Jadhrie's P.O.VHindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon. Si Dave na nakikita kong tahimik lamang at minsan ay kasama ang mga kaibigan niya, ngayon ay heto, nayupi ang ulo ang iba pang mga katawan.Naramdaman ko ang paghigpit ng braso ko, nakia kong nakakapit pala roon si Hazielle na takot na takot sa nakita."We need to leave here now!" Sigaw ni Shelby."Pero... Mahirap... Minsanan lang ang daan ng jeep dito." Sabi ni Joren sa kanya."Bakit kasi hindi yung van ninyo ang sinakyan natin kahapon papunta rito?!" Sigaw ulit niya."Naubusan kami ng gas. Sakto ngang kakauwi lang namin iyon nang maubusan kami ng gas." Sagot ni Joren."So, aantayin na lang nating unti-unti tayong maubos dito?" Muling tanong ni Shelby."Shelby, 'wag mong sasabihin iyan!" Galit na sambit ni Jon kay Shelby.Napayuko na lamang siya
Last Updated : 2020-07-29 Read more