Hinawakan ng nilalang na 'yun ang palad ko at ramdam ko ang malamig na enerhiya taglay na nanggagaling sa kamay niya. "Halika may ipapakita ako." Aya niya na sa akin. Hindi bumubuka ang kaniyang bibig tanging sa isip niya lang ako kinakausap.Tinakpan niya ng isang palad niya ang mata ko at sa pag alis niya ng kanyang kamay ay nasa isang tagpo ako ng nakaraan ng aking kabataan. Nasa baba kami noon flag ceremony ng mga Prep at Grade 1 at isang musmos ang pumukol ng atensyon ko. Nakashorts sya nun t-shirt na puti, naka pusod ang magkabilang buhok at me hawak na pompoms. "Foundation day ito ah." Sambit ko sa sarili ko. At ang batang iyon na singkit ang mata na nakadungaw sa taas sa bandang 3rd floor ng gusali ng eskwelahan na iyon ay ako habang ang mga katabi niya ay naglalaro, naghaharutan. Siya naman ay nakatingala lang sa taas sa bandang kanan.
Last Updated : 2020-10-17 Read more