PrinsesaAhli
Fairy tale
Happy ending
Happily ever after
Alam kong sa henerasyon ngayon, marami na ang hindi naniniwala sa mga salitang iyan. Katuwiran nila, walang ganoon sa totoong buhay kasi lahat ng tao mamamatay o di kaya wala iyan at hindi totoo kasi hindi sila masaya. Marami pang dahilan na hindi ko matanggap dahil sa totoo lang, may fairytale naman talaga. Hindi lang nakikita ng iba kasi they are asking for so much more.
Isa pa, wala naman daw kasing magic sa mundo kaya hindi totoo ang fairytale. So Paano kaya kung titingnan ang magic sa ibang aspeto? Kung tutuusin, napaka-magical naman talaga ang buhay e, hindi lang natin ito alam dahil ayaw nating tingnan o sadyang tinatakpan lang natin ng negatibo ang positibo.
Oo, wala pa akong boyfriend dahil teenager pa lang ako. Pero hindi ibig sabihin noon bitter ako dahil alam kong maraming dahilan para maging masaya ka. Alam ko rin na may happy ending dito sa mundo. Hindi naman ipapamulat sa mga bata ang fairytale stories gaya ng kay Aladdin kung hindi totoo e. Paano ko nasabi? Dahil nakikita ko ito sa ibang aspeto.
Isa na rito ang pag-ibig. Alam kong mayroon pa ring mga tao na dalisay at wagas kung umibig, gaya ng mga nasa fairy tale stories. Iba nga lang ang paraan at may kalakip itong sakit sa bawat pagsubok na kailangan nating lampasan mapatunayan lang ang pag-ibig natin. Hindi rin ito tipikal na darating si Prince Charming at sasagipin ang prinsesa, dahil hindi natin kaibigan ang tadhana. Hindi nalalayo ang kaniyang paghamak sa di mapapantayan nating hangarin na umibig. Nasa atin na lang kung paano tayo makikibaka sa kaniyang paglalaro.
I am not going to introduce myself as of now, but let me tell you how I was brought to a whole new world.