LOGIN“Danelle, what the heck! What’s happening?”
“Sssh!” hinarap ni Danelle ang kaibigang si Xia para patahimikin ito.
"What-
"Let's hide." Mahinang sabi niya upang hindi marinig ng mga hindi kilalang kalalakihan.
Nakatakbo sila hanggang sa banyo at tatlo silang naroon. Hindi nila kilala ang isa at hindi rin nila ito nakakausap dahil tila mailap ito sa kanila. Nakatali ng mataas ang buhok nito saka nakaitim ang lahat ng kasuotan kaya’t naiilang sila sa babae. Bukod sa kakaiba nitong kasuotan, may takip din ang kalahati ng mukha nito.
"Damn it. We need to get out of here!" Xia hysterically said. She was about to open the door but Danelle grabbed her.
“Hindi pa tayo pwedeng lumabas. Delikado, Xia and we need help.”
“Then call Tito Dencil. I’m sure may magagawa ang dad mo, Danelle.” Saad ni Xia na alalang alala na.
Pinanlakihan ni Danelle ng mata ang kaibigan upang pigilan ito sa pagsasalita ng kung anu-ano. Hindi lamang sila ang tao sa loob at bagamat iisa lamang iyong babae, hindi sila dapat na magbitaw ng kung anong salita lalo na’t hindi nila kilala ang babae. Natigil lamang silang dalawa ng akmang lalabas na iyong kasama nila. Pinihit na nito ang pintuan ngunit agad ding napatigil nang magsalita siya.
“Teka lang, saan ka pupunta? Hindi pa tayo pwedeng lumabas, miss.”
Sa halip na sumagot sa kaniyang sinabi, tinitigan lamang siya ng babae.
“H-hindi ligtas sa labas. Baka gawin ka rin nilang hostage.” Dagdag pa ni Danelle.
Si Xia naman ay hinahalungkat ang cellphone niya ngunit isang kurap lang nawala agad iyon sa mga kamay niya.
Nanlaki ang mga mata nina Danelle nang nginitian sila ng babae at bahagya itong may inayos sa tenga.
“Boss, may dalawa pa dito sa banyo.”
Muli silang tiningnan ng babae, “At mukhang hindi lang sila basta-basta.” Ngumiti ulit ito saka agad na lumabas sa banyo. Humabol sina Danelle ngunit huli na sapagkat nalock na ito mula sa labas.
“W-what the…” hindi makapaniwala sila sa nangyari. Ang nakasama nila sa loob ay isa ring hostage taker ngunit paanong nangyaring babae iyon? Bakit sumapi siya sa ganitong samahan na wala namang maidudulot na maganda sa buhay niya?
“Don’t tell me… may nakasama tayong kriminal sa maliit na lugar na 'to?” napaupo si Xia sa sahig. Hindi pa rin niya lubos maisip na nasa tabi lamang nila ang panganib. Tumakbo sila ng tumakbo kanina upang makapagtago ngunit heto ngayon nakasama pa nila sa iisang lugar.
Yumuko din si Danelle upang maglebel silang dalawa.
“We need to find a way out.”
“Paano? Nilock niya tayo and anytime pwedeng may dumating at kumuha sa'tin! My cellphone was taken. How can we get out of here, Danelle?!”
“Calm down, Xia. Okay? Narito pa ang cellphone ko at kailangan lang nating humingi ng tulong sa mga pulis. Hindi ko pwedeng sabihin kay Dad na natrap tayo sa loob ng isang mall dahil sa isang hostage taking na nangyayari. You know my Dad, Xia. He'll freak out.”
Her friend breathe heavily and looked at her again. Hanggang sa unti-unting bumilog ang mga mata niya na tumingin kay Danelle.
“Hindi ba may kaibigan kang sundalo? Iyong pumunta sa bahay ninyo noon at iyong nagpaalis sa'tin sa site! I’m sure matutulungan nila tayo! Call him, Danelle.”
But Danelle just bit her lower lip.
“I don’t have his number and he's not my friend, Xia.”
Pareho silang nanlumo na dalawa. Hindi nila alam kung may nagaganap na bang pagresponde sa labas dahil naroon sila sa loob ng banyo at medyo malayo iyon sa bungad ng mall. Sa muli, binuksan uli ni Danelle ang cell phone niya saka pumunta sa facebook account niya at doon nakita niya na kalat na ang balita. Bahagya siyang nakahinga ng maayos nang malamang may mga sundalo na sa labas. Malapit na silang makalabas. Ipinakita niya iyon kay Xia at ganoon din ang reaksyon nito na nagpapasalamat. Kailangan na lamang nilang maghintay at mag-abang sa balita para malaman nila kung kailan na sila maaaring umalis sa lugar na iyon.
Subalit lahat ng pag-asa nila'y bumagsak nang marahas na bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon ang dalawang kalalakihan na kapwa armado. Sa likod nito ang babaeng may takip na kulay itim na tela ang kalahati ng mukha at hanggang sa ilong niya iyon.
“Ibigay niyo na ang mga iyan kay boss.”
Nagpumiglas sina Danelle mula sa mga nakahawak sa kanila. Nakawala si Danelle saka niya sinipa ang tuhod ng lalaking may hawak sa kanya. Nakatakbo siya ngunit agad siyang napako sa kinatatayuan nang marinig ang malakas na putok ng baril na nanggagaling sa kaniyang likod.
Nagsimula ring manginig ang kaniyang mga tuhod. Unti-unti siyang humarap doon at nakitang nakataas ang kamay ng babae at hawak nito ang baril. Dumako din ang mga mata niya sa kaibigang nanginginig na sa takot.
How could she not think of Xia?!
“Run and I’ll shoot you.”
And her tears fell.
Ang pakikipag-usap ni Pion sa mga kalalakihan ay biglang natigil sa alingawngaw ng pagputok ng isang baril. Isang putok lamang iyon at hindi na nasundan pa ngunit isa lamang ang nasisiguro niya, sa loob nagmula ang ingay ng sandatang iyon. Tumunog ang debays na nasa tenga niya.
“Captain, nagpaputok sila at nanggaling iyon malapit sa likurang bahagi ng gusali. May mapa kami ng mall at sa likurang iyon ay may mga banyo. Hinihintay lang namin ang order mo, Captain. We are ready to go.”
Nanatiling tahimik si Pion hanggang sa muli siyang magsalita upang kausapin ang mga nakapalibot pa rin sa kaniya hanggang ngayon.
“One of your guns just pulled the trigger. You are urging me to do the same.”
Dumako ang mga mata niya sa kasamahang sundalo saka niya ito pasimpleng sinenyasan.
Mula sa mga nakatagong pwesto, lumabas ang mga sundalo at nakatutok sa mga kalalakihan ang Mk 16 Mod 0 Assault Rifle. Sa ganoong pangyayari, kapwa nakatutok ang mga baril nila sa isa’t isa ngunit napukaw ang kanilang atensyon sa lalaking lumabas mula sa isang sulok. Tumatawa ito habang ang bitbit nitong mahabang baril ay nakapatong sa kaniyang balikat.
Nagtama ang paningin ni Pion at ng lalaking batid niya ay ang pinuno ng samahang iyon.
“Captain, captain. Tsk!” umiiling-iling na wika ng lalaki.
“Alam mo bang wala ka ng magagawa ngayon?” nakangisi ang lalaki sa kaniya samantalang nakatingin lamang siya rito.
Hindi nagtagal, paunti-unting bumaba ang mga baril ng kaniyang sundalo at doon din niya napagtanto ang nangyayari. Mula sa mga suit na ibinuka ng mga kalalakihan, nakita nila roon ang mga bomba na nakakabit sa katawan ng mga ito.
“Put your guns down.” Saad ni Pion sa mga kasamahan niya na sinunod din ng mga ito.
Tumawa ng tumawa ang lalaki pero napawi rin iyon saka sumeryoso ang mukha nito.
“Kunin ang mga ‘yan at ang mga armas nila.” Wika nito sa mga tauhan.
“Boss, nandito na ang dalawa pang nabihag ni ma’am Yllona.”
Ang walang ekspresyong mukha ni Pion ay bigla na lamang napalitan ng pagkagulat matapos makita ang dalawang babae na bitbit ng mga kalalakihan. Pati na ang mga sundalo niya'y nagkatinginan dahil sa pangyayari.
Nang mag-angat ang ulo ni Danelle, labis na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang isang pamilyar na bulto sa kaniya. Hindi siya maaaring magkamali lalo na nang makalapit sila sa kinaroroonan nito, nakumpirma agad niya na tama siya.
“Captain, Locsin. Paano ba ‘yan? Hindi lang namin bihag ang sundalo ninyo kundi pati na rin ang prinsesa ng mahal ninyong Presidente. Napakagandang balita, hindi ba?”
Hindi na kailangan pang magtanong ni Pion kung sino ang kausap sa telepono ng pangahas na lalaki. Binalewala na lamang niya iyon saka tinuon ang atensyon sa babaeng nakatingin pa rin sa kanya hanggang ngayon. Lalapitan na sana niya ito ngunit pinigilan siya ng mga kalalakihan.
“Move.” Simpleng sabi niya sa mga ito
“Baka nakakalimutan mong bihag kana namin ngayon, Captain Pzarova. Umayos ka kung ayaw mong sabay-sabay tayong sumabog dito.”
Dahil doon napatigil siya.
“Why are you doing this?” tanong niya
Napangiti ang lalaki, “Hmmm… wala naman. Para inisin kayong mga sundalo? Para bigyan kayo ng trabaho? Hahaha.” Malakas na tumawa ang lalaki pati na rin ang mga kasama nito.
“Then release those people. Kami ang kailangan ninyo, hindi sila."
The man smiled devilishly, "diyan ka nagkakamali."
“Men! Get ready. Papasok na tayo at bihag na nila ang Throttlers. Nasaan ang tapang mo ngayon Pzarova?” ang huli niyang sinabi ay sapat lamang upang siya lang ang makarinig.
Nasa pintuan pa lamang sila nang makarinig na naman ng putok ng isang baril. Tulad kanina hindi na rin iyon nasundan pa.
“Walang magpapaputok hangga’t wala akong sinasabi.”
Sinenyasan niya ang mga sundalo at maingat nilang pinasok ang loob ng gusali saka pumwesto sa lugar na hindi mahahalata ng mga hostage takers.
Napasigaw ang mga tao sa loob ng barilin ng lalaki ang isang matanda. Binaril iyon ng pinuno nila sa harap ng kapitan na si Pion at sa mga sundalo pati na rin sa iba pang mga bihag nito.
“Sino ang gustong sumunod?! Ha?!” sigaw pa niya.
Natakot ang mga naroon pati na sina Danelle ay napaiwas ng tingin. Nag-igting ang panga ni Pion lalo nang natuon ang mga mata niya sa kamay ng babae na nanginginig. Hindi na ito nakatingin sa kaniya. Nakasubsob na lamang ang mukha nito sa kaibigan.
Mula sa puting sahig ng gusali, dumaloy doon ang dugo ng matanda. Agad itong binawian ng hininga matapos barilin sa likuran.
“Iyan ba ang mahal na mahal ninyong mga tao, Pzarova? Ano dadagdagan ko pa ba?” tumawa na naman ito ng parang demonyo.
“Siguraduhin mong hindi ako makakahawak ng baril.” Makahulugang saad ni Pion dahilan upang matahimik ang lalaki.
Lumingon ito sa likod kung nasaan sina Danelle.
“Sino nga ang anak ng presidente riyan?”
Isa sa mga tauhan niya ang nagdala kay Danelle. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito kaya bahagyang napangiwi ang babae.
"Ouch! Can you loosen up?! Hindi ako tatakas kung 'yan ang iniisip mo." Kanina lang parang nawawalan na ito ng pag-asa subalit ngayon bakit ang tapang-tapang nito?
"Tumahimik ka." The man warned her
"Magsasalita ako kung kailan ko gusto." Matigas na wika niya
Sasampalin sana siya ng lalaki ngunit mabilis ang mga naging pangyayari.
Hawak ni Pion ang isang pistol at nakatutok iyon sa lalaki matapos niyang daplisan ang mukha nito. Namilipit sa sakit ang lalaki at galit na galit siya nitong tiningnan.
"I told you, never let me handle guns. Once I have it, you'll have the bullets."
Naghari ang katahimikan nila lalo na sa sistema ni Danelle. Hindi niya akalaing gano'n katapang ang lalaki. Mas nadagdagan lamang ang atraksyon niya rito.
"Release your gun." A female voiced out of nowhere.
And there, at there back. A woman is pointing a gun on Xia.
Nanlaki ang mga mata ni Danelle. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kaniyang kaibigan.
Lumingon siya kay Pion at binigyan ito ng mga nangungusap na mata.
She was thankful that Pion seemed to understand her. He dropped the gun and the man laughed again.
Tumayo ito saka itinulak si Danelle patungo sa babaeng ngayo'y malapit na sa tabi niya.
“Dalhin ‘yan.”
Nanlaki ang mga mata at nahimigan ni Danelle ang takot at kaba ng sabihin iyon ng lalaking puno ng tattoo ang braso. Natatakot siya rito dahil sa awrang ipinapakita nito. Is she going to be kidnapped?
No!
Hinaklit ng babae ang braso niya saka hinila. Ayaw sana niyang magpatianod ngunit wala itong nagawa ng palibutan sila ng mga kasamahan pa ng sindikato upang hindi siya makuha ng mga sundalo na siyang nag-ambang magsikilos.
“Kilala niyo naman siguro ang pinuno naming bihag ninyo sampong taon na ang nakakalipas? Simple lang ang gusto naming mangyari, kapalit ng paglaya niya ang anak ng Presidente. Sayang, ikaw sana ang bibihagin namin Pzarova at ang mga taong ito pero mas inaayunan kami ng langit ngayon. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ngayon ang mga napapanood ko lang sa palabas noon. Masaya palang maging kontrabida paminsan-minsan. ” Nakangising wika ng lalaki.
Matatalim lamang ang titig ni Pion sa mga ito at nang mapadpad ang tingin niya sa babaeng si Danelle bigla na lamang nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha. Napalitan ito ng pangamba at takot para sa dalaga. Muling bumalik ang tingin ni Pion sa kausap niyang lalaki.
“Ako ang dalhin ninyo, pakawalan niyo ang babaeng iyon.” Pion volunteered but he just received a laughter again from the man
“No, thanks. Nagbago na ang isip namin.”
Inayos ng lalaki ang baril na nakapatong sa balikat niya kaya ngayon bitbit na niya ito. Hindi nagtagal itinututok niya iyon sa sundalong kaharap at paunti-unti siyang umatras kasama ang iba pang mga kalalakihan.
“Oras na may sumunod sa inyo, sa harap ng Presidente at sa harap ng mundo, papatayin namin ang babaeng iyon. Maging masaya na rin kayo dahil pakakawalan namin ang ibang bihag. Hanggang sa muli nating pagkikita, Captain Pzarova.”
Kikilos na sana ang mga kasundaluhan ngunit nagbigay ng senyas si Pion na tumigil ang mga ito. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa babae.
Pion breathe heavily as the woman he ought to save was taken by the hostage takers. Now, surely, the president would curse him to death for not saving his only daughter. Tumunog ang radyo niya kaya kinuha niya iyon mula sa kaniyang bulsa.
“Nakaalis na ang mga hostage takers pero may bihag silang dala. Hindi namin nakita ang mukha dahil nakatalikod na ito samin. Bakit mo hinayaang makaalis ang mga iyon?”
Hindi agad nakasagot si Pion sa katanungan ng kanilang Colonel. At sa pangalawang pagkakataon, huminga muna siya ng malalim bago tuluyang nagsalita.
“Danelle Greogo was kept as their hostage. Hindi namin siya nakuha dahil manganganib ang buhay niya.”
Nakarinig siya ng pagbagsak ng kung anong gamit.
“Ano?! Paanong nangyari iyon? A Greogo? Are you saying that this is the daughter of the President?”
“Yes, Sir. Ngunit mas gusto ko sanang sa personal na ito pag-usapan, Colonel.”
Pinatay na ni Pion ang tawag at tanging nagawa niya'y ang sundan ng kaniyang mga mata ang lugar na nilisan ng babae.
"I'll get you."
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n