Mag-log in“But Dad, I want there! Iyon na ang puwestong napili ko at walang makakapagpaalis sa akin doon. Tsaka malayo naman iyon sa kampo nila, wala akong pakialam sa kanila.”
Nagsumbong ata ang lalaking iyon dahil heto kami ngayon ni Dad nagtatalo dahil ayaw niyang ituloy ko doon ang negosyo. Wala namang masama doon, matao naman ang lugar na iyon at isang kilometro naman ang layo sa kanila.
Why is he so annoying?!
“Danelle—
“Dad, please. Huwag ka ngang maniwala sa lalaking iyon. Ang panget-panget niya ang yabang-yabang niya, bwisit!” dahil sa inis umalis nalang ako.
Ayaw kong mag-away kami ni Dad ng dahil lang dito at nagpapasalamat din akong wala rito si Mommy dahil alam kong isa pa siya sa mga pipigil sa plano ko. Mom is in Paris for the fashion show that will be held this week. Gusto niya sana akong isama pero inaasikaso ko naman ang gagawin kong negosyo. Isa pa, maiinip lang ako roon.
Nagdesisyon akong tawagan nalang si Xia para gumala kami. Naboboring ako rito sa bahay saka hindi pa napapasa sakin ni Architect Fuendo ang sketch ng magiging restaurant ko kaya wala talaga akong magawa.
“Yes, I’m on my way there.”
Pinutol ko na ang tawag saka nagmaneho na ng kotse papunta roon. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating ko ang lugar at sa isang restaurant sa loob nakita ko siya. She waved at me and I did the same.
“Kanina ka pa?” tanong ko ng makarating ako sa lamesa
“Not really. So where do we go first?”
“Kumain na muna tayo. It’s already 1:15 but I’m not eating yet. Nagtalo kami ni Dad dahil ayaw niya akong payagan na itayo roon ang restaurant ko at kasalanan iyon ng mayabang at walang modong lalaki na 'yon.”
“As expected. Itutuloy mo pa rin ba?” tanong niya
“Of course. Walang makakapigil sakin dahil kapag sinabi ko sinabi ko at kapag ginusto ko, ginusto ko.”
Nagsimula na rin akong kumain.
Nagkibit balikat lamang si Xia ngunit kalaunan inilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Anong pangalan ng lalaking iyon? Can you give me his number? Malay mo kami ang magkasundo.” Malawak ang ngiti niya nang sabihin iyon sa'kin ngunit nawala din nang makita ang pag-ikot ng mga mata ko.
“He's mine.”
Nahulog ang ilang pastang isinusubo niya sa kaniyang bibig saka hindi nakapaniwalang tiningnan ako.
"You're kidding, right?" Alanganin siyang tumawa pero seryoso ko lang siyang tiningnan.
"Hindi."
Nawala na naman ang ngiti niya.
“Tsk! Ibigay mo nalang sa'kin ang number niya. I will see if he's really hard to get.” she winked at me but I rolled my eyes.
“Wala akong number niya at hindi ko rin ibibigay sa'yo kung meron.”
"Come on! Susubukan ko lang naman e."
"I said no."
Xia pouted at me. Well, wala namang magagawa iyan dahil hindi niya ako mapipilit. After we ate, we went to a boutique, a usual place where girls often go. I just want to see the new released bag which was made by my own mother. She’s really creative. But the sad part is, she never gave me her new released bag that’s why I’m coming here. Gusto ko ring mamili ng mga bagong damit and I am planning for a grocery. Habang ginagawa ang restaurant ko may isa pa akong bagay na gustong gawin.
“Omg! Ito na yung bagong labas na bag ni Tita Nalyn.”
Agad naman na tiningnan ni Xia ang presyo at umawang ang mga labi niya kaya sumilip din ako.
“Its worth 149, 000 pesos. It’s so expensive. This is limited edition, right?” she turned to me
I shrugged my shoulder. “Yeah, but I’m not sure.”
Kinuha ko iyon dahil mukhang wala namang balak si Xia na bilhin iyon. Nagpunta kami sa cashier at ibinigay ko sa kaniya ang card ko.
“Bakit ka bibili? Bibigyan ka naman ni Tita for sure.”
“Well, you’re wrong about that.”
May bitbit akong isang paper bag samantalang si Xia ay tatlo. Pababa na kami ng escalator dahil pupunta naman kami sa supermarket area. Habang nasa escalator, napansin namin ang mga taong nagsisitakbuhan at naguunahan sa pag-akyat. Nagkatinginan kami ni Xia at nakita ko sa kaniya ang pagkataranta.
I examined the place hanggang sa tuluyan kaming makababa. Napako kami sa aming kinatatayuan nang may mga nakaitim at nakabonet na mga lalaki ang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang mga bitbit nitong babae, sakal-sakal at may iba pa silang mga tinututukan ng baril.
Is this…
Malalaki ang hakbang ng Presidente na naglalakad sa gitna ng pasilyo kasama ang ilang tauhan niya sa likod. Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib matapos mapanood ang balita.
*Breaking News
“Saktong ala una y media, naitala ang isang hostage taking sa isang mall sa Makati. Ayon sa mga saksi, dalawang itim na van ang pumarada sa harap ng nasabing mall at kasabay nito ay ang paglabas ng mga armadong lalaki, nakaitim at nakabonet. Patay ang anim na gwardya sa pamamaril habang ang iba'y bihag ng mga nakaitim na lalaki kasama ang daan-daan pang tao sa loob ng gusali.”
“Mr. President, rumesponde na po ang Prime Special Forces kasama ang SWAT team. We are waiting for further news.” Saad ng sekretarya niya
Nasa isang conference room sila kung saan sila lamang ang naroon. Nasa opisina siya nang mapanood ang balita para ayusin ang ilang papeles na ngayon ay pinoproblema pa niya. Limang bilyon ang nawawalang pera ng bayan at kapag hindi niya agad ito naibalik, siya at ang serbisyo niya ang manganganib.
“Nasaan ang Throttlers Special Forces?”
“Kasalukuyan po silang nagbabantay dito sa palasyo, Mr. President. Sila ang nakaatang na maglibot at siguraduhin ang kaligtasan dito.”
“And so far there are no suspicious things?” tumango ang sekretarya niya sa kaniya
“Then I want you to call Captain Pzarova and his armys. I have another mission for them, ASAP.”
Agad na nilisan ng lalaki ang lugar saka nito pinahanap ang kapitan. Ilang sandali pa ang lumipas bumukas ang pintuan ng conference room at iniluwa niyon ang taong hinihintay ng matanda. Sumaludo sa kaniya ang binata saka ibinaba ang kamay.
“I want you to help on responding in that mall, with your armys, Captain Pzarova. May hostage taking na nangyayari sa Makati at hindi ko alam kung nasaan ang anak ko. I want you to go there as soon as possible and report to me.”
“Naroon na po ang Prime Special Forces with SWAT team, Sir. I don’t think we’re needed there and there will be no soldiers securing the palace if we’ll leave, Sir.”
Napayuko at napabuntong hininga ang matanda. Nakakuyom ang mga kamao nito na parang nagpipigil na magalit.
“May pinadala na akong ibang mga sundalo para gawin ang iiwan ninyong trabaho ngayon.”
Umangat muli ang tingin nito kay Pion, “I want you take part on this case. May kutob akong nasa panganib si Danelle and I don’t know but I am only entrusting you with my daughter, Captain Pzarova. And as your Chief of Commander, this is an order. Bring Danelle Greogo home and those people, safe.”
Medyo matagal na nanahimik si Pion subalit kalauna'y sumaludo siyang muli rito saka malalim na kumawala ang kaniyang boses.
“Sir, yes Sir.”
“Hindi natin sila pwedeng paputukan. May mga bomba sila sa kanilang katawan at sasabog ang gusali na ito kung mayroong magpapaputok. Inform everyone to cease and no one should use their guns, for the time being.”
“Yes, Captain.” Sumaludo kay kapitan Locsin ang sundalo niya
Nasa labas sila ng mall at kailangan nilang mag-isip ng maayos kung paano malilikas ang mga sibilyan. Nakipag-usap na siya kanina sa pinuno ng hostage taker at doon niya nakumpirmang may mga bomba ito sa katawan. Nakapamaywang lamang siya nang mapalingon sa paparating na mga sasakyan hanggang sa tumigil ito hindi bumitaw ang tingin niya roon. Pagak siyang napatawa nang makita kung sino ang dumating kaya nilapitan niya ang mga ito.
“Anong ginagawa ninyo rito? Misyon namin ito, wala dapat kayo rito, Captain Pzarova.” Aniya
“Hindi ko rin gustong makasama ka sa iisang misyon kung iyon ang nais mong iparating pero dahil iisa lang ang sinusunod natin, wala akong magagawa.”
Nilagpasan siya ng lalaki. Napahinga siya upang kalmahin ang sarili saka sumunod dito at muling hinarangan ang isang Kapitan.
“Umalis kana.” pagtataboy niya
Nagsukatan sila ng tingin at ang mga sundalo namang nakatingin sa kanila'y walang magawa.
“Hindi ko alam kung paano ka naging sundalo ng hindi natututunan ang pagiging propesyonal, Captain Locsin.”
Muling nagngalit ang lalaki kaya kwinelyuhan niya ito. Lalapit sana sa kanila ang ilang sundalo ngunit agad ding napatigil ng magsalita ang kapitan na si Locsin.
“Mag-ingat ka sa mga salitang binibitawan mo.”
Inalis niya ang pagkakakwelyo dito saka inayos ang sarili.
“Okay, kung iyan ang gusto mo. Let’s be professional just for today. Pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.” Saka ito ngumiti.
Nginisian din siya ni Pion, “Batas iyon hindi kagustuhan ko.”
Muli siyang nilagpasan ng lalaki at naiwan siyang nagpipigil sa galit.
Walang sabi-sabing pumasok si Pion sa gusali na sinundan naman ng mga sundalo niya. Inayos niya ang maliit na debays na nasa tenga niya saka imwenestra ang mga kasamahan sa magkabilaang direksyon.
“Walang mapgpapaputok, unless otherwise needed.” Huli niyang bilin sa mga ito bago niya tinahak ang diretsong daan patungo sa loob ng gusali.
Nakarating siya sa gitnang bahagi ng malaking mall at tiningala niya ang ilan pang palapag nito. May namataan siyang iilang sibilyan na nakatago sa mga food stall at mga dibisyon kung saan nakalagay ang mga kagamitan at paninda ng malaking gusali. Sinenyasan niya ang mga itong tumahimik.
Walang ingay ang loob ng gusali ngunit hindi kalayuan sa kaniya'y naabot ng kaniyang pandinig ang tangis ng mga taong nasisiguro niya marami ang bilang. Kinuha niya ang kanyang radyo na bahagyang tumunog.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Pzarova?! Pinapahamak mo ang mga tao sa pagpasok mo riyan!! Tangina, hindi ka talaga nag-iisip!"
“Naniniwala akong maililigtas sila kung kikilos ang mga sundalo hindi iyong nakatayo lang diyan. Locsin, akala ko ba matalino ka?” habang nagsasalita, pinagmamasdan ni Pion ang paligid.
“Gumagawa kami ng panibagong plano dahil ayaw makisosyo ng hostage taker. Mag-isip ka, Pzarova sa katarantaduhang ginagawa mo!”
Gumalaw ang sulok ng labi ni Pion, “Kung magpaplano ka palang, bumalik ka muna sa kampo.” Muling ibinalik ni Pion ang radyo sa bulsa ng kaniyang uniporme.
Bahagyang nakababa ang kaniyang ulo nang mapansin ang mga bultong pumapalibot sa kaniya. Gamit ang mga gilid ng mga mata niya, tiningnan niya ang mga lalaking iyon at mula sa ibabang kasuotan nila, lahat ito nakaitim. Unti-unting nag-angat ang paningin niya para lamang matagpuan na nasa gitna siya ng mga ito at nakatutok ang mga baril sa kaniya.
Marami nga ang mga hostage taker, iyon ang napagtanto niya. Muling gumalaw ang mga mata niya at mula sa taas at iilang sulok ng gusali, nakita niyang nakabantay iyong mga sundalo niya at nakatutok na rin ang mga baril sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya.
“Kailangan kong makausap ang pinuno ninyo.”
“What am I doing here? Bakit mo ako dinala dito?” hindi magkamayaw ang mga tanong ni Danelle nang malaman niyang nasa Batangas sila. Hindi niya iyon namalayan kanina kaya naman gulat na gulat siya ngayon.Naroon sila sa isang pagdiriwang, ang kasal ng pinsan ni Pion. Binati naman siya ng mag-asawa hanggang sa nadako ang mga tingin nito sa kasama niya na patingin tingin lamang sa paligid.“Girlfriend mo?” tanong ng babae niyang pinsan.Nakuha niyon ang atensyon ni Danelle. Nginitian niya ang mga ito saka nakita si Pion na umiling.“Sinungaling.” Mahinang natawa si Pion, “She’s really not my girlfriend. By the way, congrats. May asawa kanang kasing gwapo ko.”“Bro, mas gwapo ako sayo, pasensya na.” ani naman ng lalaki“Tumigil nga kayong dalawa, pareho lang kayong mahangin. Ipakilala mo naman sa'min Pion ang kasama mo.”Bahagyang nagulat
“Paumanhin, Senyor. Pinasabog ng air force unit ang kasamahan ko pero nagawa naming pasabugin ang barko.”Kapapatay lamang ng matanda sa telebisyon. Nakaupo ito sa kabisera at sa gilid nito ay may dalawang lalaking malalaki ang katawan.“Nagawa nga ninyo iyong mapasabog pero ang taong gusto kong mabura ay wala naman doon. Anong silbi ng binigay ko sa inyong misyon? Wala!”Napayuko ang lalaki.“Dispatsahin agad ang ginamit mong eroplano.”“Opo, Senyor.” Umalis naman ang lalaki“Nasaan si Yllona?” tanong nito“Nasa bakasyon po siya, Senyor pero darating na siya maya-maya.”Sakto naman ng matapos siyang sagutin ng isang tauhan ay bumukas naman ang pintuan doon at iniluwa ang isang lalaki niyon.“Ayaw nilang makipagkasundo sa’tin at nakita na nila ang mukha ko kaya kinailangan ko silang despatsahin.”
"There's more food over there." tinuro ni Xia ang gilid ng kanilang venue.Nginitian siya ng mga ito saka binati. Dumating naman siya sa lamesa ng mga kaibigan."Happy Birthday, girl.""Happy Birthday, Xia.""Happy Birthday."Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at saglit siyang nakipag usap sa mga ito hanggang sa matanaw ng mga mata niya ang kaibigang si Danelle. Nasa isa itong lamesa at ang mukha ay inis na inis na dahil sa mga nakapalibot dito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at nang makita siya nito ay mabilis na ngumiti si Danelle."Xia!" naglakad ito patungo sa kanya saka siya niyakap."Bakit hindi mo sinabing nandito sina Silver?" pabulong na tanong nito sa kanya."I forgot to tell you." Sagot niyaIyon ang lalaking patuloy na kinukulit si Danelle, ang highschool exboyfriend niya. Magmula noong bumalik siya sa
“Today is the 10th death anniversary of the late, General of the Philippine Army, Sr. Rream Pzarova. Let us toast for the great General who have sacrificed his life and ended his journey by saving his people.”“Cheers!”“We will not forget you, Sr. General.”Itinaas nila ang kanilang mga baso at bilang pakikisama ay ginawa na rin iyon ni Pion. Nasa isa sila ngayong silid sa kanilang Headquarter at ipinatawag doon si Pion. Ang nasabing namayapang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang ama.“He had raised such a great and amazing man, our soldier, Captain Pzarova.”Nagtipon doon ang mga matataas na opisyales upang gunitain ang ika-sampung taon ng pagkamatay ng una nilang ama at heneral sa kanilang buhay sundalo. Tahimik lamang si Pion sa isang tabi. Gusto na sana niyang lumabas subalit kailangan naman niya silang pakisamahan.H
Paalis na dapat si Pion sa tabi ng babae nang bigla siya nitong hawakan kaya muli siyang napaharap kay Danelle. Kunot-noo niyang tiningnan ang babaeng matamis na nakangiti sa kanya.“You have something in your eyes.”Umangat ang kamay nito upang hawakan ang kanyang mga mata subalit agad niyang nasambot ang kamay ni Danelle. Nawala naman ang mga ngiti ng babae at napalitan ito ng gulat.“I’m a soldier. You can’t fool me.”Babawiin sana ni Danelle ang kamay niya ngunit hindi ito binitawan ng lalaki. Seryoso ang tingin sa kanya ni Pion kaya ayaw na sana niya itong tingnan subalit parang hinihila siya ng mga mata ng lalaki, hindi siya makaalis sa pagkakatitig nito.Unti-unting nilapit ni Pion ang mukha niya sa babae at habang nanlalaki na ang mga mata ni Danelle, tinulak niya ito. Bumalik lahat sa kanya ang ala-ala ng gabing iyon na hindi dapat niya ginawa.P
Matapos ang halos mag iisang buwan, bumalik na sa Pilipinas si Danelle kasama ang ina nito. Kakagising lamang niya mula sa mahabang byahe kanina, napagod siyang talaga lalo na’t may mga nakaabang na ilang media kanina sa airport upang kapanayamin ang kanyang ina.Pumunta siya sa kusina upang kumain ng pananghalian. Mamayang hapon kikitain niya si Xia. Kailangan niyang humingi ng paumanhin dito lalo’t natagalan siya sa New York. Natapos din siya agad sa pagiging modelo ng kanyang ina subalit mas pinili niyang magtagal muna sa bansang iyon dahil hindi pa siya handa sa anumang kahaharapin sa Pilipinas.Pakiramdam niya'y wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. Something that should have not happen, occurred between them and right now, she considers it as the biggest mistake of her life. She has n