011Tahimik kaming kumakain ng hapunan sa hapag. Walang umiimik kahit isa at pawang tunog lamang ng mga kubyertos ang tanging maririnig. Hanggang sa matapos kumain ay tahimik parin. May problema ba? Nakita kong umaakyat si Lola sa kaniyang kwarto, problema nun?"Problema ni Lola?" Tanong ko sa dalawa kong kapatid. Nagkibit-balikat lamang ang dalawa. Hindi alam ang sagot. Tumungo ako sa kaniyang kwarto pero napagtatantong lock iyon. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at naghanda na para matulog.Gabi na naman, natapos na naman ang isang araw na walang napapatunayan. Gabi na naman, nakatingin sa kisame ng hindi namamalayan. Gabi na naman, ngunit sa buhay mo ay wala parin akong maintindihan. Gabi na naman, hindi ko alam kung ako ba ay may kahihinatnan. Gabi na naman, malayo ang takbo ng isip, wala sa kasalukuyan. Gabi na naman, puno na ng imahinasyon ang aking isipan. Gabi na naman, ang mga bagay na di magawa
Last Updated : 2020-08-21 Read more