Coffee Martin
Paalala: Ang kwentong inyong matutunghayan ay produkto lamang ng malikot na pag-iisip ng may-akda. Ang ano mang pagkakapareho ng mga karakter, lugar o pangyayari sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Ang kwentong nakapaloob rito ay kombinasyon ng drama, komedya, katatakutan, at malubhang SPG kaya naman ang pagbabasa nito ay alinsunod sa inyong discretion at ang pagbabasa nito ay at your own risk.
Si Amanda, ay isang mapagmahal na anak at maasikasong panganay sa kaniyang dalawang kapatid. Dahil sa kahirapan sa buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at mamasukan bilang isang hostess sa isang bar para matustusan ang pangangailanagan ng kaniyang pamilya. Bagamat iniwan na ng kanilang ama, ay siya na ang tumayong ama ng kanilang tahananan.
Subsob sa trabaho kaya naman wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang makalikom ng perang panggastos nila sa pang-araw-araw. Kaya naman nagbago ang lahat ng makilala niya si Randy, guwapo at matipunong lalaki. Sa kaniyang angking hitsura ay sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kaniyang nakakaakit na tindig.
Bagamat hindi nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Edna, ay nagpursige parin siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal na nararamdaman para kay Randy.
Ngunit, sa pakikipaglaban niyang ito ng kaniyang nararamdaman ay umusbong ang isang misteryo na hindi maarok ng pang-unawa ng sino man.
Sa hirap na kinakaharap niya sa kaniyang pamilya, sa kaniyang buhay pag-ibig, at sa panibagong kinakaharap niyang misteryo, makakaya pa ba niya itong kaharapin at malagpasan?
Halina't samahan natin ang natatanging kwento ni Amanda sa kaniyang mundo na puno ng kwela, puno ng drama at kababalaghan kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Edna.