lumapag ang kanilang helicopter. May mga sundalo na doon nang dumating sila. Napatingin silang lahat sa itaas saka sila nagtago agad nang makita ang paparating na airjet. At hindi nga sila nagkamali dahil pinaulanan sila ng bala nito hanggang sa makalagpas. Sinundan din iyon ng isa pang airjet na nasa panghuli, at base sa kulay ng aerial vehicle, kabilang iyon sa Philippine Air Force. Tila may karera sa kalangitan and tatlong airjet dahil sa bilis ng lipad ng mga ito.

Hindi naman nagpatinag si Pion nagtuloy tuloy siya at mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang kita na niya ang umuusok na maliit na barko. May mga ambulansya na at sa kalsadang naroon ay nakahanay na ang mga labing nakuha mula sa pagsabog. Mabuti na lamang at hindi na sila pinaputukan ng dalawang eroplano.

Lumapit siya doon at isa isang binuksan hanggang sa may leeg. Tiningnan din niya ang Presidente kung kabilang ito sa mga sugatan ngunit hindi niya natagpuan ang matanda.

“Captain, wala na daw hong natitira sa barko. Nakuha na lahat ng patay at wala doon ang Presidente. May mga lumubog din sa dagat pero lumutang din ito hindi nagtagal. Bangkay na silang lahat.”

“He may possibly be missing. Search the whole area!” aniya

Hindi alam ni Pion kung bakit tila kinakabahan siya ngayong hindi pa nahahanap ang Presidente. Sa gitna ng kanilang operasyon bigla na lamang pumasok sa isipan niya ang babaeng si Danelle. Hanggang sa makuha ang atensyon nila galing sa isang malakas na pagsabog at iyon ay nagmumula sa itaas.

Nakatigil ang airjet ng Philippine Air Force na siyang nagpasabog sa nasa unahan nitong airjet at iyon ay ang sa kalaban. Bagamat nawala na ito, hindi naman nakita pa ang kasamahan na isa at hindi na bumalik pa. Nagsibagsakan sa tubig ang mga piraso ng sumabog na eroplano.

Umalis din kaagad ang eroplano ng Pilipinas ngunit hindi katulad kanina, mas binagalan na nito ang takbo. Sumaludo ang ilang sundalo na naroon sa ibaba kabilang na si Pion.

Humupa ang ingay at tanging narinig na lamang nila ay ang mga papalayong ambulansya at paparating na mga sasakyan. Pinagmasdan lamang ni Pion ang paligid hanggang sa lumapit sa kanya ang kanilang Colonel.

“Sir.” sumaludo siya rito

“Kadarating lang ng mensahe mula kay Lieutant General, nasa palasyo na ang Presidente at nasa maayos itong kalagayan.”

Waring nabunutan ng bara sa lalamunan ang lalaki. Ligtas ang Presidente at nasa palasyo na ito, wala na siyang dapat ipag-alala pa.

“Be ready, may naghihintay na sa ating helicopter sa unahan.” Ito na lamang ang sinabi ng kanilang Colonel bago nito nilisan ang kinaroroonan. Lumapit naman kay Pion ang kasamahan niyang si Marfil nang senyasan niya ito.

“Can you get a copy of the CCTV cameras around?”

“Yes, Captain.”

“Good. Ibigay mo agad sakin kapag may nakuha ka na. Salamat.”

Kagagaling lamang ni Pion sa kanilang headquarter. Napag-alamang nagmula ang dalawang aircraft vehicle mula sa Norte ngunit hindi pa nila tukoy kung anong uri o pangalan ng ginamit na airjet upang maghatid ng gulo. Hindi pa kasi sa kanila nakakaabot ang ulat galing sa heneral ng Philippine Air Force. Sa ngayon, may kailangan siyang puntahan.

Mula sa mahaba-habang byahe at matagal na pagmamaneho, narating niya ang bahay ng babae at kalalabas lamang niya ng sasakyan nang makita ang papalabas na kotse. Ang malaking gate naman ay bukas kaya iniharang na niya ang sarili doon, tumayo siya sa harap ng tumigil na kotse at gayon na lamang ang gulat ni Danelle nang makalabas ito sa sariling sasakyan.

“Saan ka pupunta?”

Hindi pinansin ni Danelle ang tanong niya, “Nasaan ang Dad ko? Is he safe? Is my father okay?”

“Your father is fine and he’s in the palace, he’s busy and he is highly guarded. Now answer my question, saan ka pupunta? Hindi ba’t sinabi ko sayong kung may kailangan kang malaman tawagan mo lang ako?”

Bigla na lamang tinawid ni Danelle ang kanilang distansya saka niyakap ang lalaki.

“Thank you for saving him.”

“I did not save your father. He just left the place and he was lucky because he was already out of that place.”

Sandali namang natahimik si Danelle hanggang sa muling magsalita si Pion.

“Pumasok kana sa loob, may kailangan pa akong puntahan.”

Tumalikod na si Pion at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang sasakyan pero agad din siyang natigil nang magsalita ang babae.

“A-about your o-offer… I.. I—

“I don’t want to hear your answer right now. Don’t be too pressured about it.”

Napansin ni Pion na bahagyang umiba ang timpla ng mukha ni Danelle. Para itong nagulat sa sinabi niya at nakaramdam ng hiya kaya naman nilapitan niya ito.

"This is not the right time but if you're ready, then tell me." His lips moved a corner

"H-hindi. W-wala pa akong sagot." Naiilang na sagot ni Danelle

"Sure?" Pion is trying to catch her eyes but she's moving too much. Then Danelle slowly pushed him.

"Umalis kana. May lakad ka pa 'di ba?" She tried to look at him

Pion is smiling and rolled his tounge inside his mouth, playing them. "Okay. I'll see you soon."

Danelle was left shocked when Pion kissed her forehead before leaving.

Umalis na si Pion at tinungo naman niya ang isa pang lugar na ninais niyang mapuntahan simula ng pangyayari kanina. May kailangan siyang makita saka makausap at iyon ay isang mahalagang bagay. Nagmaneho si Pion patungo sa Fort Ramos Headquarter, iyon naman ang para sa mga air force.

Among the three branches of the Armed Forces of the Philippines, it is the Air Force that has the vast and biggest headquarter. Considering that beside their headquarter, there is already a runway where jets and private airplanes can land as well as the wide parking lot wherein aerial vehicles are being parked.

Two military officers opened the gate for him but before he passed, he showed his identity first through a small identification card. The two, saluted at him and he continued passing by.

Napatingala si Pion nang makababa siya sa kanyang sasakyan. May mga lumilipad na namang eroplano ngunit paikot ikot lamang ito at tingin niya ay nasa isa itong training. Nagtuloy tuloy na lamang siya sa loob ng isang building at mayroon din doong reception area. Doon muna siya nagtungo upang magtanong.

“I’m looking for Captain Xodriga.” Maikli niyang sabi

Sandaling nakatingin sa kanya ang lalaki at nakita nito ang kanyang badge kaya naman sumaludo ito sa kanya.

“Yes, Sir.”

Kinuha nito ang telepono saka nag dial doon ng number. Ilang saglit pa lamang ay tiningnan siya nito.

“Sir, he needs your name.”

“Captain Pion Pzarova.” Sagot naman niya

Bumalik agad doon ang atensyon ng lalaki at hindi nagtagal ay ibinaba nito ang tawag.

“Captain, kung nais niyo daw po pumunta kayo sa training ground. Hindi siya makaalis sapagkat may ineensayo siyang grupo.”

Tumango tango naman si Pion, “Salamat.”

Sa bandang likod ng headquarter, tinungo ni Pion ang lugar. Hindi nga siya nagkamali kanina, mga nag-eensayo iyong lumilipad kanina. Sa kanyang paglalakad, ay nakita niya ang isang bultong nakatalikod, nakatingala sa langit, at nakapamaywang. Pinagmamasdan nito ang mga eroplanong paiikot ikot.

“Captain Xodriga.”

Nilingon siya ng lalaking nakabalack aviator sunglasses. The man is smiling at him while walking towards his direction and then they greeted each other, the usual men do.

“What can I help, Captain Pzarova?”

“Gusto ko lang malaman ang pangalan ng dalawang aerial vehicle na hinabol mo. I’m sure you have an information about that.”

Mahinang napatawa ang lalaking kaharap niya. Sanay na sanay pa rin ito sa pagiging prangka ni Pion. Walang paligoy ligoy kung magsalita.

“Iniimbestigahan mo pa rin ba ang nangyari noon?”

Hindi na nagulat pa si Pion nang banggitin iyon ng lalaki. Magkakilala na sila noon pa ngunit hindi lamang ganoon magkalapit. Dahil sa pangyayari ng nakaraan, nawala ang ilang kaibigan ni Pion at ang ibang nabuhay naman ay nasa ibang bansa ngayon. Samantala, ang kausap niya ngayon ay ang schoolmate lamang niya noong highschool.

“There’s no reason to stop investigating.”

Sandaling natahimik ang isang kapitan. Bahagya pa itong tumingala upang tingnan ang mga iniwan niyang nag eensayo. Tinuturuan niya ang mga ito sa pamamagitan ng radyong nakakonekta sa isa’t isa para madali ang kanyang pagtuturo.

“Two, Cessna 421 B.”

Muling nagtama ang kanilang paningin.

“If you need more help, just give me—ah! Fuck!”

Hindi naituloy nito ang sasabihin nang may kung anong bagay ang tumama sa ulo niya at nang tingnan nilang dalawa ang paanan, nakita nilang isa itong itim din na salamin at batid nilang pareho na pang babae iyon.

“Shit.”

Napangisi si Pion nang marinig ang mahihina nitong mura. Lumingon ang kausap niya sa likod nito at namataan ang isang babaeng matalim ang tingin sa kanila.

“Thank you for sparing me time. Mauuna na ako.” Paalam ni Pion

Tinanguan lang siya nito habang kumakamot kamot sa likod ng ulong tinamaan. Habang naglalakad, muling sumeryoso ang kanyang mukha nang maalala ang sinabi kanina ng lalaki.

“Two Cessna 421 B.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 18

    “What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 17

    “Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 16

    "There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 15

    “Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 14

    Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P

  • The Army: Captain Pion Pzarova   CHAPTER 13

    Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status